Chapter 37: Her Secret

7 1 0
                                    

Kinunot ko ang noo ko at halo halo ang lahat nang emosyon na nadarama ko, poot, inis, takot at taka. Una, poot at inis, dahil sa ginawang panliligaw ulit ni Marvin. Dalawa, Takot at taka, kung bakit umiyak si Nekelly, dalawang araw na ang lumipas simula noong nangyari 'yon. At sa dalawang araw na 'yon, hindi nagparamdam sa akin si Nekelly. 

At ngayon ay ready na ready na ako para pupunta sa mansion nila, nang makababa ako ay kaagad kung hinalikan ang pisngi ni nanay at kay Baby bunso ko, "Bye nay, bye Marie." at tumalikod na ako sakanila. 

Kaagad akong pumara nang jeep at sinabi kung saan ako pupunta, nang makarating ako sa village nila ay hindi na ako sumakay nang tricycle, nilakad ko na ito nang mapatigil ako dahil sa guard. 


"Saan po ang punta niyo ma'am?" Tanong nang guard sa akin, "Uhm. Nekelly po." Tumango tango ito, "I.D?" 

Kailangan pa ba iyon? Kaya kinuha ko ang dalang I.D sa pag at kaagad ko yung sinampal sa mukha niya-- joke! hindi! kaagad ko itong binigay sakaniya, tumango tango naman ito at binuksan ang malaking gate. 

Nang makapasok na ako ay kaagad kung hinanap na ang mansion nila Nekelly, at nang makita ko ito ay kaagad akong nag-doorbell at naghintay sa sasagot. 


"Hello? Sino po sila?" Napaigtad ako nang may magsalitang isang kasambahay, "Ah, eh, Ako po si Alexis.. kaibigan po ni---" Hindi pa natuloy ang sasabihin ko ay kaagad itong ngumiti, "AH! Ikaw nga pala yung best friend ni ma'am no? Sige pasok ka iha!" At ibinuka nito ang gate kaya pumasok na ako. 

Pagpasok nang pagpasok ko palang ay kaagad na bumungad sa akin ang Nekelly na nakatulala habang nakatingin sa malayo, pabagal bagal akong lumapit sakaniya, nang makalapit ako sakaniya ay kinulbit ko ang balikat niya kaya halatang nagulat siya at nanlaki ang panga. 

Dahan dahan siyang lumingon sa akin at halatang gulat siyang makita ako rito, sunod sunod na nakita ko ang pag kurap nang kaniyang mata at laglag na mga panga, pero ang mas ikinagugulat ko ay nung biglang tumulo ang mga luha nito at tumayo, niyakap ako nang mahigpit. 


"B-besh." At napahikbi ito sa kanyang balikat, hindi niya alam kung anong dahilan pero alam niyang may something talaga, nang kumalawa ang pagyayakapan namin ay kaagad akong hinigit ni Nekelly paupo sa tabi niya, pinunasan niya ang tumutulong luha sa mga mata nito at muli ko itong niyakap. 

"Ano bang nangyari sayo, besh?" Nag-alalang tanong ko kay Nekelly, nakakunot ang aking noo habang siya naman ay ang lungkot nang kaniyang mukha at unti unting nababasag ang puso niya nang makita ang kaniyang kaibigan na ganoon. 


Umiling iling ito sakanya at napahawak sa bibig habang umiling iling parin, kaya pinaharap niya ito at pilit na hinabol ang mga mata, nang magtama ang paningin namin ay kaagad ko itong pinisil ang ilong.. "Ano na?!" Pabirong pasigaw niya, gusto ko na talagang malaman ang tinatago nang babaeng ito, at lubos akong nag-aalaa para sakanya, kaya o-a na kung o-a pero ito ang nararamdaman ko para sa kaibigan. 


Pero umiling muli ito sakaya kaya napaiwas siya nang tingin at siya naman ngayon ang tumingin sa malayo, huminga siya nang napakaraming hininga at muling ibinaling ang tingin kay Nekelly, nakita niyang malalim rin ang tingin nito. 

"Nekelly, besh.. Alam mo, at alam kung kaibigan mo ako, pero bakit hindi mo ako sinasabihan nang mga secreto mo? Akala ko ba ganoon ang magkakaibigan? Ayaw mo ba akong tulungan ka? Ano bang tinatago mo? Dahil halos mabaliw na ako sa kakaisip kung anong dahilan nang pag-iyak mo noon? Nung niyakap ako ni Marvin, nakita kita na umiiyak pero tumakbo ka palayo, hindi ko alam ang ibig sabihin 'nun, pero sana naman sabihin mo yun sa akin? Siyempre hindi naman ako magagalit diba? Sabihin mo naman sa akin ang totoo? Please?" Mahabang paliwanag ko sakaniya, nakita ko nalang ang unti unting nagsilabasan na luha sa mga mata nito at malungkot na lumingon sakaniya.. 

Because of you (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon