Umuwi sina Hera at Tope. Walang imikan sa kotse hanggang sa bahay. Dumiretso na sya sa kusina. Chimay mode na naman sya.
Ilang araw ang lumipas naging cold si Tope sa kanya. Umaarte pa rin naman silang mag-on sa labas pero sa bahay ay cold war sila. Hanggang tinginan lang sila. Mag-uusap lang pag may itatanong. Isang tanong isang sagot. Madalas yes or no lang ang sagot o kaya one word.
Nasanay na lang sya nang ganun. Okay lang mabuti nga. Dahil unti-unting nawala yung crush nya kay Tope. Natauhan sya na KATULONG sya sa bahay na yun. Kaibigan sya ni Tope pero si Yuan talaga ang orihinal na kaibigan nito. Simula ng dumating sya ay puro gulo ang dala nya. Nag-away pa ang magkaibigan dahil sa kanya.
Hay ang hard.....Isang buwan pa bago ang graduation. Aalis na'ko dito kapag nakahanap na'ko ng ibang trabaho. Nakakahiya na rin kay Tope. Speaking, dapat maghanap na rin pala ako ng trabaho.
"Hera, aalis muna ako. Ikaw muna ang bahala kina mommy at lola. "
"Sige." Kitams. Cold war pa rin.
May kinalolokohang babae si Tope. Alam ko naman yun. Infairness napakaganda talaga nung girl na yun. Si Nicolette fresh from Ireland. In love pa si Tope. Ay naku. Ako rin naman. In love pa rin kay Yuan. At naniniwala akong mahal nya pa rin ako.
May nag-door bell.
Lumapit ako sa gate na super high tech. Si Jerry. I ask her kung sino ang sadya nya. Ako daw. Pinapasok ko.
"Nagpunta nga pala ako dito para ibigay sa'yo to. Invites para sa kasal namin ni Yuan. Wag kang mawawala ha"
"Oo naman. Pupunta kami ni Tope. May damit na rin ako para dun."
"Good. Wait san pala ang wash room?"
"Lika."
"Salamat."
" O sige dito na'ko sa kusina."
Naalala nya ang sinabi ni Yuan sa kanya. Wag kang magtitiwala kahit kanino. Lalo na kay Jerry.
Bumalik na lang sya sa kusina.
"Ahhhhh!!!!!!!!!!!!"
"Jerry! anong nangyari sa'yo?"
Binuksan nya ang pinto. Nakatalikod si Jerry sa kanya at nakayuko sa toilet bowl.
"Hera! May Daga!!!!!"
"Ha? Nasan?"
Humarap sya sa'kin. Nakita ko pang hawak nya yung Muriatic Acid. Sinaboy nya sa mukha ko. Nakaatras naman ako pero inabot pa rin ng asido ang mukha ko.
"Ahhhhhhhhh"
"Yan ang nararapat sa'yo!!! Mang-aagaw. Wag kang pupunta sa kasal ko. Bawal ang hayop dun."
"Ang Sama mo!!!"
Hawak nya ang nasunog na mukha. Umiiyak sya sa sobrang sakit ng mukha nya.
"Ang sama naman ng mukha mo. Tiyak mandidiri na sa'yo si Yuan. See? Half of your face was burned!!!!!!!!Wag na wag kang magsusumbong. Kayang kaya ko ring gawin yan kay Yuan. Dyan ka na Beast!!"
Lumabas na ito ng bahay. Agad syang pumunta sa lababo. Itinapat nya ang mukha. Hindi pa rin nawawala ang sakit
Inabutan sya ni Tope sa ganoong ayos.
"Magluto ka."
"Sa-saglit lang. Mahapdi yung mukha ko. "
"Umiiyak ka ba?" Hinarap nya ito sa kanya.
Gulat na gulat sya sa nakita. Nalapnos ang mukha nito.
"Hera! Sinong gumawa sa'yo nyan."
"S-si Jerry."
"Isusugod na kita sa ospital."
Mabuti na lang at malapit ang bahay nila sa ospital. Dumiretso sila sa E.R. Ginamot na sya pero nagpilat ito sa kalahati ng mukha nya na kailangang maoperahan. Inabot na sila ng madaling araw.
"Hera, iche-check ko lang sina lola at mommy ha. Babalik din ako agad."
"Sige. Salamat Tope."

BINABASA MO ANG
Guilty ang PANGET!!!
RandomPaano nga ba Mabuhay ang isang panget? Yung solo lang. Hindi pinapansin. Ibahin mo si Hera Casey Castroverde. Dahil mula nang makuha nya ang libro ay dumating ang lalakeng una nyang minahal. Si Yuan Lee Villarreal. Mayaman at doppelganger ni Dani...