Chapter 41

7 1 0
                                    

Beauty's note: 

Guys, so sorry po. Super-super na busy lang po talaga ako. Sorry po talaga sa matagal na update. Mukhang nainip po kayo. Sorry talaga. Chos! Pero ito na po 'yun, mag-uupdate na po ako. Alam ko pong excited na kayo. Na-busy lang po talaga ako dahil sa studies. Pero salamat po talaga sa mga nagtiya-tiyagang mag-antay. So Ayun po. 



*** 





"Well, well, well.. hmm? Saan kaya ito pupunta?" Napalingon ako kay Kel na nakakunot ang noo ngayon habang may malaking matamis na ngiti na nakaguhit sa mga labi nito. 

Hindi na ako sumagot. Instead tumitig lang ako sa sariling repleksyon ko sa salamin. Chini-check kung may lumabas na muta ba sa mata ko, o may dumi ba ako sa mukha, o may something pa ba ako sa tenga at ilong? O kaya'y hindi ba napunit ang suot kung sky blue flowing lace dress na ito. 

Bakit nga ba? 

Eh. Nae-excite lang naman kasi ako sa date namin ni Dave. 

MYGHAWD. 



Lumingon ako kay Kel (Nekelly) nakita ko naman siyang ngiting-ngiti parin sa akin. 

"Ano namang tinitingin tingin mo jan?" Tanong ko sakaniya. 

Mas lalo niya namang pinakita ang matamis niyang ngiti sa akin, hindi ko naman mapigilan ang hiya. Ano ba ito kasi. 

"Saan ka muna pupunta?" Sabi niya pa, hindi ako sumagot at namula naman ang pisngi ko. 

"Oy oy oy! Siya, don't tell me!" Kinikilig niya pang sabi sa akin habang nanghihinala pa siya. 


"Oo na! ano ba, sige na! I sabi niya kasi eh.. lalabas daw." 

"Lalabas ba? O date? Ayie!~" Putang tae ba naman kasi eh, "Eh, hindi ko alam. Pero, parang ganoon na nga? I guess." Hinampas niya naman ako dahil sa sagot kong iyon, "Para saan ba naman 'yon ha?" Sigaw ko sakaniya, "Eh para saan pa, ha! Bruha ka! Eh, date nga!" 

"Pero girl.. Seriously, ang ganda mo ngayon!" 


At tinulak pa niya ako palabas sa kuwarto ko. 


"Wag ganon, besh. Mapupunit yung ano-" Hindi ko naman natuloy ang sasabihin ko nang umepal siya, "Kanina pa siya nandon sa labas, hinihintay ka. Ang tagal mo kasi besh eh." At tinulak niya pa ako nang tinulak hanggang sa makalabas na kami sa kuwarto ko. 


Laking gulat ko nalang nang makita ko siya sa baba, tumayo siya nang makita niya ako. 

At may dala dala siyang bouquet of flowers. 


Ang guwapo guwapo niya. 


Ang presko nang dating niya ngayon. 


Parang naiimagine ko tuloy na naging langit itong bahay. 

Habang pababa ako sa hagdan, inaantay niya ako sa ibaba.. At.. at.. 


Kinuha niya ang mga kamay ko. 




"HOY! ALEX! ANO BA! INAANTAY KA NANG TAO OH!" 



Napatalon naman ako sa gulat dahil sa malakas na tinig na sigaw ni Kel sa tenga ko. 

Dali dali na naman akong bumaba sa hagdanan at sinalubong siya. 


Because of you (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon