Alexis POV
Pagkagising ko sa umaga, napangiti kaagad ako.
Dama lang sa pagkasobrag excited sa kaarawan ng lola ni Marvin, hindi na talaga ako makapaghintay mamaya.
Tumayo ako at tumungo sa banyo. Naghilamos at nagsipilyo ako, pagkatapos ay bumalik ako sa aking silid at binuksan ang cabinet. Napangiti talaga ako ng bongga dahil sa magandang dress na susuotin ko mamaya sa kaarawan.
Hindi ako nagsusoot ng dress na damit, mukhang ngayon lang ako makasuot ang ganun. Ang dress na ito ay bigay ng Auntie ko.
Kinuha ko ang dress na 'yun at ifinit, lumapit ako sa malaking salamin at tiningnan ang itsura ko, "Anak?" Nagulat ako dahil sa pagbukas ng pintuan sa kwarto ko, "Nay?" gulat kung sabi habang nakatingin kay nanay, sabay dampot ng dress sa higaan.
Nakangiting lumapit sa akin si Nanay sabay kuha sa dress na idinampot ko sa kama.
"In love na talaga ang anak ko." Nakangiting sabi ni nanay, ngumiti lang ako kay nanay at sinunod siyang umupo sa kama, niyakap ko si Nanay."Oo, nay mahal ko si Marvin. Pero siyempre n'ay, hindi ko kayo makakalimutan nay noh!" Sabi ko, at mas niyakap siyang mahigpit, "Basta anak, ito.. Wag mong kalimutan, sa lahat ng pagmamahal may kapalit na sakit, kaya wag mong ibigay lahat ng pagmamahal mo sakanya anak, magbigay ka rin ng sa iyo.. Hindi mo pa alam ang plano ni God sa 'yo, kaya habang maaga pa.. bigyan mo rin ang sayo, okey anak?" Sincere na sabi ni nanay sa akin sabay tayo, hinawakan ni nanay ang dalawang kamay ko habang nakatingin siya sa akin.. "Dahil ayokong umiyak ang anak ko." Patuloy ni nanay at hinalikan ang noo ko.
"Siyempre naman, nay." At muli kaming nagyayakapan, "Oh anak, magpaganda ka ha? Dapat bongga! O, heto.. Gamitin mo yan, sa akin yan.. hindi ko pa yan ginamit, dahil ayoko nang magpaganda pa, nanay mo pa? Ang ganda kaya! Diba? Hahaha!" At sabay kaming nagtatawanan ni nanay.
"Oh, siya sige anak.. may gagawin pa ang nanay mo.. Maglalabada pa ako ng damit ng kapit bahay natin na si Manang Sandara." Paalam ni nanay.
"O, sige nay." Sagot ko at isinarado na nanay ang pintuan, kinuha ko ang make-ups na ibinigay sa akin ni mama, water-proof ang ibinigay sa akin ni nanay.
Napangiti ako habang ini-imagine na nakasuot sa dress habang may kolorete ang mga mukha.
Ang ganda ko lang..
ALAS KWATRO na ng hapon at reading-ready na ako."Ang ganda ko." Nakangiting sabi ko habang nasa harap ko ang malaking salamin.
Pumunta ako sa salas at nanood muna saglit ng TV, naalala ko kasi na sinabi sa akin ni Marvin na susunduin niya ako pagkarating ng alas singko ng hapon.
Maya maya ay may kumatok sa pintuan, kaya mas naexcite akong buksan 'yon kaya diretso akong tumayo at lumapit sa pintuan, pinihit ko na ang doorknob para buksan 'yon.
BINABASA MO ANG
Because of you (On going)
RomanceSYNPOSIS: Sa mga tumatagal na mga taon, patuloy pa rin na naghihintay si Alexis kay Marvin. Pagkatapos siyang pangakoan nitong babalik ito ay patuloy parin siyang naghihintay sa lalaki, dahil para sakanya, gagawin talaga nito ang pinangako. ...