"Nay, Ipapasyal ko muna po itong si Marie." Ani ko, napalingon sa akin si Inay. "Saan?" Tanong niya, "Jan lang po, isasama nalang po namin si Kitty." Sabay kuha ko kay Kitty, pusa namin.
"Sige na po, nanay? Please." Nagmamakaawang sabi ni bunso kay inay, dalawa lang kaming magkapatid, ako at si Marie.
"O siya, sige.. Basta wag kayong mag-paabot ng gabi." Pagkasabi nun ni Inay ay biglang nagliwanag ang mga mukha ni Marie, kaya napangiti narin ako para kay bunso.
"Salamat nay, Sige ho hindi po kami magpapaabot ng gabi." Paalam ko, "Babye, Nay!" Nakangiting paalam ni bunso, "Myaw!" Nagpapaalam din pala si Kitty.
PUMUNTA kami ni Marie sa Farm nina Lolo Francisco at Lola Ledia, dahil bukod sa walang katao tao at tahimik dito ay ang sarap din ng hangin rito, dito kami madalas mamasyal kami ni Marie. Nuon pa naman kasing bata ako ay pinaniniwalaan na itong Farm na ito na may mga multo, pero hindi kami naniniwala, kami lang ni Marie ang may lakas na loob na pumasok rito.
Maski ang nanay ko ay hindi rin alam ang tatambayan namin ni Marie, dahil ang nanay ko ay naniniwala ring may multo rito, at ang mansyon raw nina Lolo Franscisco at Lola Ledia ay hunted house daw, mula pa noong bata ako ay shismis na shismis talaga 'yun rito.
Umupo ako sa swing sa ilalim ng puno, habang si Marie naman ay nakaupo lang sa bermuda grass at nilaro laro si Kitty.
Ipinikit ko ang mga mata ko at pinapakiramdaman ang sariwang hangin, hinayaan ko ang paghaplos at pagbagsak ng mga hangin dito sa paligid ko, muli akong napadilat ng may bigla biglang pag flash ng camera.
Lumingon lingon ako sa paligid pero wala naman akong nakitang katao tao rito, at sa pagkaka-alam ko lang ay kami lang ni Marie ang nandito, tumingin ako kay Marie na nakatingin sa likod ng puno, "Marie?" Tawag ko, lumingon siya sa akin at may tinuro.
Kaya tumingin ako sa bandang run, "Ate, tingnan mo pinicturan ka ni Kuya Pogi!" Nakangiting sabi niya, kaya napakunot ang noo ko, Gusto kung tumayo at ipabura ang picture na kinuha niya pero baka hindi naman ako ang pinicturan ng lalaki, baka badshut lang ang abot ko.
Totoo ang sinabi ng bunso, gwapo ang lalaki, bukod sa gwapo ay may kakisigan rin ang katawan nito, nakasunot ng hanggang tuhod na short na maong ang lalaki at isang simpleng shirt na napabigay ng gwapong mukha nito.
Habang nakatali ang camera sa leeg, Nang namalayan ng lalaki ang pagtingin namin ni bunso kaya napatigil siya sa pagcapture at napatingin sa amin, "Hi kuya, sino po yung pinicturan niyo?" Diretsong tanong ni Marie, "Tumigil ka nga, bunso." Awat ko, Biglang namula ang lalaki at mukhang nahiya sa kanyang ginawa, "Ha? Hehe, Sorry." At napakamot ito sa ulo at lumapit sa akin.
"Hi, Baby!" Ay, hindi pala sa akin, kay Marie pala kaya nakaramdam ako ng hiya dahil doon, Kaya kinurot ko ang sarili ko, at muling binalik ang atensyon ko sa duyan, "Ate, Ate!" Napatingin ako kay Marie at sa lalaki, masayang masaya ang lalaki habang nakatingin kay bunso, crush ba ng lalaki si bunso?
Naku, wag sana? Ang bata bata pa kaya ni Bunso, 6 Years old pa siya at ayokong makasal siya sa isang matandang gwapong lalaki na bagay naman sa akin- Wait, anong sinabi ko? GHAWD, Bat ang lakas ng impact ng lalaking ito, sa akin?
Ba't gusto kung lumapit sakanila at makisali? "Hahaha, wag ho kuya, nakikiliti na po ako. Hahaha!"
"Myaw!" "Hahaha, ang cute mong bata ka! Heto pa!" "Hahaha! Kuya tigil na po, nakikiliti na po ako."Dahil hindi na kaya ng sikmura kung panuorin sila ay lumapit ako, "Marie, Kitty, Uuwi na tayo malapit na mag gabi, alas kwatro na ng hapon, baka mapagalitan tayo ni Inay." Kaya napatigil sila sa ginagawa nila, nakita ko ang lungkot sa mukha ni Marie, "Pero ate?"
"Sige na, babalik pa naman tayo rito bukas, Wag kang mag-alala." Pero sadyang lumabas 'yun sa mga bibig ko, "Sige, Bye Marie, Bye Kitty, Bye--." Hindi natuloy ng lalaki ang sasabihin ng biglang sumingit si bunso, "Siya si Ate Alexis Kuya, Alexandra Villamor at ako naman ay si Marie Villamor." Ani ni Bunso, imbis na magalit ako dahil sa sinabi niya ay napatawa nalang ako.
"Sige na Marie, Bye na kay Kuya oh." Sabi ko at tumingin sa lalaki, nakita ko ang saya sa mga mata niya sa sinabi ko, "Ah, oo nakalimutan ko ate, Sige bye kuya!"
"Ano nga palang pangalan mo kuya?" Muling tanong ni Marie sabay lingon sa lalaki, "Ako, Ako si Marvin Gonzales.""Oh, siya sige. Paalam na, Marvin." Paalam ko, "Bye, Alexis."
BINABASA MO ANG
Because of you (On going)
RomanceSYNPOSIS: Sa mga tumatagal na mga taon, patuloy pa rin na naghihintay si Alexis kay Marvin. Pagkatapos siyang pangakoan nitong babalik ito ay patuloy parin siyang naghihintay sa lalaki, dahil para sakanya, gagawin talaga nito ang pinangako. ...