"Lunch Na! I brought packed lunches for two."
"Nu ka ba? Nag- abala ka PA. Kaya ko nman to. Mejo tipid mode lang. Pero kakayanin ko."
"Anong kaya? Look at yourself. You're starving! Humpak Na humpak Na ang pisngi mo. Hindi por que broken hearted magpapakamatay Na sa gutom."
"Sige ipagsigawan mo pa para lalo akong asarin ng mga kaklase natin."
Guni-guni ko lang ba yun Na dumalawa si Tope sa paningin ko.
Napahawak sya sa desk at boom!
Blackout Na lahat!!!
"Hera!" Nataranta si Tope nang bumagsak si Hera. Mabuti nlng at sobrang lapit nya dito kaya't nasalo nya agad.
Binuhat nya Ito at dinala sa clinic. Nasalubong PA nya si Yuan. Nakita nya ang pag-aalala sa mga Mata nito.
"Sige na dalhin mo Na sya sa clinic."
Iaabot nya sana si Hera Kay Yuan pero tumanggi Ito.
Shit ano bang problema? Bakit ba ayaw nya, sya ang boyfriend ah. Hindi naman sya ganyan dati.
Tumalikod Na sya at pumunta Na syang clinic.
****Hera's thoughts*****
Nagising si Hera matapos luwagan ng nurse ang suot nitong damit. Pinaamoy din sya ng ammonia.
"Miss buntis ka ba?"
"Ho? Virgin PA PO ako!! Ba-bakit nyo naman po naitanong. Kiss pa lang po na- experience ko buntis agad?"
Natawa naman ang nurse.
"Defensive. Nagtatanong lang naman ako eh."
Kinunan sya nito ng BP.
"100/80. Normal naman. Mejo payat ka nga lang. Ano bang kinakain mo?"
"Lugaw po."
"Ah. Lugaw sa umaga. Eh sa tanghali?"
"Lugaw din po."
"Lugaw PA rin sa lunch? Wow ah. Eh ano namang kinakain mo sa gabi?"
"Lugaw PA rin po. Masarap naman eh"
"Pambihira. Mahihimatay ka nga nyan. Hindi sapat ang lugaw sa buong araw. Kumain ka din ng masustansya pag may time."
"May time naman po ako. Wala lang akong pera nurse."
"Tsk. Eh anong ginagawa ng boyfie mo?"
Tumingin PA Ito Kay Tope.
"Hay naku Hindi po. Kaibigan ko yan. Type nyo ba? Irereto ko kau."
Natawa Na lang uli ang nurse.
"Okay ka Na siguro nakakapag Biro ka Na eh. Kaya mo Na bang bumalik sa classroom?"
Patay pababalikin pako sa classroom sigurado aasarin Na naman ako ng classmates ko. Makikita ko Na naman so Yuan.
Nagtamlay tamlayan sya ng Mata.
"nahihilo PA PO ako eh."
"Kabisado ko Na ang acting Na yan miss. Ayaw mong bumalik sa classroom dahil may iniiwasan ka."
Mind-reader?
"O sige ganito Na lang. Bigyan kitA ng clinic pass. Ipakita mo lang to sa Prof mo then pwede ka nang ma-excuse sa klase. Just make sure Na kakain ka ha dear? Baka sa byahe ka naman mahimatay."
Sabay ngiti ng sobrang Tamis.
Magpapa- cute ata to Kay Tope eh. Tsk
BINABASA MO ANG
Guilty ang PANGET!!!
RandomPaano nga ba Mabuhay ang isang panget? Yung solo lang. Hindi pinapansin. Ibahin mo si Hera Casey Castroverde. Dahil mula nang makuha nya ang libro ay dumating ang lalakeng una nyang minahal. Si Yuan Lee Villarreal. Mayaman at doppelganger ni Dani...