Alexis POV
Isang araw na ang nakalipas ng umalis si Marvin, habang ako ay buong araw na nakakulong at nakamuk-mok sa kwarto habang umiiyak.
Ni-lock ko ang silid ko para hindi sila mag-alala sa akin, pero mukhang bigo ako sa iniisip ko dahil naramdaman ko ang pag bukas sa pinto, hindi ako lumingon kung sino 'yun.
Umupo ito sa tabi ko, "Anak.." Si inay, myghad si inay.
Ano ang gagawin ko, magtatago ba ako? Pero huli na. Tatakbo? Hindi, pwede. Magkunwaring tulog? Oo 'yun nga.
Nakadapa kasi ako kaya parang hindi halata na nagtulog-tulogan ako. Push mo yan, Alex.
Naramdaman ko ang paghaplos ni Nanay sa mga buhok ko, "Hay nako, ang anak ko.. Yan kasi eh, mahal mahal.. Tingnan mo, nasaktan.. Wag ka ngang magtulog tulogan yan Alex, alam kung nagtulog tulogan ka lang, rinig na rinig ang hagulhol mo sa labas kaya alam na alam kung umiiyak ka, tumingin ka nga sa akin." Salitang salita si Inay pero, patuloy parin akong nakapikit.
Nagulat ako ng ibinuka ni Nanay ang mga mata ko, "Nay naman!" Sabi ko, "May marami pang lalaki sa mundo anak, wag kang maubusan ng pag-asa." Sabi ni nanay, pero umiling iling lang ako. "Hindi nay, hihintayin ko si Marvin, sabi niya sa akin, babalikan niya ako.. maghihintay ako para lang sakanya." Sabi ko, "Okey, kung iyan ang plano mo, susuportahan kita. Pero wag ka na sanang umiyak? Ayaw kung makikita ang Princessa kung umiiyak." Sabi ni Nanay at niyakap ako, niyakap ko na rin siya pabalik. "Thank you nay, thank you." Sabi ko, "May naghahanap sa iyo sa labas." Nagulat ako dahil sa sinabi ni nanay, "Ha? Sino po?" Tanong ko sakanya, "Hindi niya ipasabi eh, baka raw magalit ka." Sagot naman ni nanay, "Nanay naman eh, sino nga?" Ulit kung tanong, "Tingnan mo nalang siya." Sabi ni nanay, sabay kaming tumayo ni nanay at lumabas sa kwarto.Nakita ko si Dave na nakaupo sa salas, "Na'y, akala ko kung sino.. Si Dave lang pala, sige nay balik na ako sa kwarto ko." Sabi ko at babalik na sana sa kwarto kaso ay hinigit ako ni nanay, "Nay, bakit po?" Tanong ko, "Nag-away ba kayo ni Yuhan anak?" Tanong ni nanay, hindi ako sumagot. "Mabuti pa, pag-usapan niyo muna iyan anak." Sabi ni nanay, "Na'y pero ayoko po." Sabi ko, "Hindi anak, ayokong malungkot ka.. hayaan muna kitang maging masaya, kahit saglit lang, okey? Sige na, kausapin mo na si Dave." Wala na akong magawa kundi ay hindi tumanggi.
Kaya lumapit ako sa salas at umupo sa single seat, ayokong tumabi kay Dave. "Zuchi.." Bulong ni Dave, kaya tumingin ako sakanya. "Ano bang dapat nating pag-usapan?" Taray kung tanong sakanya, "Patawarin mo ako sa mga nasabi ko sayo kahapon Zuchi." Sabi niya kaya napatingin uli ako sakanya, "Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko sakanya ulit, "Patawarin mo ako sa mga ginawa ko, may nililigawan na akong iba.." Nagulat ako sa sinabi niya, "You mean, naka move-on kana sa akin?" Mahinang sabi ko, tumango tango siya. Kaya napangiti ako, at hindi ibig sabihin nun na nawala na ang lungkot ko sa pagka-alis ni Marvin, kundi ay naging masaya ako para kay Dave. "So anong plano mo, ano nga palang pangalan niya?" Tanong ko sakanya, "Jessica." Sagot niya, "Ahh. Mukhang maganda naman, kahit hindi ko pa nakita.. Good! Masaya ako para sa iyo!" Sabi ko sakanya, "So, Gusto ko sanang ipasyal ka, para kahit sandali ay mawala rin ang pagkalungkot mo, sana ay hindi ka tatangi." Naisip ko ang ginawa ko buong araw, *Burp* Nagulat ako dahil sa tunog, napahawak ako sa tiyan ko, andoon ko naisip at buong araw akong walang kain..
Natawa si Dave dahil doon, "Sige." Nakangiting sagot ko at sumama sakanya, dinala ako ni Dave sa isang restaurant na may mga cotton candies, my favorite.
"WOW!" Nakangiting sabi ko, habang kinuha ko ang dalawang Blue ang pink cotton candies, nakangiting kumuha pa ng marami si Dave, Malungkot ako, oo pero sa tingin ko sa ngayon ay nawala rin 'yun, at napalitan ng pagkasaya.
Naniniwala na talaga ako na pag malungkot ako ay si Dave lang ang nakakapag-pawala nito, noon pa kasing una kaming nagkakilala ay pag malungkot ako ay diretso akong dinala ni Dave dito sa cotton candy house."Thank you, nga pala Dave ha?" Nakangiting sabi ko habang nakahawak sa tiyan ko, nabusog talaga ako dahil sa maraming cotton candies na mga nakain ko sa ngayon.
"Walang anuman, Zuchi, ikaw pa!" Nakangiting sagot niya naman, "Ahh.. Meron paba?" Nakangiting hingi ko pa, Natawa siya doon at tsaka binigyan ulit ng cotton candy.
AT HANGGANG SA natapos na kaming kumain, at umalis na kami at bumalik na rin ako sa bahay. Thanks to him, na kahit papaano ay nawala ang pagkalungkot ko.
Kahit na nagalit ako sa mga sinabi niya, pero masaya talaga ako ng marinig na may iba na siyang nililigawan, i support for him.. At pinapatawad ko na siya sa sinabi niya sa akin kahapon.
BINABASA MO ANG
Because of you (On going)
RomantikSYNPOSIS: Sa mga tumatagal na mga taon, patuloy pa rin na naghihintay si Alexis kay Marvin. Pagkatapos siyang pangakoan nitong babalik ito ay patuloy parin siyang naghihintay sa lalaki, dahil para sakanya, gagawin talaga nito ang pinangako. ...