Chapter 15: It is the first time

8 1 0
                                    

Alexis POV 

                 Pagkatapos ng araw ng monthsary namin ni Dave ay bumalik na ang pagkakatiwala ko sakanya, hindi ko alam kung bakit? Baka dahil pinasaya niya ako ng lubos? Or dahil nasiyahan lang ako sa mga pinagagawa niya? Or baka dahil sa nandito siya lagi sa tabi ko? 

                 Isa lang ang sagot ko.. HINDI KO ALAM. 


Basta ang alam ko lang sa ngayon ay MASAYA AKO, bumalik na ang Alexis na kilala nilang masayahin, hindi kagaya ng umalis si Marvin, pero alam kung kahit na bumalik na ako sa dating ako ay meron paring kulang sa buhay ko, at alam niyo na kung sino 'yun. 

        

           Kung hindi ay si.. MARVIN, walang iba.. at siya lang. 
Habang nakatitig ako sa kisame ay unti-unting bumalik sa isipan ko ang mga nangyari nuon, nuong masaya pa kaming dalawa kasama ang isa't isa. 

           Na-miss ko na siya, kailan kaya siya babalik? Mahal niya pa ba ako? Ano kayang ginawa niya roon? Kumain na kaya siya? Nag-aral ba siya ng mabuti? HINDI KO ALAM. 



             Kung pwede lang sana na sundan siya patungo sa lugar na 'yun ay GINAWA KO NA. 

Pero paano ko 'yun magagawa? Next year babalik na ako sa pag-aaral ko dahil may pera na si nanay, pero paano nalang kung babalik na siya rito sa araw na baka.. mag-mahal ako ng iba? 

 Pero hindi naman pwede 'yun, ALAM KUNG SI MARVIN LANG ANG TANGING LAMAN NG PUSO KO, AT IKINULONG KO NA SIYA RUON, GANUN KO SIYA KAMAHAL. 


                Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at lumabas ako sa kwarto ko, hapon ngayon at malapit ng gumabi, malapit na ang pagbaba ng araw. 

                         I miss the FARM, 'yun ang nasa isip ko.. ang mga araw kung saan ko siya unang nakita at ang araw kung kailan ko siya minahal, ang araw na minahal ko siya ng lubos. 

        Ang memories namin, lahat. 



Hindi na ako nagdalawang isip pa at pumunta ako roon, lumapit ako sa duyan at umupo habang nakatingin ako sa mansyon nila, bumaling ang tingin ko sa palaging uupuan ni Marie sa tuwing pupunta kami rito, habang tinitigan ko 'yun ay biglang bumalik sa isipan ko ang mga nangyari dati, 'yung pinagseselosan ko si Bunso. 


                    ..Ang mga ka-cornihan ko sa utak ko. 

Habang malalim ang iniisip ko sa ngayon ay biglang may pumasok sa isip ko, Wait--. 





                 It is the first time, buong araw ay hindi ko siya nakita? Si Dave, hindi siya pumunta sa bahay, bakit hindi siya pumunta rito? Bakit hindi ko siya nakita ngayon? Si Dave? T-teka, May sakit ba siya? May masama bang nangyari sakanya? Bakit ako nag-aalala sakanya. 

                                                                     ... Mahal ko na ba siya? Hindi, hindi.. alam kung si Marvin lang palagi, hanggang sa huli.. baka nag-aalala lang ako sakanya sa ngayon, yun lang yun. 

            

Because of you (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon