Madalas silang tatlo ang magkakasama. Wala Na syang Saturday classes kaya hayahay. Kapag may research si Tope ay tumatambay Ito sa condo ni Yuan para magpaturo Kay Hera.Medyo nagseselos Na nga sya dahil alam nyang isang banta sa relasyon nila si Tope. Isa rin kasi Ito sa mga characters sa libro ni Hera. Hindi lang Ito coincidence dahil CHRISTOPHER ELLIS din ang pangalan ng character Ng karibal nya. Si Hera ang naiiba ang pangalan dun.
Last sem ay itinago ni Yuan ang libro ni Hera. Dahilan para ibang libro ang gawan nito ng book Review Na ipinasa Kay Ms. Gomez.
Nang halikan nya noon si Hera sa bus galing Caliraya ay nabatid ni Yuan Na lalong magiging complikado ang lahat dahil sa feelings nya Kay Hera. Hindi sila nagpapansinan ng mga panahong iyon. Uminom sya ng beer. Bigla nyang naalala ang nabasa nya sa libro. Ayon sa pagkakasunod-sunod ay manliligaw si yuan kay Cassandra Na character ni Hera. Kaso kaibigan lang ang Turing nito sa kanya kaya basted.
Magiging dakila syang best friend nito Na aasa Na mamahalin din sya. Darating ang isang bagong kakilala. Isang foreigner Na magugustuhan si Cassandra kahit panget PA Ito. At ang masakit PA ay minahal agad Ito ni Cassandra. Iyon ang nagtulak sa kanya para gawin ang mga sumunod Na eksena.
Tinext nya si hera. Wala naman syang naisip Na sabihin dahil warla nga sila. Sinend nya ang blangkong text.
Kung kailangang pati katawan ko ay ibigay ko makuha lang kita Hera, gagawin ko.
Hinubad nya ang T-shirt.
I'll show you my abs that every woman wants to touch.
Pumasok naman si Hera sa sala dahil nasa ibabaw ng TV ang phone nito. Sa peripheral vision nya ay alam nyang napatingin si Hera sa abs nya. Magdiriwang Na sana sya kaya lang mabilis Na bumalik si Hera sa kusina.
Tsk...nasayang lang ang effort ko. Pero Hindi pwedeng mapunta si Hera Kay Christopher. Sa'kin lang si Hera.
Matapos ang panonood ng basketball ay natulog Na sya sa sofa. Wala pang isang minuto ay inistorbo Na sya ni Hera.
"Yuan, gising. Lumipat ka Na sa kama mo."
"Dito Na lang ako. Doon ka muna matulog sa kwarto ko."
"Ayoko nga. Dito ako sanay matulog sa sopa."
"Alam mo, kasya naman tayong dalawa dito. Tabi Na lang tayo"
Umusog pa sya para bigyan ng space si Hera sa tabi nya.
"Ano ka ba? Tumigil ka nga Jan sa kalokohan mo. Hindi ako nadadala Jan sa abs mo ah."
" Bakit may sakit ba'ko? Parang diring diri ka sa'kin ah. Samantalang mas gwapo pa'ko kesa sa idol mong si Daniel Padilla. "
"Huh? Excuse me, walang papantay sa kagwapuhan ni Daniel Padilla noh!!"
" Bakit si Daniel ba nahalikan mo na?!"
Alam nyang na-off guard si Hera sa tanong nyang yun.
"Hi-hindi Pa. Eh ano naman kung Hindi ko PA sya nahalikan. Basta idol ko sya."
Nakangiti sya nang mapait.
"Bakit Di Na lang ako ang gustuhin mo. Kamukha ko naman si DANIEL PADILLA bestie ah."
"Lasing ka lang...ihahatid Na kitA sa kwarto mo."
"Tara..samahan moko ah."
"Ano ka sinuswerte? Bestie kitA, Hindi tamang magsama tayo sa kwarto mo."
"Sige Na please... Wag ka nag-alala Hindi naman kitA rereypin."
"Hindi naman ako nag-iisip ng ganun. Oh sige Na sasamahan lang kita sa kwarto mo. Ipaghehele PA kitA."
"Gusto ko yan!!!"
Chance ko na'to.
Matapos kong mapasagot si Hera ay itinago ko ang libro sa maliit Na safe kasama ng mga passbook at mahahalagang dokumento. Nagbakasakali akong kapag Hindi nabasa ni Hera to ay Hindi Na sumulpot si Tope. Kaso dun ako nagkamali.

BINABASA MO ANG
Guilty ang PANGET!!!
RandomPaano nga ba Mabuhay ang isang panget? Yung solo lang. Hindi pinapansin. Ibahin mo si Hera Casey Castroverde. Dahil mula nang makuha nya ang libro ay dumating ang lalakeng una nyang minahal. Si Yuan Lee Villarreal. Mayaman at doppelganger ni Dani...