SIMULA

3.2K 52 27
                                    

Simula

Nandito ako ngayon nagtatago malapit sa tambayan nila na habang nagiinuman sila ng mga kaibigan niyang mga tambay rin.

Alas diyes na ng gabi kaya tulog na sila mama at papa. Si Kuya naman ay nandirito kasama ang mga kaibigan niya. Nasa likod ako ng isang puno at magtatago habang sinusulyapan ko ang lalaking matagal ko ng gusto, Si Basty.

Napansin kong lasing na sila dahil kanina pang alas siyete nagsimula ang inuman nila dito malapit sa labas ng mansyon namin.

Matagal ko na siyang gusto mula nung magkaibigan pa kami, Pero nalaman kong binantaan ni Kuya ang mga tropa niya na wag akong papakielamanan. Kaya kahit gusto kong ipaglaban ay hindi ko magawa.

"O eto! Kumain kanalang ng dingdong! Nang mahimik yang lecheng bibig mo." Sabay bato ni Basty ang tatlong dingdong sa kaibigan niyang si Mike.

"Cheap mo! Anong gagawin ko dito sa dingdong mo!" Sabay bato pabalik ang tatlong dingdong.

Kinuha naman ni Basty ang tatlong dingdong at tsaka binato ulit sakanya "Sawsaw mo sa kape! Gawin mong tinapay!"

Nagtawanan ang lahat kaya napailing nalang itong si Mike. "Akina nga! Si Jeydon kasi ang yaman yaman ayaw magpa pulutan ng lechon!"

Napailing nalang si Kuya Jeydon ko habang nagsasalin ng alak sa baso at ininom ito ng isang lagukan. "Anim na sisig at isang case ng beer ang contribution ko dito mike no! Dunggulin ko muka mo jan. Pa lechon lechon kapang nalalaman!"

"Oo nga naman mike!" Mga nagsipagsang ayunan ang mga tropa nito.

"Mga g*go! Wala rin naman kayong kontribusyon! Kapag may inuman ako lagi ang may sagot. Yelo na nga lang bibilin niyo. Umaatras pa bulsa niyo." Sambit ni Kuya sakanila.

Nilabas ni Basty ang wallet niya at tumayo. "G*go ka, Kapag hindi mo uubusin yung yelong bibilin ko papalunok ko sayo lahat yon." Sabay alis.

Ang tindahan ay madadaanan muna ang punong pinagtataguan ko kaya makikita niya ako dito. Kaya pasimple ko siyang inunahan sa tindahan.

"Aling Marie, pabili po ako nito." Sabay turo duon sa kulay pink na tig pipiso.

"Hija, Gabi na ha. Bakit nasa labas kapa. Hindi kaba mapapagalitan ng Mama At papa mo?" Tanong niyo habang kinukuha ang chichirya.

"Hindi po, Lima po niyan." Sabi ko habang nakatitig duon sa plastik na pinagdudukutan ni aling marie.

"Paborito mo talaga itong Strawberry Sandwich Puffs no." Nakangiting sabi nito habang sinupot ang lima at iniabot saakin.

Naramdaman ko naman na may tao sa tabi ko at sa amoy palang ay alam ko nang si Basty iyon.

"Tsk. Pambata" bulong nito sa sarili pero narinig ko iyon.

"Sebastian!" Saway ni Aling Marie sakanya.

Umiling iling lang ito at tinapunan ako ng tingin."Bat gising kapa?" malamig na tanong nito.

Yumuko ako at kinuha ang plastik ng mga binili ko. "Gusto ko kasi kumain nito." Nahihiyang sabi ko.

"Tss. Umuwi kana, Ihahatid na kita sainyo."

Nanlaki ang mga mata ko at napatingin ako kay aling marie na umiiling iling. "Basty, Wag kang gagawa ng kalokohan at malilintikan ka talaga." bilin pa nito kay basty.

Plastik na natawa si basty habang umiling "Ede napatay ako ni Jeydon."
Bumaling siya sa akin at kumunot ang noo niya "Halika na."

"Uh.. W-wag na. Kaya ko naman umuwi." I reasoned out.

Hindi Sana ( #1 Grandenas Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon