Separate Lives

9 0 1
                                    

Isang araw, gumising si Hera sa Hindi pamilyar Na kwarto. Halos Hindi maimulat ang mga Mata. Ang sakit sakit ng ulo. Sa pagkakatanda nya kagabi ay uminom sila ni Tope.

Hawak nya ang ulo nang makaramdam sya ng lamig. Baka naman malakas ang aircon. Bumangon Na sya.

Shit kaninong shirt 'to!!!

"You're awake! Tara Na sa pool. Nakapaghain na'ko."

"Teka Tope, kaninong kwarto 'to?"

"Sa'kin."

"Tabi tayong natulog?"

"Hindi. Maraming kwarto dito noh"

"Ay salamat. Eh kaninong shirt to?"

"Andaming tanong. Relax. That's my shirt. You've thrown up. Alangan namang pabayaan kitang naliligo sa suka mo. And your clothes were already dry. I washed it myself."

"Pati bra ko?"

"Oo. Ako rin ang naghubad ng damit mo. Sino PA ba sa akala mo."

Nanlaki ang mga Mata ni Hera.

"Just kidding. I asked my cousin Nicole to come over. She changed your clothes but I was the one who washed it. She's not doing her laundry."

Para syang nabunutan Ng tinik sa narinig.

"Nakakahiya. Uuwi na'ko."

"Oops, San ka uuwi?"

Shit oo nga pala umalis na'ko Kay Yuan.

      Nang maalala ang boyfriend ay nalungkot sya. Sandali lang sila magkasama pero naging malaking bahagi Ito ng buhay nya. Mabilis Na naging sila pero mabilis din itong natapos. Kaya nagkusa Na syang umalis.

     Hindi nya matanggap Na Hindi sya gusto ng Mom ni Yuan at hayagan ang pagiging boto nito Kay Jerry Na ex ng anak nya.

"Babalik Na lang siguro ako sa dati kong dorm. Yung kaya kong bayaran. Salamat sa pagpapatuloy mo sa'kin."

"I won't mind if you stay here. Kailangan nyo lang siguro ng space ni Yuan. Malay mo naman magkabalikan kayo. You guys just need to talk. "

"Salamat Na lang Tope pero gusto ko Na syang makalimutan. May ipapakiusap Sana ako sayo. Kung pwede sana pakikuha ng gamit ko sa condo ni Yuan. Hindi ko Na sya kayang harapin. Masasaktan lang ako."

"Dito ka Na lang kasi. As I've said there are a lot of rooms here. My mom won't mind."

"Bakit?"

"Anong bakit? I'm trying to help you here."

"Ayoko nang humingi ng tulong sa iba. Yung huling beses Na humingi ako ng tulong ay nasaktan lang ako."

"Ok fine. Just have your meal first kundi magtatampo ako sayo."

"Okay. Salamat."

"Pagkatapos mo kumain maligo ka sa pool ha. Baho mo eh!! Amoy alak ka PA rin "

"Huwow. Gusto mo idikit ko PA sau tong T-shirt Na suot ko para mangamoy alak ka Na rin eh."

"No way. Yuck kababae mong Tao kadiri ka."

"Ah kadiri pala ha."

Tingnan natin kung Di ka mangamoy..




Guilty ang PANGET!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon