******
Busy na busy ako sa buong araw. Hindi ko akalain na ganito pala ka stressful ang maging nurse. Ganito ang first day ko sa trabaho kung ito at para bang gusto ko nang umuwi. Ang over reacting ko lang. Chos!
Kasalukuyan ako ngayong naka-upo sa swivel chair habang kinukulikot ko ang cellphone ko. Hindi pa naman kasi ako kailangan ni doctora sa ngayon dahil wala pa namang pasyente na nanghihingi nang tulong. Actually, ako ang ginawang assistant ni Doctora dahil raw active ako. Dito rin naman kasi ako inasign sakaniya.
Ka-chat ko kasi ngayon si Nekelly sa facebook.
Nekelly: So ano? Anyareeee?
Ako: Ayun! Ang sungit.
Nekelly: Ganoon ba? Edi pikutin mo.
Ako: Huwag ganon, sesh.
Paano ba naman kasi, gusto ko raw ikuwento sakaniya ang nangyari noong nag-apply ako sa CEO nang trabahong pinapasukan ko ngayon. Eh sino ba ang CEO, edi wala nang iba kung hindi si Dave. Ang lalaking kinababaliwan nang puso ko, nang hanggang kailan hindi mawawala.
"Alex, lock the door. I'll go now, assign na ngayon kay Mr. Manggubat. Tara na, it's 12." Kaagad kung in-off ang cellphone ko nang marinig kung nagsalita si Doctora Felish, tumango-tango naman ako sakaniya at ngumiti. Pala-ngiti rin kasi itong si Doctora eh.
"Yes Doc, i will." At kinuha ko na rin ang bag ko habang si Doctora naman ay umuna na, isinara ko na naman ang pintuan at naglakad na rin ako palabas. Alas dose na rin kasi nang hating gabi ngayon at nakakatakot talagang umuwing mag-isa. Baka sa eskinita jan sa malapit na kanto, may rapist. Baka uuwi akong walang panty.Nang makita kong may dumaan na taxi ay kaagad ko itong pinara pero putang tae at dumeretso lang sa dinadaanan at hindi man lang tumigil sa grasya. Pera na 'to kuya. Sheyt ka.
Bakit ba naman kasi walang ibang taxi na dumadaan rito eh, eh lalakarin rin para makasakay ka nang jeep. Ang hassle."Para! Huy! Kuya, tumigil ka naman!" Sigaw ko pa habang hinahabol ko ang taxi. At kung minamalas ka nga naman hindi parin tumigil si manong. Tumigil na ako at napapadyak sa paa.
Shete.
Hindi ko na makayanan, kailangan ko na talagang umuwi ngayon. Susugurin ko na ang iskinitang iyon para lang makasakay na ako nang jeep. Nagsimula na akong maglakad papunta roon pero napatigil ako dahil sa sunod-sunod na busina nang Lamborghini car sa harapan ko. Tinted kaya hindi ko makita kung sino ang nagdr-drive. Shunga pa 'to?
Hindi naman ako nakaharang sa dinadaanan ko ah?
Nagpatuloy na ako sa paglalakad pero hindi pa rin ito tumigil. Bahala ka riyan.
Habang naglalakad ako, eh ramdam kong may nakasunod sa akin, oo. Kaya dahan dahan kung nilingon ito, baka ito na yung holdaper o rapist na sinasabi ko.
Pero ang mas ikinagugulat ko eh pag lingon ko nakasunod sa akin yung car na iyon. Pero ang mas ikinatitigil ko ay nang bumukas ang glass at bumungad sa akin ang galit na mukha ni Dave.
Biglang tumigil ang mundo ko, ang oras ko. Ang lakas nang tibok nang puso ko, at nagsayawan na ang mga paro-paro sa loob nang tiyan ko.
"Hop in." Mariin niyang sabi sa akin habang titig na titig siya sa mga amta ko, "H-ha? A-ah, eh, sir.. a-ano.. po, kasi--uhm," Ano ba naman kasing sasabihin ko? Kagagahan to Alex.
"I said, hop in."
"HO? O s-sige po." At kaagad na siyang sumakay sa car ni Dave, nang makasakay naman ako e kaagad akong napahawak sa dibdib ko.. Kaba na kaba talaga ang nararamdaman ko ngayon.
Ba't ba kasi.
"I'll drive you home. Masyado nang delikado." Sabi naman ni Dave, hindi talaga ako makahinga sa bandang ito.
"Okay sir, salamat." Tanging tugon niya at sa pinaharorot na ni Dave ang kotse papunta sa labas nang bahay namin.
Bago ako lumabas ay tumingin muna ako kay Dave, "S-sir Dave."/"Zuchi," Napatigil ako. Ito na naman ang nag-aalburuto kong puso. Tinawag niya ako sa Zuchi. Ang palagi niyang tinatawag sa akin.
