What the fudge, hindi ko ginawa ang mga bagay na 'yun.. Siya ang umunang sumugod sa akin, siya ang pikon, siya dapat ang talo, pero anong nangyari ngayon? Ang kapal ng chuva ng babaeng 'to, she didn't play fair, sinasabi niya pang ako ang nagpukpok noon sakanya? Kafal ng feslak, p-pero, bakit siya ang kinakampihan ni Dave ngayon?
Hindi niya ba ma accept na bago lang siyang kinuhaan ng kidney, na lumigo siya ng sandamakmak na harina? Ikinapikon niya ba ang katotohanan? Masuwerte nga siya sinabihan ko siya eh, kung hindi ay hindi niya mapansin kung anong itsura niya ngayon.. Pero ang masakit lang, ay ang sinabi niyang para sakanya lang si Dave, si Dave naman tinawag niya pa ako sa Alex, sanay na naman siya sa Zuchi ah? ---Back to bwesit na babae na sinabing para sakanya lang si Dave.. Puwes, hindi para sakanya si Dave, as long as i'm here, he cannot get Dave, hindi niya makukuha si Dave kung nandidito ako.. But Dave will choose, kung sino sa aming dalawa ang kanyang pipiliin, may karibal eh? It'll Dave's choices.
"TAWAGAN MO ANG AMBLULANSYA, ALEX.." Sigaw niya, i freezed, why Alex? Zuchi dapat.... "TAWAGAN MO!" Napakurap ako sa sigaw niya, nakita kung hindi naman masyadong malaki ang sugat sa pagpukpok niya sa kanyang ulo.. kaya ko 'to, "H-hindi na, D-dave.. K-kaya ko na t-to, N-nursing ako.. A-alam k-ko kung paano 'to." Mangiyak ngiyak kung sabi, "Kung ganon, sige, kukunin ko mamaya ang mga kakailanganin." Sabay aswat niya kay babae, kinarga niya ito na parang bagong kasal, gusto kung sabihin na dito nalang sa sahig sa mga oras na 'yun.. Masakit isipin na nag-aalala siya sa letsugas na babaeng 'to. /='
Inilapag niya ito sa sofa kaya lumapit kaagad ako, "Kukunin ko lang ang first aid." Seryosong tugon niya at umalis siya, maya maya lang ay nakita ko na siyang papunta na rito.. Inilapag niya kaagad ang mga kakailanganin sa glass na lamesa sa harap namin, "Betadine, at bulak.. please?" Sabay pakita ko sa palad ko, taranta niyang kinuha ang hiningi ko at iniabot sa aking kamay, napangiti ako ng magkabunggo na naman ito, naibaling ko sa gagamutan ko ngayon..galit ako sa babaeng 'to! Jusko! Kaagad kung nilagyan ang bulak ng betadine at mabwisit na inilagay 'yun sa medyo malaki na kunteng galos sa noo ng babaeng 'to, nang matapos ko 'yun gawin ay ipinakita ko na naman ang palad ko, "Triangular bandages." Okay lang naman kung bandage lang ang ilagay eh, pero dahil gusto kung mag mukhang may lukemia ang babaeng 'to, triangular bandage ang hiningi ko kay Dave! Jesus! Bwesit na ako sa babaeng 'to ah!
Pagkatapos gamutin ang babaeng 'yun ay tumayo ako, nakita kung napatingin si Dave sa pagtayo ko, hindi ko na pinansin at tumalikod ako doon, "Mag usap tayo, Alex." Biglang tumulo ang mga luha ko, hindi ako humarap, nakatalikod lang ako sakanya.. narinig ko siyang suminghap.. pinunasan ko kaagad ang luha ko, hindi ako sanay na tawagin mong Alex, Dave.. Humarap ako sakanya, "Ano naman ang pag uusapan natin?" Ma inosente kung sabi, hindi siya sumagot kung hindi ay hinigit niya ako.. masakit na masakit na ang wrist ko dahil sa kakahila niya.. Nandito na kami ngayon sa terrace ng condo niya..
BINABASA MO ANG
Because of you (On going)
RomanceSYNPOSIS: Sa mga tumatagal na mga taon, patuloy pa rin na naghihintay si Alexis kay Marvin. Pagkatapos siyang pangakoan nitong babalik ito ay patuloy parin siyang naghihintay sa lalaki, dahil para sakanya, gagawin talaga nito ang pinangako. ...