Chapter 3: Dave confessed

11 2 0
                                    

Alexis POV

    Maganda talaga ang nangyari sa Park, masayang masaya ako habang kinikilig na kasama ko si Marvin, Para sa akin ay mahal ko na talaga si Marvin. 

   Sa buhay ko ay ngayon ko lang naranasan ang mag mahal, maliban sa mga mahal ko sa buhay. 
Kung dapat sasabihin ay first-time-kung-magmahal, o di kaya'y first timer. 

     Binuksan ko ang bahay at nakita kung nakameywang si nanay, "Nay, magandang gabi po!" Sabi ko sabay mano, ngumiti lang siya pero alam kung may sasabihin siya. 

 "Ano 'tong nalaman ko Alex? Sumama ka raw sa apo ng mga multo?" Sabi niya, kaya napalingon ako sakanya, "Ha?" Sabi ko, "Sinumbong ka sa akin ni Yuhan!" Galit na sabi ni nanay.  

 Hanggang ngayon ay nakakunot parin ang noo ko. "Eh, bakit ka pumayag kaninang umaga nay?" Nakakunot na parin ang noo na sabi ko, "Anong ibig mong sabihin?" Sabi ni nanay, "Eh bakit mo ako pinayagan na sumama kay Marvin, eh ayaw niyo naman pala?" 

       "Bakit, siya ba 'yun?" Gulat na sabi ni nanay, "Na'y, ganito kasi yun.." 

 At sinabi ko lahat kay nanay, kung paano kami nagkakilala ni Marvin, ano ang simula, nalaman na din ni nanay na doon kami madalas na nagtatambay ni Marie sa Farm, akala ko habang sinasabi ko ang explanation ko ay papagalitan ako ni inay, pero hindi naman. 

     "Pero nay? Sinumbong? Sumbungero rin pala yung si Dave eh!" Sabi ko. "Haha, okey lang 'yun anak, basta support ako sa inyo ni Marvin." Nakangiting sabi ni Inay. 

   "Thank you, nay?" Nakangiting sagot ko naman. 

           May tanong kayo readers no? Kung bakit may kulang sa pamilya namin, oo totoo 'yun, wala akong daddy o tatay, he have an affair. 

          Gusto ko man magkaroon pero kuntento na ako sa masaya kung pamilya, kuntento na ako kay nanay at kay Marie, pati na rin kay kitty. 

    Sabay kaming napalingon ni Inay ng may kumatok, "Nay, sino yun?" Tanong ko kahit hindi pa naman binuksan, "Tingnan mo, may ginagawa pa ako oh?" Sabi ni nanay at itinuro ang pinto, kaya tumayo ako at binuksan iyon. 

 Nagulat ako nang makita ko si Dave, "Oy, Dave? Anong ginagawa mo dito?" Curious kung tanong pero imbis na sasagot siya ay hinigit niya ako, "Ano ba Dave?" Angal ko, pero hinigit niya lang ako ng hinigit, at naiiyak na ako sa sakit ng kamay ko dahil sa kakahigit niya. 


          "Aray, Dave ang sakit na ng kamay ko, alam mo ba 'yun?" Sabi ko ng makatigil na kami, andito kami sa madilim na lugar, "Teka, Anong ginagawa natin dito Dave? Tsaka ano bang sasabihin mo bakit ba tayo pumunta rito?" Sabi ko habang nakatingin sakanya pero hanggang ngayon ay sobrang seryoso ng mukha niya. 

 Nagulat nalang ako ng umiyak siya, "Uy? Dave? Ano ba yang ginagawa mo? Ba't ka umiiyak?" Tanong ko sakanya, pero patuloy parin na tumulo ang mga luha sa mga mata niya, "Uy?" Sabi ko sabay kulbit sakanya, "Bakit kaba umiiyak? Nasaktan ba kita? Pinaasa kaba ng mahal mo? ? Nabasted kaba?" Marami kung tanong sakanya imbis na sabihin niya ang problema niya ay sumigaw siya. 

 "Ahhhhh!" At sinabunutan niya ang sarili niya, kinuha ko ang mga kamay niya para tumigil siya, "ANO BANG NANGYARI SAYO DAVE?!" Sigaw ko napatigil siya at tumingin sa akin, "Ang sakit sakit na Zuchi! Ang sakit sakit na dito? Alam mo ba 'yun? Sa tuwing makikita kitang may kasamang iba gumuguho ang mundo ko, sumasakit ang dibdib ko?!" Sigaw niya habang nakatingin sa akin. 

 Nagulat ako sa sinabi niya at parang naiiyak, "B-bakit D-dave? May s-sakit kaba? S-s-sabihin mo?" Naiiyak kung tanong sakanya, tsaka hinawakan ang noo at ang dibdib niya, "Grrr! Ang slow mo ZUCHI! At and MANHID MO SOBRA!" Muli niyang sigaw. 

 "Bakit b-." Hindi ko pa natuloy ang sasabihin ko ay nagsalita na siya ulit, "MAHAL KITA ZUCHI, MAHAL KITA, MATAGAL NA! PERO ANG MANHID MO, HINDI MO MARAMDAMAN ANG HALAGA KO, AT NGAYON ANG SAKIT SABIHIN NA MAY MAHAL KA NANG IBA, MAY MARVIN KANA.. SANA AKO NALANG." 

     At nagulat ako sa mga sinabi ni Dave, oo kaibigan at close friend ko siya pero nagulat talaga ako sa mga sinabi niya, totoo ba ang mga sinabi niyang mahal niya ako? Noon pa, pero hindi ko naramdaman? Nakakasakit ba ako ng tao? Ganun ba ako kasama? Nagmahal rin naman ako eh? Pero hindi si Dave 'yun, kung hindi ay si Marvin. 

    Mahal ko si Marvin, pero paano si Dave? 

"Kung mahal mo ako Dave, kung totoo yang mga sinabi mo? Sa tingin ko mas mabuti kung kalimutan mo nalang muna ako, oo kaibigan parin tayo.. pero mahal ko talaga si Marvin.." Huminga ako ng malalim at kinuha ang mga kamay niya at hinawakan 'yun, "Ayaw ko lang na masaktan ka, kaya mas mabuti pa na lumayo layo, ka nalang muna.. para hindi kita masaktan." Pagkatapos kung sabihin 'yun ay tumakbo ako pabalik sa bahay. 

      "Anak sino 'yun?" Pahabol ni nanay, pero hindi ko siya pinansin at tumuloy ako sa kwarto ko. 

Because of you (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon