FOREIGN LANGUAGES CLASS. Martes. 1:30- 3:00 pm. Klase ni Mr. Alvarez.eto na naman yung pinaka-bully na class. umupo ako sa dulo at habang naglelecture si prof ay may kumatok. natural na tumingin ang lahat sa pinto. ang iba ay akala mo giraffe kandahaba ang leeg. mga usi kami eh. usi-sero. bahagyang binuksan ni prof ang pinto para kausapin ang kumatok.
"good morning sir! is this the foreign laguages class of..mr. julio alvarez?"
sa narinig ay lalong humaba ang leeg ng mga classmate kong girls. pati si margarette na girlfriend ni enzo. malandi talaga tong babaitang toh.
"yes, i'm prof alvarez. how may i help you?"
"i'm your new student sir. i just recently enrolled."
"okay. come in."
nilakihan ni sir ang awang ng pinto. at tulad ng inaasahan, lumuwa ang mga mata ng kaklase ko. parang nakakita ng artista. nagtilian ang mga
babae. tinakpan ko ang tenga ko. gwapo si kuya. edi wow! akala ko nasa malltour ako imbis na nasa klase dahil sa tindi ng mga tili nila. pati si sir ay napailing na lang. ngumiti lang sya sa mga girls.dire-diretso sya bakanteng upuan sa tabi ko. malas si kuya. no choice.
chaka ang seatmate."hi! tabi tayo ah."
todo smile pa si kuya. gwapo na mabait pa sa tulad kong chaka. tumungo lang ako. sa pagtungo ko ay nanahimik ang mga girls na kanina lang ay
hyper kung makatili. mukhang trouble ang pag-upo ni kuya sa tabi ko
kaya inusog ko ang upuan ko."may i have your registration card."
hiningi ni prof ang regi ni kuya. inabot nya naman ito habang
nakangiti pa rin. binasa ito ni sir."welcome to jungle mr. yuan lee villareal. masanay ka na sa mga
fangirls dito."parang mga loka-lokang kumaway ang mga girls kay kuya. yuan pala ang
pangalan nya. pamilyar. pero hindi ko maalala kung saan ko narinig
yun."ok lang ba na thesismate mo si ms. castroverde? sya na lang ang
walang ka-partner sa thesis eh""sure sir!"
nanahimik ang girls. nagtawanan naman ang mga boys.
"oh ano? pahiya kayo noh?"
"si pangit ang trip ng transferee."
"ang haba ng hair mo hera! uyyyyyyyy!"
walang patid na tawanan na naman ang mga boys. sumabat ang girls.
"as if naman papatulan sya ni pogi."
"oo nga naman. malayong magkagusto sya kay hera. chaka mo girl."
tawanan na rin pati girls. yumuko na lang ako. deadma na lang si kuya.
sisimulan ko ang description kay kuya kong seatmate. ide-describe ko
pa ba? ka-look-a-like na lang.DANIEL JOHN FORD PADILLA a.k.a. daniel padilla. oh diba nakatipid ako
sa characters.hindi pako nahirapang magtype. ganun sya ka-gwapo.
wapakels. pero masaya ako dahil makakatipid nako sa thesis. may
kapartner nako eh. mukha namang maykaya to si kuya. sana may pc sya
para hard copy na lang ang gagastusin.GATE. pauwi nako nang may sumitsit sakin. paglingon ko, si yuan lee na
nakamotor."angkas na! punta tayo sa pad ko. let's discuss the thesis."
"may pad ka pala. solo mo? baka may kasama ka dun."
"solo lang ako. malapit lang yun dito. isuot mo na helmet ko. "
BINABASA MO ANG
Guilty ang PANGET!!!
RandomPaano nga ba Mabuhay ang isang panget? Yung solo lang. Hindi pinapansin. Ibahin mo si Hera Casey Castroverde. Dahil mula nang makuha nya ang libro ay dumating ang lalakeng una nyang minahal. Si Yuan Lee Villarreal. Mayaman at doppelganger ni Dani...