Love Triangle?

13 0 0
                                    

Pagkatapos ng pag-aaway na yun nina Yuan at Tope ay hindi na sila nagpansinan. At dahil nahihiya na rin si Hera, pinanindigan na lang nyang maging girlfriend ni Tope.

++++ Hera's Thoughts++++

Hindi ko maintindihan kung bakit pero habang tumatagal ay lalong lumiliit ang mundo para samin ni Yuan. Dahil ilang araw lang ay dumating si Jerry at nag transfer din sa school, ayos ...patapos na ang taon nag transfer pa. oh well, affected pa ba ako jan?

OF COURSE! Ang plastic ko naman kung sasabihin kong hindi. Pero kapag nagkakasalubong kaming apat ay ngiti ang binibigay ko sa kanila. Yun kasi ang usapan namin ni Tope, maging kaswal sa kanilang dalawa habang nagpapa-sweet kami. Tama. Pda kuno.

Isang araw lumabas si Tope para bumili ng makakain. naiwan ako sa room dahil hindi ko pa tapos yung assignment ko. Aba mahirap ata pagsabayin ang ojt at thesis. Subsob ako sa notes ko nang maramdaman kong may nakatayo sa tabi ko. 


Akala ko mumu, si Yuan lang pala....HUWAAATTTTTTTTTTTTT? Si Yuan!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!


"Yes?" Tanong ko sa kanya. I let him feel na ordinaryo na lang sya sa paningin ko. Na wala kaming past.

"Ibabalik ko lang to?" May inabot syang libro.

"Pamana to sa'kin ng lola ko ah? San mo nakita?"

"Sorry. Tinago ko yan sa safe. Akala ko kasi mapipigilan ko yung kababalaghan nyan. Binasa ko ulit kagabi. Ibang iba na yung nakasulat dyan kumpara sa unang beses na nabasa ko ito. "

"Hindi ko talaga to nabasa nang buo. Hanggang bago mag chapter 2 lang. Ano bang nagbago?"

"Basahin mo. Bago pa NAGING tayo, sabi jan sa libro magkakagusto sayo si Yuan Lee at dahil bestfriend mo sya ay hindi mo sya sasagutin. Dumating si Tope, yung foreigner na nagkagusto rin syo. Yung foreigner ang nagustuhan mo. Pero ngayon, iba na. Kung anong nangyari satin dati, sinunod ng libro. Niligawan kita,...."

"Excuse me, hindi moko niligawan. hinarass moko."

"O sige, hinarass na kung hinarass. tapos naging tayo agad. Nasira tayo after kang laiitin ng mom ko. Then Christopher came into the picture. Naging kayo din. Mas minahal mo na sya. "

"Eh anong ending?"

"Wala. Blangko na eh."


Binuklat nya ito. Blangko nga ang kalahati ng libro, nung unang skimming nya dito ay tapos ang libro.



"Salamat dito. Babasahin ko na lang uli."


 Yumuko sya at nagsulat uli. pero sa peripheral view nya ay alam nyang hindi umalis si Yuan sa tabi nya.


"Ma-may kaylangan ka pa Yuan?"

"Hera, pwede ka bang pumunta sa condo mamayang uwian? kailangan lang kita makausap ng sarilinan."

"Magagalit yung amo ko." Mahinang sabi nya.

"Amo? Amo mo si Tope?"


Naku yari. 


 "Bingi mo naman. Sabi ko... Magagalit yung AMOR ko..."

"Yun ba tawagan nyo? Ang korny." 


 Kamuntik na syang mag cardiac arrest sa killer smile ni Yuan. Hera. Gising. Ex mo na yan.

Guilty ang PANGET!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon