Alexis POV
SABADO ngayon, nakasimagot akong bumaba sa aking kwarto at pumunta sa kusina, dahil sa gutom na ako. "Nay, gutom na ako." Sabi ko na tila, bagong gising. "Oh, kumain ka jan, pagkain mo o." Sabay lapag ni nanay sa kanyang nilutong itlog.
Nagsandok ako ng kanin at nagsimula ng kumain ng marinig ko ang sigaw ni Marie. "Ateeee! Tulungan mo ako sa assignment ko sa school!" Sabi pa nito sabay pakita sa akin ng notebook niya, tumango tango lang ako. Inilapag nito sa harap ko ang notebook niya, "Maya na, kumakain pa si ate." Kinuha naman nito pabalik ang notebook at umupo sa sofa para manood ng TV.
PAGKATAPOS kung kumain ay lumapit ako kay Marie at inan-sweran ang notebook nito, "Oh." Sabi ko nang matapos mag-answer. Ang boring ba naman kasi dito sa bahay, hay nako ba! Kaya tumayo ako at bumalik sa aking silid at naligo, pagkatpos ay nag-ayos sa aking sarili. Nang marinig ko ang sigaw ni nanay. "ANAK! MAY NAGHAHANAP SAYO!" Nanlaki ang mga mata ko na para bang naexcite, si Dave?!
Kaya dali dali akong bumaba sa hagdan at tiningnan kung sino ang taong 'yun, nawala ang mga ngiti sa labi ko at napalitan yun ng pagkagulat.
O_O
"NEKELLY!" Sigaw ko, tila gulat na gulat na makita siya rito na ngayoy nakangiti lang sa akin, "HELLO! BESH!" Sigaw nito sa akin at niyakap ako, ako naman hanggang ngayon ay hindi parin na process sa utak ko na nandito talaga siya, na guni guni ko lang 'to, paano nito nalaman ang bahay namin?
Nang kumalawa na kami sa pagyayakapan ay todo parin ang mga ngiti nito sa akin, "P-paano mo nalaman ang bahay ko?" Tanong ko sakanya, "Hmmm? Duh? I saw it in your I.D!" Nakangiting sabi nito at tumalon talon pa siya sa harap ko, "Your so beautiful!" Sabi pa nito at pinisil ang chicks ko. Ngumiti nalang ako sakanya, "Okey, okey! Pasok ka, pasensya na maliit lang 'tong bahay namin." Sabi ko pa, nakangiti parin siyang pumasok.
Ang girly lang manamit ng babaeng 'to, Nerdy chicks kung sasabihin, eh ang talino lang ng babaeng 'to eh, pero hindi parin mawawala ang salamin niya, tapos yung pimples niya sa magkabilang pisngi niya, pero nababagay naman 'yun sa mukha niya kahit na ganun. Ang cute niya. ^_^
"Ano ba Friendship! Okey lang!---Wait, What a cute little BARBIE!" Sigaw nito.
Lumapit ako kay nanay at nakita ko ang pagkagulat sa kanyang mga mata habang nakatingin kay Nekelly. "Anak, sino siya?" Pabulong na tanong ni nanay, "Bagong kaibigan ko nay." Sagot ko naman rito, Napatingin ako kay Nekelly na busy sa pagpipisil pisil sa mga pisngi ni Marie. Si Marie naman ay mukhang nairita dahil sa kulit nitong si Nekelly.
"Ah, Nekelly." Napatigil siya dahil sa tawag ko at nakangiting lumingon sa akin. "Yes? Besh!" Nakangiting sabi pa nito, "Nay, Siya si Nekelly, Nekelly siya si Nanay.. And, Nekelly siya ang bunsong kapatid ko si Marie, Marie siya si Ate Nekelly mo." Nakangiting paliwanag, ko kita ko sa mga mukha ni Nekelly ang pagkasaya, masaya siyang tumayo at nagmano sa nanay ko habang ang nanay ko naman ay laglag parin ang panga.
BINABASA MO ANG
Because of you (On going)
RomanceSYNPOSIS: Sa mga tumatagal na mga taon, patuloy pa rin na naghihintay si Alexis kay Marvin. Pagkatapos siyang pangakoan nitong babalik ito ay patuloy parin siyang naghihintay sa lalaki, dahil para sakanya, gagawin talaga nito ang pinangako. ...