Chapter 17: Nanay know?!

13 2 0
                                    

Alexis POV 

        Kanina lang akong nakatulala sa paligid, habang iniisip ko ang mga nangyari simula nuon, kung paano humantong kami ni Dave sa ganito, at kung bakit niya ako iniwan ngayon. 

       Sa pagkakataong ito, isa lang ang naalala ko.. Ang mga masasayang alala, noong nandito pa siya sa tabi ko, gamit ang pagpilit niyang maging ka-relasyon ako. 

                "Anak?" Napatingin ako kay nanay, imbis na sumagot ako ay hinintay ko lang siyang magsalita, umupo si nanay sa tabi ko habang hinaplos haplos ang mga buhok ko. 

 "Alam ko, anak, alam kung nasasaktan ka sa pag-alis ni Yuhan. Iiyak mo yan, wag kang mahiya, ako lang 'to." Napatingin ako kay nanay, "Na'y, bakit ako nasasaktan?" Tanong ko kay nanay, "Nasasaktan ka anak, dahil nagmahal ka." Nagulat ako sa sinabi ni nanay, "Nay, hindi ko po mahal si Dave." Sabi ko, "Nagkakamali ka anak, nasaktan ka diba dahil nawala si Dave? Na hindi na siya nagpakita pagkatapos ng monthsary niyo? Nagmahal ka anak, nagmahal ka." Naibuka ko ang mga mata ko..

 Bakit alam ni nanay? 


"Alam ko anak, simula noong nalaman kung nagmahal kana, binantayan na kita, dahil ayokong masaktan ang anak ko, nalaman ko lang na kayo na ni Yuhan noong palagi ka niyang binibisita rito na may dalang pasalubong, simula kasi ng umalis si Marvin sa tabi mo, nagwawala ka na sa sarili mo, at ngayon anak, alam kung nasasaktan ka, kaya iiyak mo yan.." Ani ni nanay, "Na'y alam mo, lahat?" Gulat ko paring sabi, "Oo anak." Sagot naman ni nanay. 



 Maya maya, hindi ko na mapigilan ang sakit na nararamdaman ko kaya iniyak ko lahat ng mga luha ko, bakit ba ako nasasaktan? Alam kung hindi ako nag mahal, hindi ko mahal si Dave dahil alam kung si Marvin lang ang nag-iisang taong nandito sa puso ko at wala ng iba. 


    "N-nay, hinde, alam ko, hindi ko mahal si Yuhan, si Marvin lang ang nag-iisang taong nandito sa puso ko, alam ko 'yun nay." Mangiyak ngiyak kung sabi, pero patuloy pa rin sa paghaplos sa aking buhok si nanay. "Hindi mo pa yan naiintindihan sa ngayon anak, malalaman mo rin ang nararamdaman mo, dadating ang panahon." Rinig kung sabi ni nanay at sa nakatulog na ako. 


 KINABUKASAN 


Naimulat ko ang mga mata ko at dumeretso ako sa banyo para mag hilamos at mag sipilyo, pagkatapos kung gawin 'yun ay lumapit ako sa malaking salamin at tiningnan ang aking mukha. Nagulat ako sa mga nakita ko, "Waa!? Ako ba 'to, ang panget ko!" Sigaw ko, sa nakikita ko kasi para akong isang baliw na lumalaboy sa isang kalye. 

 Imbis na lalabas na ako ngayon para kumain ay kinuha ko agad ang tualya ko at dumeretso sa banyo. Pagkatapos kung maligo nagbihis na ako. 


     Inisip ko ang mga araw kung ilang araw kung iniyakan si Dave, at laking gulat ko ng malaman 'yun. 



SERIOUSLY? Hindi ako naligo, TWO DAYS?! WAAA! 


           Sa tingin ko kung hindi ko tiningnan ang mga mukha ko sa ngayon, mukha na akong baliw na natutulog, myghad! 


 Pero iba ang araw ko ngayon, i'm free.. Nawalan ng kahit katiting ang sakit na nararamdaman ko, dahil sa pagbuhos ko ng lahat ng 'yun kahapon kasama si nanay. 


Haay nako, naalala ko tuloy noong una akong nasaktan, na si Dave lang ang nasa tabi ko palagi, ang sandalan ko sa mga lahat ng sakit, Si Dave nalang sana ang meron ako pero, bigla nalang siyang nawala na parang bola, nagpapasalamat nalang talaga ako na kahit papaano ay meron akong nanay na nag-aalaga sa akin, lumindol man o bumagyo, saan man ako. 


    That's why i love my mother so much, she's the best.. Pero, isa lang ang tanong ko, mahal ko ba si Dave tulad ng sinabi ni nanay? Hindi, at alam ko 'yun, si Marvin lang ang nag-iisang tao rito sa puso ko, pero isa lang rin ang tanong ko, mahal ko pa ba si Marvin? Kasi, this past few days, nawalan na ako ng pag-asa sa kakahintay sakanya, at lalong.. hindi ko alam kung nawala na ba ang pagmamahal ko sakanya.


  BASTA. 



Because of you (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon