Kagaya ng sinabi ni Nekelly noon, Next Sunday, Ano ngayon? It's Sunday, Four days ang nakalipas since nagkita kami ni Marvin ulit, at sa Four days na 'yun, palagi niya akong inihatid sundo, Sa Four days na 'yun, naging makapal rin ang mukha ko sa kakahintay sakanyang dumating sa school, Sa four days na 'yun masaya ako dahil save ang pamasahe ko, save ang seven pesos ko, Ang kafal ng feslak ko. >3<
Di bale na, dito muna tayo sa Birthday Girl ngayon~
"Nekelly, Happy Birthday!" Sabi ko sa kabilang linya, "Good morning Besh, Happy Birthday to me too, BUWAHAHAHA!" Nailayo ko ang tenga ko dahil sa tawa niya, "Ano ba 'yun besh, ang sakit sa tenga, so teka, 6PM dapat ready na ako diba ?" Tanong ko, "Oo Besh, pupunta riyan ang taga sundo mo 6PM sinabi ko na noon pa!" Sagot niya sa kabilang linya, "Oh, sige besh! Mukhang marami kang greetings jan, sige ahh.. baba ko na 'to, Bye.. Love you!" "Oh sige, Besh.. I love you too." At imbis na ako ang mag baba sa tawag ay inunahan na ako ng chuva..
*Toot Toot*
Inilapag ko nalang ang cellphone ko sa lamesa sa gilid ko at nagpatuloy sa aking pagkain ng breakfast, "Ate, sama ako?" Napatigil ako sa aking pagkain at napatingin kay Marie, "Hindi puwede, baby.. Maraming tao roon, maraming i-intertain si Besh, tapos maraming chuchu doon, may mang-aaway sayo roon.. Kaya mas mabuti pang stay ka nalang dito, baby.. Ililibre nalang kita, okay.." Sabi ko at pinisil ang pisngi ni Marie, "Talaga ate, Sige ate, Sige!" Mas lumiwanag ang mukha niya, "Hmm.. Anak, anong oras ka pala pupunta roon?" Napatingin ako kay Inay, "Ah. Alas sais 'nay." Sagot ko, "Ah, suotin mo 'yung dress na stripe anak, bagay 'yun sayo.." Kumunot ang aking noo, "Saan don, nay?"
"Yun bang nasa cabinet ko, inilagay mo 'yun don dahil ayaw mo ng dress, puwes sa ngayon, suotin mo 'yun, bagay 'yun sayo, alam ko!" Naalala ko 'yung ibinigay ni Auntie Nelya sa akin noon, oo nga pala.. Yun na lang! "Oh, sige 'nay, mas mabuti na rin 'yun, formal."
>6PM<
Nasuot ko na ang Black n' White, Stripe dress na sinabi ni Nanay kanina, bagay talaga 'yun sa akin, below the knee length 'yun at tube top, ginawa kung curly ang buhok ko at nag lagay ako ng kunteng make up, Eye liner, Blush On, Eye brow & Pink Lipstick, Yun lang..
Ang ipinares ko sa Stripe dress na 'yun ay ang black pumps na ibinili sa akin ni Inay noon, Ready na ready na ako, lumabas na ako sa aking silid dala ang regalo ko kay Besh, Simple lang ang ibibigay ko sakaniya, I just brought her a pink pumps, sakto lang 'yun sa pera ko, at tsaka branded naman 'yun, Chanel 'yun...
"Oy, anak.. Naghintay na ang tagasundo mo sa labas.. Dali!~ Dali!~" Nataranta ako dahil sa sigaw ni nanay habang itinaas taas ang kanyang kamay, "Oh sige 'nay, wait lang!" At bumaba na ako at sinalubong ang tagasundo ko, bahagyang nanlaki ang mga mata ko.. Hindi ko inaasahang si Marvin ang makikita ko rito..
BINABASA MO ANG
Because of you (On going)
RomanceSYNPOSIS: Sa mga tumatagal na mga taon, patuloy pa rin na naghihintay si Alexis kay Marvin. Pagkatapos siyang pangakoan nitong babalik ito ay patuloy parin siyang naghihintay sa lalaki, dahil para sakanya, gagawin talaga nito ang pinangako. ...