Alexis POV
Plano ko sanang bumalik sa Farm kasama si Marie kaso nalaman kung may klase pala ang bata ngayon, "Ate, Pupunta kaba roon?" Tanong sa akin ni Marie pero umiling lang ako, "Bakit?" Malungkot niyang sabi, "Diba sabi ko sayo, babalik tayong dalawa run?" Sabi ko sakanya, pero umiling siya, "Oo, pero may klase ako eh."
"Hihintayin nalang kita." Nakangiting sabi ko pero umiling lang siya, "E ano?" Tanong ko, "Ikaw nalang bumalik ron, pag nakita mo si kuya sabihin mo nalang sakanya na Hindi ako makapunta kasi may school ako, sige na ate please.. Para sa akin." Nagmamakaawang sabi niya, ayaw ko man pero ngumiti nalang ako at tumango tango.
Nuon pa man ay pinangarap na ni Marie na magkaroon ng kuya, kaya alam kung masayang masaya siya ng makilala niya 'yung estrangherong lalaki, Alam ko lang ang pangalan ng lalaki pero hindi ko pa alam ang ugali niya.
Pero sa mga mukha ng lalaki ay alam kung mabait 'yun, "Sige, ingat ka baby ha? Galingan mo sa school, okey?" Nakangiting sabi ko, tumango tango lang siya at nag form ng like sign sa mga kamay niya, "Good, Sige bye na baby!" At kumaway ako sakanya, siya din.
BUMALIK ako sa Farm na pag-aari nina Lolo Franscisco at Lola Ledia.
bubuksan ko na sana gate ng may nagbukas nun, Si Marvin.
"Uy, Alexis." Nakangiting sabi niya, "Hi Marvin." Nakangiting sabi ko, "Pasok ka." Pagpatuloy niya, ngumiti lang ako sakanya at pumasok na sa Farm, muli akong pumunta sa ilalim ng puno.
"Maladas ka ba rito?" Tanong niya sa akin, "Ha? Ah, oo.. Ikaw? Bakit ngayon lang kita nakita?" Tanong ko sakanya, "Haha, Lola ko at lolo ang may-ari nitong farm, apo nila ako. Ngayon lang ako nakabalik rito." Sabi niya, Nagulat ako sa sinabi niya, "Totoo, akala ko walang apo ang nagmamay-ari nito? Akala ko sila lang dalawa ang nakatira rito?"
gulat kung sabi, "Apo ka sa mga multo?" Nagkunwari akong natatakot kahit hindi, sa totoo lang hindi naman talaga kasi ako naniniwala sa mga multo kaya balewala sa akin 'yun, "Akala ko nawala na yang chismis na yan dito, hahaha." Sabi niya sabay tawa.
Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya, "Ibig sabihin noong bata kapa, pumupunta kana rito?" Tanong ko sakanya, nakangiti siyang tumango tango at pinalabas ang camera niya.
Sumilip ako doon at sa nakita ko ang picture ko na naka-upo sa duyan habang nakapikit ang mga mata, "Ako yan." Sabi ko sabay turo sa cam, napatingin siya sa akin at ngumiti.
"Oo, balak ko sanang picturan ang puno kaso nakita kita doon kaya kinapture ko, Kakadating ko lang kasi kahapon, then i saw a beautiful girl sitting on the swing."
Hindi man ako kukuha ng salamin ay alam kung namula ang mga pisngi ko, "You're blushing." Sabi niya sabay pisil sa mga pisngi ko, ngumiti nalang ako sakanya.Umupo ako sa bermuda grass at lumapit sakanya, "Sabi nga pala ni bunso hindi raw siya makapunta rito kasi may school siya." ani ko, kaya napalingon siya, "Hahaha, sabihin mo okey lang 'yun, at tsaka pakisabi rin sakanya na miss ko na ang cute na batang 'yun."
So totoo nga ang nasa isip ko, may crush siya kay bunso.Napalingon ako sakanya na tumatawa, "Hahahaha!"
"Bakit ka tumatawa?" Tanong ko sakanya, pero tawa parin siya ng tawa. "Wag ka ngang mag-isip ng mali jan Alex, Gusto ko lang talaga ang mga bata kagaya ng kapatid mo."
Myghosh, so rapist siya?
Pero mas lalo siyang natawa, "Wag ka ngang mag-isip isip jan ng mali, Alex, Hindi. Nacu-cutan lang talaga ako sakanila, gusto ko lang din magkaroon ng bunso."
"Binasa mo ba ang nasa isipan ko?" Tanong ko sakanya."Nabasa ko sa mga mata mo, Hahahaha!"
"MAY TRABAHO KA NA BA?" tanong ko sakanya at tumayo. "Hmm? Magplaplano pa ako." Simpleng sagot niya, "Sa ano?" Tanong ko naman, "Basta, e ikaw ba?" Tanong niya sa akin, "Balak ko pang tapusin ang pag-aaral ko ng college, balak kung mag nursing." Nakangiting sabi ko.
"Ah, ilang taon kana pala?""Twenty two pa ako, ikaw ba?" Balik kung tanong sakanya, "Twenty three." Sagot niya naman, "Ahh, akala ko 20 kapa, bukod kasi sa gwapo ka ay hindi pa mas naging mature ang gwapo mong mukha, at tsaka ang kakisigan sa katawan mo." Nagulat ako sa mga sinabi ko, bahala na, narinig na niya.
Natawa nalang siya sa sinabi ko at napatitig siya sa akin, "Your really beautiful, Alex." Sabi niya, dahil sa sinabi niya ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
CRUSH ko ba ang lalaking ito?
"Thank you, Marvin." Kinikilig kung sabi.
"Do you mind? Let's go near that place?" Sabi niya sabay turo malapit sa mansyon, Tumango tango nalang ako sakanya, pagkalapit namin duon ay nakita kung may painting materials siya.Umupo siya roon, lumapit ako at tumingin. "Wow, ang ganda!" Namanghang sabi ko, ang ganda ng painting niya, It's a beautiful simple house...
With a beautiful girl and a handsome boy kissing in the bottom of the tree, and a cute cat and a cute little girl, playing together.
"I like it, too."
--"I WILL PAINT YOU." Nagulat ako dahil sa sinabi niya, "Seryoso?" Gulat kung sabi, nakangiti siyang tumango tango, "Okey, punta ka dun, and post."
Kaya lumapit ako sa sinabi niya, dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin kung post kaya ay itinaas ko ang dalawa kung kamay.
"Good." sabi niya tsaka nag sign siya ng like.
Hanggang sa natapos siya sa ginawa niya, He's really a good painter and a good photographer too.
"Here." Sabi niya sabay bigay sa akin ang ginawa niyang painting, "No, Keep it."
"Hindi sayo na yan."
"Hindi, wag na Marvin, Sa iyo na yan." Nakangiting sabi ko.
"Okey, sabi mo eh. I will take care of this paint." Nakangiting sagot niya, at ngumiti nalang din ako sakanya.
A/N : Myghawd, Thank you so much to all readers! This is the U-D for today! <3 Mwah mwah, chupchup! Thank you all! Stay supporting! I LOVE YOU~~!!! <3
For todays Hashtag.. #Marvinpaintme
BINABASA MO ANG
Because of you (On going)
RomanceSYNPOSIS: Sa mga tumatagal na mga taon, patuloy pa rin na naghihintay si Alexis kay Marvin. Pagkatapos siyang pangakoan nitong babalik ito ay patuloy parin siyang naghihintay sa lalaki, dahil para sakanya, gagawin talaga nito ang pinangako. ...