Is this means?"Go on."
"Ikaw na po mauna, sir." Sabi ko pa.
Kaagad siyang napatigil, "Ano. Wala, sige ano bang sasabihin mo?" Tanong niya sa akin, "Ah. Salamat po."Kumunot ang noo ni Dave.
"Saan?""Sa paghatid po, kasi sa totoo lang wala talagang tumigil na taxi kanina." Mahabang wika ko naman at kaagad naman itong napatango-tango, habang nakatitig ako sa mga mata ko. Hindi ko alam pero nakakita ako nang disapointment.
Bakit?"Ah, yun? It's okay. Napadaan lang rin ako, pinuntahan ko kasi si Kara." Nang banggitin niya ang pangalan nang babaeng iyon biglang nagsakahan ang mga dugo ko, Siya na naman?
Sa tingin ko, hindi ko na dapat yatang umasa pa para kay Dave. Baka kasi, in love na siya kay Kara. Baka kasi, Wala na akong pag-asa pa. Baka kasi.. masaya na silang dalawa.
Baka kasi, kasi.. Ang raming baka sa isipan ko, Baka. Hayop. Kambing? Hays.
"A-ah, ganoon ba? Sige po, salamat po ulit." At kaagad kung inon-lock ang seatbelt ko at nag tangkang bubuksan na ang kotse kaso ngalang kaagad niya akong pinigilan, kaagad naman akong napalingon sakaniya.
"S-sir?"
"S-sorry. Sorry. Sorry Zuchi. Sorry sa lahat nang ginawa ko. Sorry sa paglayo ko sayo. Patawarin mo sana ako. Nasaktan lang ako. Hanggang ngayon, Zuchi.. ramdam ko parin ang sakit. Ang sakit sakit. Sana'y patawarin mo ako."
Nanlumo ako nang sabihin niya iyon, alam ko. Alam kong nasasaktan siya noong nakita niya kami ni Marvin non.
Hindi ako nakasagot kaagad at nanatili akong nakatitig sakaniya.
"Zuchi, i still loved you."
..."But i cant."
Kaagad naman na nag-flash ang malaking QUESTION MARK sa utak ko nang marinig ko ang word na 'i cant.'
Gusto kong tanungin na why pero baka anong sabihin niya at masasaktan lang ako.
Hinawakan niya ang kamay ko dahilan para manlamig ako.
Kahit kailan mahal na mahal ko ang lalaking to."Sir D-dave."
"Dont call me that.""Y-you said i call you that." He pointed his fingers on my lips, dahilan para mas kabahin ako.
"Yes i said that because i am really mad at you. I am mad at you Zuchi. At gusto ko pang palalimin ang pagka-inis ko sayo, pero hindi ko kaya."
"Hindi ko kaya, Zuchi.. Mahal na mahal kita."
"I'm sorry Dave." Sabi ko.
"Why? Because boyfriend mo si Marvin? Ganon? Hanggang ngayon, siya parin ba?" Parang babagsak ang tuhod ko nang makita kong nangingilid ang mga luha sa mga mata niya.Umiling iling ako sakaniya.
"Then why?"
"Because i hurt you. You see, nakita mo yung araw na nag-propose sa akin si Marvin. Pero kung sa tingin mong sinagot ko siya, diyan ka nagkakamali. God knows, Dave kung gaano ka nasaktan. At sinisisi ko ang sarili ko dahil doon."
"Ang masakit lang kasi Dave, dahil hindi mo man lang ako pina-explain." Kaagad naman na kumalawa ang mga luha sa mga mata ko."I'm sorry Dave, because of me.. because of hurting you." At hinaplos ko ang pisngi niya.
"It's not your fault Zuchi, but it's mine. Nagpadalos-dalos ako, alright.. inaamin ko, ang gago gago ko.. kinain ako nang galit at selos ko.. pero Zuchi, walang makakapalit sa pagmamahal ko sayo.. noon hanggang ngayon."
"Pero ang tanong, mahal mo pa kaya ako?" Pagpatuloy niya.
"Yes, Dave.. I love you.. higit pa sa alam mo.. at nagseselos ako, pareho tayong nasasaktan.. Nagselos ka kay Marvin, at nagselos rin ako kay Kara. Galit ako kay Kara.. Galit rin ako sa sarili ko.. kung bakit kita pinaasa non....I love you so much Dave, at wala nang hihigit pa don."
Pagkatapos kung sabihin iyon, lumabas ako sa kotse at tumakbo ako papasok sa bahay.
BINABASA MO ANG
Because of you (On going)
RomanceSYNPOSIS: Sa mga tumatagal na mga taon, patuloy pa rin na naghihintay si Alexis kay Marvin. Pagkatapos siyang pangakoan nitong babalik ito ay patuloy parin siyang naghihintay sa lalaki, dahil para sakanya, gagawin talaga nito ang pinangako. ...