Chapter 36: Can you tell me?

9 0 0
                                    

Kakatapos lang namin na mag-shopping ni Nekelly, at ngayon ay papasok kami sa isang fast food chain dahil ay nagugutom na kami, nang makapasok ay kaagad na akong umupo sa isang bakanteng upuan sa isang sulok habang si Nekelly naman ang pinapa-order ko nang aming makakain. 

Nang umabot nang mga tatlong minuto ay nakita ko na si Nekelly na papunta na sa upuan dala ang tray na inorder niya, nang makalapit na siya ay kaagad niya 'yung inilapag at umupo na rin siya kagaya ko, dahil gutom na ako dinampot ko kaagad ang mga kubyertos at nagsimula na akong kumain. 

Pero napatigil ako sa pagsubo nang makita kung pa-OA kung makasubo si Nekelly, "Huy!" Sigaw ko, na-stock sa ere ang malapit na sana niyang isusubo na pagkain at naka-nga-nga siyang tumingin sa akin, "Huh?" Tanging sambit niya, kumunot ang noo ko at tiningnan siya nang maayos, dinuro ko siya.. "Ikaw ha! Mukhang may tinatago kanang secret sa akin! Ano 'yun? Ngayon lang kita nakitang pa-OA kung makasubo ah? Hindi ka naman ganyang ah!" Bulyaw ko sakanya, napatigil siya at inilagay ang spoon niya sa plate, "H-huh? Wala no!" Sigaw niya, umiling iling ako. 


Sa napapansin ko mukhang may tinatago talaga siyang something eh na hindi niya talaga kayang masabi dahil nahihiya siya, bakit ba nahihiya to saking babae'ng 'to? Mula noon hanggang ngayon nahihiya talaga siyang magsabi sa akin ng personal secrets niya about lovelife, ganyan talaga siya! 

"Ano nga!?" Pagpumilit ko sakanya pero umiling iling siya at may nginuso sa aking likod, nagulat ako nang tumayo siya.. "Excuse me? Besh! Bye! Una na ako! Sige!" At nagmadali niyang kinuha ang kanyang mga shopping bags at umalis, kaya agad agad akong napatingin sa likod ko, ang kuryosidad kung mukha para tingnan kung sino ang taong 'yun ay naging masamang tingin.. kumunot ang noo ko habang nakatingin sakanya.. 


Noon paman hindi ko siya pinapatawad, pero naging sweet parin siya sa akin kaya naman ay plastic lang ang pinapakita ko sakanyang lahat, sinisi ko siya sa lahat kung bakit nawala na naman nang tuluyan si Dave, siya ang sinisi ko kahit para sa akin ay wala naman talaga siyang kasalanan.. 

"Anong kailangan mo?" Diretso kung tugon, seryoso parin ang kanyang mukha at maya maya lang ay ngumiti siya sa akin nang malapad at pinapakita niya ang bouquet of flowers sa likod niya, ngumiti nalang rin ako sakanya nang pilit para hindi mag-mukhang rude, "Puwede ba akong manligaw ulit sayo, Alex?" Nagulat ako pero sa huli ay iling ang isinagot ko sakanya, napahawak ako sa aking tiyan, nawala tuloy ang gutom ko. 

"B-bakit?" Napakurap siya habang sinasabi niya 'yun, muli akong umiling iling at kinuha ang mga shopping bags at nagsimula akong maglakad palayo para makawala sakanya pero laking gulat ko nang makitang sunod sunod parin siya sa akin, napailing nalang ako.. 


Halos maikot ko na ang mall at sunod parin siya nang sunod sa akin kaya naman ay tumigil ako, napatigil na rin siya habang nakatingin sa akin, muli itong ngumiti at bakas noon ang lungkot, "Sorry Marvin, pero wag na.. w-wag na." Sabi ko, siya naman ngayon ang umiling iling, "Bakit ayaw mo? Diba sabi ko sayo noon di---" Hindi ko siya pinapatapos at nagsalita na ako.. "Wala nang noon Marvin, kalimutan na natin 'yon.." 

"Bakit nga Alex? Sabihin mo sakin kung bakit ayaw mo?" Napatingin ako sakanya dahl sa sinabi, "Hindi mo na kailangan pang malaman Marvin, hindi mo na kailangan pang malaman.." Napatitig siya sa akin nang mabuti, "Bakit nga hindi ko na kailangang malaman?" Pumiyok ang boses niya pagkasabi niya 'non, "D-dahil masasaktan kalang.." 

Sorry Marvin, pero kailangan ko talaga itong sabihin sayo, may iba na akong mahal at hindi na ikaw 'yon, mas mabuti pang lumayo layo kana sa akin at maghanap na nang iba pang mamahalin. 

"Hindi ako masasaktan Alex, para sayo." Bakas sa boses niya ang lungkot pagkasabi niya 'non, pero umiling iling ako sakanya, sasabihin ko ba sakanya kung sino ang mahal ko? Kung si Dave 'yun at hindi na siya? 

"M-may mahal na akong iba, Marvin kaya t-tumigil ka na.." Pagkasabi ko 'non, kaagad na nalaglag ang mga luha sa kanyang mga mata at kasabay rin non ang paglaglag nang bouquet of flowers na dala niya para sa akin, napa-iling nalang ako.. 


Tumalikod ako sakanya, "Alex.." Napatigil ako nang tinawag niya ako, hindi na ako lumingon sakanya at hinintay ko na ang kanyang sasabihin, "Can you tell me kung sino s-siya?" Sabi niya, umiling iling ako at nilingon siya muli, "Hindi mo na kailangan pang malaman Marvin.." At muli akong tumalikod at naglakad, pero hinigit niya ang braso ko kaya napalingon ako sakanya.. 


"Kung ganon? Puwede bang kahit k-kaibigan lang?" Hindi ako nakasagot sa kanyang sinabi, sasagutin ko ba ang alok niya sa aking maging kaibigan nalang? 


Hindi ko alam kung bakit ako tumango tango sakanya, kung bakit ko sinagot ang alok niya sa akin, pero okay na rin 'yon.. at least. 

Nagulat ako nang niyakap niya ako,pero sa huli ipinikit ko na ang mga mata ko.. ramdam ko ang sakit at lungkot niya, ang mga luha niyang tumutulo sa braso ko, sorry Marvin..

Nang imulat ko ang mga mata ko, nakita ko si Nekelly.. anong nangyari sakanya? Umiiyak siya at nang nagtama ang mga mata namin, kaagad siyang tumakbo palayo.. 

Kumalakawa ako sa mga yakap at gusto kung sundan nalang sana si Nekelly pero hindi ko magawa dahil may nahagip ring isa pang tao sa mata ko, siya 'yon.. 


Pero ang masakit, may kasama siyang babae, nang humarap ang babae.. hindi na ako nagkakamali kung sino 'yun.. kung hindi ay si Kara, tumiklop at parang tinusok tusok ang puso ko nang makita kung naglapat ang kanilang mga labi.. tumulo ang mga luha sa mga mata ko.. 


Sila na ba nang Kara na 'yon? 

Si Nekelly anong nangyari sakanya? 


"Bakit ka umiyak?" Tanong sa akin ni Marvin, umiling iling ako at kaagad akong tumakbo palayo.. gusto kung pumunta sa lugar na ako lang, walang makakakita.. ayoko na.. 


Bakit ba ako nasasaktan nang ganito? Palagi nalang ba? Kailan pa ba ako magiging masaya? Ganito ba ako kamalas pagdating sa pag-ibig? Bakit palagi akong nagpakadalos dalos? Ang tanga tanga ko.. 


Because of you (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon