Chapter 8:Last day

11 1 1
                                    

Alexi's POV

      Pumasok ako sa silid ko at humiga, saglit akong tumingin sa calendario. Mangiyak-ngiyak ako habang nakatutok ang paningin duon. 

               "I hate goodbyes, Huhuhu." Kung kailan mahal na mahal ko na si Marvin, tsaka na rin siya aalis, bukas kailangan kung lubusin na makasama siya. 

              He will leave me.. 

At natulog na ako. 


    KINABUKASAN. 

                  Pagkatapos kung maligo at mag-almusal ay pumunta akong Farm, isinama ko na rin si Marie at si Kitty dahil kagaya ng dati ay magkasama rin kami noong una namin na nakilala si Marvin. 

      Nakita kung papalapit si Marvin sa banda namin, "MARVIN!" Sigaw ko habang naka-kaway. 
Tumakbo si Marvin na nakangiti, "Kuya, Kuya!" Kita ko ang pagkagulat sa mga mata ni Marie habang sumisigaw, "Myaw!" Sabi ni Kitty. 

         Nang makalapit na si Marvin sa amin ay ang laki laki ng liwanag sa mga mukha ni Marie, Alam kung masayang masaya siya, hindi niya alam na aalis na ang kuya niya bukas. 

       Umupo ako sa bermuda grass at ganun rin si Marvin at si Marie, Hinalikan ni Marvin ang noo ni Marie, si Marie naman mukhang nahihiya at patuloy pa rin na nilalaro si Kitty. 

  Nagulat ako ng pinatayo ako ni Marvin habang nakahawak siya sa mga kamay ko. "Baby, hihiramin ko muna tong ate mo ha?" Nakangiting sabi ni Marvin, nakangiting tumango tango naman si Kitty. 

  Sinunod ko lang si Marvin kung saan niya ako dadalhin. 
Nagulat ako sa mga nakita ko, ang ganda ng lugar na ito.. Ngayon lang ako nakapunta rito. 

         Dinala ako ni Marvin sa isang bundok na makikita mong may dagat sa ibaba. 

Kitang kita ko ang mga batang palaka na naglalanguyan sa dagat. "Ang cute nila oh!" Sabi ko sabay turo. 

   Umopo ako sa may gilid ng bundok at nakangiting tiningnan ang mga 'yun. Liningon ko si Marvin na nakangiti sa akin, "Bakit mo nalaman ang lugar na ito?" Tanong ko sakanya, "Kahapon ko lang nalaman ang lugar na ito, kahapon kasi nilibot ko ang buong farm.. nang may nakita akong may bundok kaya pumunta ako rito at nakakita ako ng isang magandang lugar kagaya nito ngayon." Nakangiting sagot niya, "Wow, ngayon ko lang talaga nalaman ang lugar na ito." Sabi ko tsaka nilaro laro ko ang tubig. 


     Tinabihan ako ni Marvin sa pagkakaupo, hinawakan ko ang mga kamay ko, saglit akong napatingin sa mga kamay sa akin pagkatapos ay sakanya, ngumiti ako ng mapait. "Mami-miss kita." Mahinang sabi ko at tsaka nagsituluan ulit ang mga luha ko, "Wag kang umiyak." Bulong niya, Kinuha ko ang mga kamay ko na nakahawak  sa kaniya at pinunasan ko ang mga luha na tumutulo na parang ulan sa mukha ko. 

"H-hindi, k-kasi ayokong umalis ka.. Mahal na kasi kita eh." Sabi ko, "Basta kahit anong mangyayari.. Hihintayin mo ako ah." Sabi niya at tsaka ibinalik ang pagkahawak sa aming mga kamay, hinawakan niya ang mga baba ko at pinatingin sakanya.. At tsaka inilapit niya ang mga mukha ko sa mga mukha niya at tsaka naglapat ang mga labi namin. 

       "M-marvin." Sabi ko ng naubusan ako ng hininga, "Hmmm.." Sabi niya, "Ayokong mawala ka sa tabi ko." Bulong ko, "Gusto ko rin, pero kailangan kung tapusin ang pag-aaral ko Alex." Sagot niya, kaya mas napahagulhol ako.. "Kasi naman eh.. bakit ako nainlove sa iyo eh! Kainis ka!" Sabi ko at hinampas hampas siya sa mga dibdib niya, natawa siya dahil sa ginawa kung 'yun.. "Basta ha.. Babalik ka, babalikan mo ako.. Hihintayin kita, sa lubos ng makakaya ko!" Sabi ko sakanya, At niyakap niya ako ng mahigpit. 

          Ramdam ko ang pagmamahalan namin dalawa sa yakap na iyon, at naniniwala akong babalikan niya ako kagaya ng sinabi niya sa akin.. 

           "I love you, Marvin." Bulong ko, "Mahal rin kita Alex." Sagot niya. 


Because of you (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon