Kabanata 53
I woke up without him on my side. Natatakot ako dahil baka hanap hanapin ko yung pag gising ko sa umaga na kayakap siya.
Lumandas ang luha ko habang hinahaplos ang bakanteng espasyo sa tabi ko. Kung dati ay ang katawan niya ang nahahaplos ko ngagon ay isang manipis at puting bed sheet nalang ngayon.
Tumingin ako sa orasan. It's only 4 am in the morning. I wonder what time he wakes up. Basta sabi niya lang ay madaling araw ang flight niya.
Hindi pa ako nag totooth brush o naghihilamos ng nagmamadali akong bumaba. Hoping that he's still here. Bumuhos ang luha ko habang tinatahak ko pababa ang hagdanan.
Halos nabuhay ang dugo ko ng makita ko ang dalawang maleta malapit sa pintuan. Hindi pa siya na kakaalis! Nakita ko siya malapit sa sala habang kinakausap ang umiiyak na si Nancy at Manang. Tango sila ng tango habang nagpupunas sila ng luha.
"Manang, Nancy, Kayo na po bahala. Ipapadala ko nalang po sa account niyo yung sweldo niyo para hindi na po mamroblema si Zam. Aalis na po ako, Pakainin niyo po ng breakfast kaagad si Zam kapag nagising na. Hindi ko na po ginising dahil baka maawa lang ako at hindi pako matuloy, at -"
Hindi ko maiwasang humikbi. Kaya naman naagaw ko ang atensyon nila. Pulang pula ang mata ni Peter, Para bang kanina pa siya nagpipigil ng luha.
Hindi pako nakakababa ng tuluyan. Mga anim na hakbang pa bago ko malapat ang aking paa sa sahig. Nang tumingin siya saakin ay ngumuso siya at namewang.
Nagpunas ako ng luha.
"Diba sabi ko sayo wag ka gigising ng maaga?" Masungit nitong sabi.
Hindi ako sumagot. Para lang akong bata na umiiyak at hindi gumagalaw dito habang pinapanuod ko siyang sermonan ako.
Tinaas niya ang kamay niya at sinenyasan akong lumapit sakanya. I stiffened. Kaya siya nalang ang humakbang papalapit saakin. Bawat hakbang na tinatahak niya ay parang nahuhulog ang bawat piraso ng puso ko sa sahig.
Nagpunas ako ng luha at tinignan siya sa mata. Ang mga namumuong luha sa kanyang mata. Kinulong niya ang pisngi ko gamit ang dalawang maiinit niyang palad. Hinalikan niya ako ng sobrang diin at sobrang tagal sa noo, then he showered my face with light kisses after.
"Promise me, You'll gonna be good girl okay? Wag ka ng magsusungit sa taong susunod na makakatadhana mo. Wag mong sisigawan okay? Kasi hindi naman nila ko katulad na kapag inaway at sinigawan mo ay hindi ka papatulan. I'm worried for you, Kaya wag mokong pag alalahanin duon." Marahan niyang sabi habang nakakulong ang pisngi ko sa palad niya.
Tumango ako kahit na tumutulo ang luha ko.
He smiled weakly. "Are you going to miss me?"
Humagolgol nanaman ako at tumango. Ngumiti siya at hinalikan nanaman ako sa noo.
"Me too." bulong niya.
Lahat lahat ay mamimiss ko sakanya. I'm going to miss every piece of him. Mamimiss ko yung pagtatalak niya sa sasakyan habang bumabyahe kami. Mamimiss ko yung pag aalaga sakanya kapag lasing siya kasi inaway ko. Mamimiss ko yung pagsusuklay at pag boblower niya sa buhok ko tuwing umaga bago siya pumasok.
Mamimiss ko yung pamimilit niya saakin na kumain sa tamang oras. Mamimiss ko yung luto niya. Mamimiss ko yung katawan niya na lagi kong yakap pagkagising sa umaga. Mamimiss ko yung bango ng hininga niya kahit sa umaga, babatiin ako ng 'Goodmorning, baby'. Mamimiss ko yung mga masasamang nangyari saamin. Mamimiss ko yung paghagod ng buhok niya bago at pagkatapos matulog.
Yung papatulugin niya ko gamit ang matatamis na salita. Yung magigising ako dahil sa pagtatalak niya ng kung ano anong sweet words o kwento niya kahit walang kasiguraduhang nakikinig ako ay nagkwekwento parin siya. Yung movie marathon namin kada may free time ako.
BINABASA MO ANG
Hindi Sana ( #1 Grandenas Trilogy)
RomanceHindi sana, Hindi sana ganito ang buhay ko kung hindi ako nagdesisyon. Kung hindi sana ako naging duwag, kung hindi sana ako natakot. Hindi sana ganito. But it was my choice anyway, Hindi ko pagsisisihan na dahil sa desisyon ko ay naligtas ko ang b...