Caliraya Recreational Centre Lumban, Laguna.
Pagdating sa Caliraya ay gutom na gutom ang lahat except for Yuan and
Hera. Kinain nila yung dala nilang Chicken Mcdo. Ehem...endorsement...
"Maganda pala dito noh. Ang linaw ng tubig ng lake."
Malawak ang lugar. May lake sa bungad ng resort, may mga kabayong
pinasasakyan sa mga dayo, agaw-pansin ang napaka-laking Hotel na akala
mo'y isang Chinese Temple situated in the highest point of the place,
matatanaw din ang mataas na Mud Slide, malalaking Swimming pool, wave
pool,wall climbing, earth ball at zip line.
"Bestie nagresearch ako, dito daw sa caliraya may floating cottage.
Pwedeng mag-overnight stay."
"Dun na lang tayo. Ayokong may ibang katabi sa kwarto."
"Sayang yung binayad mong 5k. Kasama na dun ang lodging. Ma-tsi
tsismis pa tayo nyan eh."
"Okay nga yun eh..." pabulong na sabi ni Yuan.
"Ano kamo? Anong binulong mo?"
"Wala...Tara na. " Inakbayan nya ito at inalalayan sa pag-akyat. Mejo
matarik ang daan papunta sa Hotel.
Winelcome sila ng mga staff. Binigyan din sila ng instructions sa
paggamit ng facilities ng resort. Ginrupo sila. 7 sa isang kwarto.
Hinatid pa sya ni Yuan sa room nya.
"Text moko mamaya bestie ha." Sabi ni Yuan Lee.
"Oo bestie. Para sabay tayong kakain. Bye!"
"Bye!" Nag-wave pa siya dito.
Tiningnan ni Yuan ang mga kasama ni Hera sa room. Si Margarette,
Cynthia, Sandra, Barbie, Rachel at yung transferee din na nerd.
Pamilyar ang mukha nito sa kanya pero binalewala nya. Common kasi ang
mukha nito.
BINABASA MO ANG
Guilty ang PANGET!!!
RandomPaano nga ba Mabuhay ang isang panget? Yung solo lang. Hindi pinapansin. Ibahin mo si Hera Casey Castroverde. Dahil mula nang makuha nya ang libro ay dumating ang lalakeng una nyang minahal. Si Yuan Lee Villarreal. Mayaman at doppelganger ni Dani...