Alexis POV
1 MONTH na ang nakalipas since hindi na pumupunta rito si Dave, hindi ko alam? Basta ang alam ko lang ay bigla-biglaan nalang siyang nawala na parang bola.
May ginawa kaya akong mali? Nag-aalala na ako sakanya. One month na ang nakalipas since nawala siya, one month na rin ang nakalipas since nag-alala ako sakanya, one month na rin ang nakalipas since nawala siya sa tabi ko, isa lang ang tanong ko.. patuloy pa ba yung secreto naming relasyon?
Pero bakit ako nagtatanong doon, wala naman akong pake doon? Napipilitan lang naman ako, pero.. bakit ako nasasaktan na nawala nalang siya na parang bola?
MAHAL KO NA BA SIYA?Pero hindi, imposible 'yun.. Dahil kung mahal ko na si Dave ay hindi parin ako naghihintay dapat kay Marvin hanggang ngayon, pero.. naghihintay paba ako kay Marvin? Oo, pero parang hindi.. Noong dumating si Dave at pinipilit ang sarili para sa akin, ay nakalimutan ko ng hintayin si Marvin, pero naniniwala akong hanggang ngayon ay si Marvin parin ang mahal ko.
Nangako ako sakanyang, siya parin hanggang sa kanyang pagbalik, at alam kung si Marvin parin..
PERO IBA EH, iba parin ang nararamdaman ko, ang nararamdaman ko ngayon ay para lang noong iniwan ako ni Marvin, katulad na ngayon na si Dave na naman ang nang-iwan na parang bola sa akin, buong araw akong nakamuk-mok sa kwarto ngayon.Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko kung bakit ko 'to ginawa ngayon, bigla nalang tumulo ang mga luha sa mga mata ko, "N-nasasaktan ako, alam ko." Maluha-luha kung sabi, si Dave nalang sana ang meron ako pero bakit niya ako iniwan, he just fades away like an air.
*Knock*
Napalingon ako sa pinto, na may kumatok. Hindi ako tumayo, kundi ay tiningnan ko lang 'yun."Anak?" Hindi ko pinansin ang tawag ni nanay, kundi ay umiyak lang ako.
Nasaktan lang ako, pero hindi ibig sabihin 'nun na mahal ko na si Dave, kung hindi ay dahil sa nag-aalala lang ako sakanya, at lalong namiss ko siya.
Ilang minuto ang nakalipas ay naisipan kung lumabas nalang, pero bago ako lumabas ay hinintay ko munang matuyo ang mga luhang tumutulo sa mga mata ko.Para hindi mag-aalala si nanay.
Pagkalabas ko ay nakita ko si Marie na nilaro-laro si Kitty, masayang masaya sila alam ko 'yun, sa ngiti palang ni Marie ay alam kung masaya talaga siya, mabuti nalang at hindi siya kagaya ng ate ng ngayon na nasasaktan.
"Nay?" Tawag ko kay nanay na nakitang nagluluto, "O anak? Akala ko anong nangyari sa'yo, tingnan mo oh, malapit ng gumabi.." Nag-aalalang tugon ni nanay, "Hindi 'nay, natulog lang ako.. pagod kasi kahapon." Alibay ko, kahit wala namang akong ginawa kahapon kung hindi ay namamasyal lang akong mag-isa.
Iniligpit na ni nanay ang kanyang niluto at inilapag niya i 'yon sa lamesa at lumapit sa akin habang hinaplos haplos ang aking mga pisngi, "Anak, alam kung umiiyak ka.. Iiyak mo lang 'yan, alam kung nasasaktan ka.." Sabi ni nanay, umiling iling lang ako ng parang walang nangyari, basta.Mahirap i-explain ang lahat, parang naghahalo lahat lahat sa sarili ko, ang bigat ng nararamdaman ko, nasasaktan ako.
BINABASA MO ANG
Because of you (On going)
RomanceSYNPOSIS: Sa mga tumatagal na mga taon, patuloy pa rin na naghihintay si Alexis kay Marvin. Pagkatapos siyang pangakoan nitong babalik ito ay patuloy parin siyang naghihintay sa lalaki, dahil para sakanya, gagawin talaga nito ang pinangako. ...