Ang Pamamaalam

23 0 1
                                    

OSPITAL. galit na galit sina tiyo. deadma na lang sanay na. iniwan
nila ako at maaga pa raw ang deliver nila ng halaman bukas. nagising
si lola sa kalagitnaan ng gabi. agad akong lumapit.
"may kailangan po ba kayo wowa? nagugutom ba kayo?"
hinawakan niya ang kamay ko nang mahigpit.
"hera apo,hindi na magtatagal ang wowa.mahina na ako. matagal na rin
itong sakit ko. :
"wowa wag naman po kayong magsalita ng ganyan. magpalakas kayo. pano na ko?"
"wag kang mag-alala, sa kabutihan nito, (itinuro nya ang  puso ko),
siguradong may darating na mag-aaruga at magmamahal sayo."
"malabo ata yun wowa. sa pangit kong to wala ng magkakagusto sakin.
kayo na nga lang ang pamilya ko tapos iiwan nyo pa ako."
"iha matanda na'ko. hayaan mo na'ko.kung minsan, mas mabuting
pakawalan natin yung mga taong mahal natin para sa kapakanan nila.
alam kong ako lang ang kakampi mo. pero gusto ko ng ipahinga ang
katawan ko at makasama ang panginoon. hayaan mo, sa mga darating na
araw ay may darating na swerte sa'yo."
labag man sa kalooban ko, hindi na'ko kumontra. alam kong pagod na ang wowa.
humalik ako sa noo ng wowa ko. hindi ko mapigilang maluha.
"Sya nga pala hija, may itinabi akong pera. passbook yun. magagamit mo
sa pag-aaral. tutal graduating ka na. atsaka may makapal na aklat dun
sa kabinet ko. bilin sa'kin ng mama mo, ibigay ko sa'yo yun bago ako
mawala. ngayon na ang tamang panahon. babaguhin nito ang buhay mo."

"salamat po." hindi ko masyado ma-appreciate dahil nalulungkot ako at
namamaalam na si wowa.
"o siya, hindi nako magtatagal apo. iiwan na kita. magpapakabait ka.
bigyan mo naman ng yakap ang wowa."  agad akong yumakap sa kanya.
"i love you apo. mahal na mahal ka ng wowa. make me proud." mahigpit
nyang hinawakan ang kamay ko.
"opo wowa. mahal na mahal ko rin po kayo."
unti-unting lumuwag ang pagkakahawak ni wowa sa kamay ko hanggang sa
nabitawan nya na ito. kasabay ang pagpikit ng kanyang mga mata.
nakangiti syang namatay. napahagulgol na lang ako. wala na ang wowa.
naging mahirap para sakin ang mga sumunod na araw. lahat sila ako'ng
sinisisi. kesyo ako daw ang malas. siguro nga. after ng libing, kinuha
ko sa kwarto ni wowa ang passbook at aklat. makapal nga ito. 3 inches
ang kapal.
"walang title, ang weird."  kinuha ko ito at nilipat sa kabinet ko.

Guilty ang PANGET!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon