Chapter 14 : I smile again

6 1 0
                                    

Alexis POV

         [Now: Playing HARANA - BY: PAROKYA ni EDGAR] 

       Habang tumatagal ang mga panahon, tumatagal rin ang sekretong tinatago namin ni Dave na ang sekretong relasyon. 

   Hanggang ngayon ay napipilitan parinako sa mga pangyayari, pero sabi nga naman nila diba na dapat mong tanggapin na ang mga nangyari na? Pero masakit isipin na nagawa sa akin 'yun ng pinagkakatiwalaan kung kaibigan.  

                 Nasa salas lang ako habang nanood ako ng TV, walang tao sa bahay kung hindi ay ako lang, nasa school si Marie kasama si Kitty at si nanay naman ay nasa palengke. 

                  Habang nanood ako ng TV ay nakarinig ako ng pagkatok sa mga bintana malapit sa terrace, in-off ko ang TV at hinay-hinay na lumapit doon at tumingin sa labas. 

    May nakita akong tatlong lalaki na may dalang instrumento. 
Anong ginagawa nila rito? "Ah, hello? Sino ho kayo?" Curious kung sabi habang nakakunot ang noo, Nagulat ako ng may lalaking naglakad papalapit sa tatlong lalaki, hindi ko makita ang mga mukha niya, nakatalikod kasi siya. 


          Nagulat nalang ako ng bigla nilang inis-start ang pagtugtug. 

Pero mas nagulat ako ng humarap ang lalaki na nakatalikod, habang may dalang red rose. 

      Habang tumutugtug ang tatlong lalaki ay si  Dave ang kumakanta. 
Hanggang ngayon ay nakakunot parin ang mga noo ko habang nakatingin sakanila, patuloy parin na na-stock sa utak ko ang ginagawa nila. 

                 "At sa iyong tingin, ako'y nababaliw.. Giliw.." ♪ Kanta niya, "At sa isang munting harana, para sa iyo." ♪♪ At sa natapos na ang kanta napahawak ako sa mga bibig ko habang pinanood sila, "Para sa 'yo, Zuchi.. Gusto ko lang na malaman mo kung gaano kita ka mahal, mahal na mahal kita higit pa sa buhay ko, at kaya kung gawin ang lahat para sa 'yo, kung pwede man na makuha ang lahat ng liwanag sa langit.. mukhang nakuha ko na 'yun, dahil ikaw ang inspirasyon ko sa lahat ng bagay, sana sa ngayon maisip mo.. kung gaano ka ka-importante sa buhay ko, mahal na mahal kita Zuchi." Mahabang tugon ni Dave at tsaka nag flying kiss siya, hindi ko alam kung bakit ko hinaplos ang mga pisngi ko dahil doon, muli akong tumingin sakanila pero nawala bigla si Dave. 


           At sa biglang may tumakip sa mga mata ko, at naramdaman kung may biglang bagay na nasa ulo ko, maya maya ay kinuha nito ang mga takip at nakita ko si Dave, kinuha ko ang bagay na nasa ulo ko, at tiningnan 'yun.. isang korona. 

        Binigay sa akin ni Dave ang pulang rosas, at sa biglang may nahagip ang mga mata ko.. may korona rin siya.. well, sa akin ay isang pang princess habang sakanya ay isang prince. 

            Patuloy parin ako na nakatitig sa mga mata niya, "Tingnan mo." Napakurap nalang ako ng maisip ko ang mga ginawa ko, nakakahiya. Tumingin ako sa tinuro niya, at sa nakita ko ang tatlong lalaki ay naging sampo. 

      Nakatalikod silang lahat, at hinay-hinay silang humarap lahat.. 

May dala silang mga words.. 

        HAPPY MONTHSARY 

ang nakalagay. 


       Nagulat ako at napahawak ako sa mga bibig ko, para lang kaming nasa pelikula, at naisip ko kung bakit 'to nalaman ni Dave? Na ito ang gusto ko pag nagmonthsary ng first kung boyfriend. 


             .. Muli akong napahawak sa mga bibig ko at ngumiti ng kay tamis tamis, hindi pilit, hindi mapait at lalong hindi plastic na ngiti. 


              PAGKATAPOS ng araw na umalis si Marvin, ngayon.. ngayon muli akong ngumiti, napahawak ako sa mga dibdib ko ng biglang nag-disco ito dahil sa kasiyahan. 


 DUGUDUG. DUGUDUG. DUGUDUG. 


   Non, DUG.DUG.DUG lang, pero ngayon bakit naging DUGUDUG? 
Bakit bigla bigla nalang nag nagsitakbuhan ang mga kabayo, anong ibig sabihin nito? 









          Alam kung hindi ako in-love, dahil alam kung sino ang nasa puso ko, at palaging si Marvin lang 'yun at wala ng iba, pero iba ang nararamdaman ko ngayon.. masayang masaya ako. 



                  Naramdaman ko ang pagyakap ni Dave sa mga likod ko, at hindi ko alam kung bakit ako bumawi sa mga yakap na 'yun.. at biglang bumulong.. "Thank you, Dave.. You make me smile.. Again." At sa hindi ko namalayan kung bakit ko hinalikan ang mga pisngi niya. 



 Bahagya siyang nagulat sa mga ginawa ko, nakita ko ang panglaki ng mga mata niya, "Happy 1st monthsary." Nakangiting sabi niya, "Yes." Yun lang ang tanging nasabi ko, "I love you." Dahil sa huling sinabi niya, hindi ko alam kung bakit ko naitikom ang mga bibig ko. 



 Hindi ako sumagot, ang tanging lumabas sa bibig ko ay.. "Sorry." yun lang at wala ng iba, "It's okey, it's okey.. but at least." Rinig kung bulong niya, "Thank you so much Dave" Muli kong pasalamat.. 




                          

Because of you (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon