After my class, i decided to go to Dave's condo, hindi ko hinayaang mawala 'yun sa utak ko kung saan ang lugar na 'yun, because i promised him that i will continue my promises, at mismo ang sarili ko alam ko 'yun, I deal with it, and i don't want him to leave me again..
"Besh, ang KJ mo naman! Sige na! Sama kana samin!" I glared at her and rolled my eyes, "Ayaw ko nga, besh.. Busy ako, marami akong gagawin.. Yung assingment pa sa math, yung project sa English, Sa Science and technlogy tapo---" Napatigil ako sa pagsasalita ng ipinoint ni besh ang kanyang index finger sa aking bibig, "Okay, Okay sige! Basta! Bumawi ka ah!" Tumango tango ako at itinabig ang daliri niya, "Oo na, Sige na, sige na! Umalis kana! Baka malate ka don!" Taboy ko sakanya, "Sige bye, Lab you~" Sabay halik niya sa aking pisngi, "Lab you too!" At tumalikod na siya sakin, huminga ako ng malalim at pinagmasdan siyang papalabas sa campus..
Nang makita kung makalabas na ito ay naglakad na rin ako, "ALEX!~" Napatigil ako sa paglakad at napalingon, hindi ako nagsalita at hinintay ko lang ang sasabihin niya, "Hatid na kita, Alex." Nakangiting sabi niya, "A-ah, M-marvin, Hindi.. Hindi na, may pupuntahan pa kasi ako, s-salamat nalang.." Sabi ko na nauutal, "Huh? Sige, saan ba punta mo? Ihahatid kita doon." Nakakunot noo niyang sabi habang hinuhuli ang mata ko, "Ah, Hindi.. Salamat nalang Marvin, Busy na busy talaga ako, sorry talaga, sa susunod nalang.. Bye!" At tumakbo na ako palabas ng campus at iniwan siya doon.
Pumara kaagad ako ng Taxi.. "Saan Ijah?" Tanong ng taxi driver, "Sa ano manong Sa Peace Valley po." Sabi ko kay manong taxi driver, "Okay, Ijah." Nakalipas ang ilang minuto ay tumigil ito sa harap ng condominium, iniabot ko ang pamasahe ko kay manong, "Sukli mo ijah." Sabay bigay ni manong sa akin ang sukli, ngumiti ako.. "Salamat po." At tuluyan na akong lumabas sa taxi, pumasok ako sa elevator, hindi ko na pinansin kung sino ang lalaking nasa tabi ko ngayon, ang iniisip ko ay kung busy ba kaya si Dave? Busy kaya siya?
Oo nga pala, titigil ako sa number 13th.. Kaya inilapit ko ang hintuturo ko para pindutin ang number, nanlaki ang mga mata ko nang madatanang nagbunggo ang mga kamay namin, na pareho kami ng floor ang pupuntahan, napalingon ako sa lalaki sa tabi ko, mas nanlaki ang mga mata ko nang malaman kung si Dave 'yun..
"DAVE!?" Sigaw ko sa gulat, ang guwapo niya lang sa kanyang isinuot ngayon.. Sobrang bagay sakanya, he's wearing a blue long sleeves na nakatupi hanggang sa siko at naka-white pedals siya, at sa shoes naman niya ay may malaking check ito sa gilid, Nike kumbaga.
"Don't look at me like that.." Saway niya, naikurap ko ang mga mata ko, puwede ba 'yun? "Bakit ba? Hindi ba kita puwedeng titigan?" Mala asong sabi ko at nag pout ako..
BINABASA MO ANG
Because of you (On going)
RomantikSYNPOSIS: Sa mga tumatagal na mga taon, patuloy pa rin na naghihintay si Alexis kay Marvin. Pagkatapos siyang pangakoan nitong babalik ito ay patuloy parin siyang naghihintay sa lalaki, dahil para sakanya, gagawin talaga nito ang pinangako. ...