Kabanata 52.1

335 15 3
                                    

Kabanata 52.1

Halos tawagin ko amg lahat ng diyos diyosan at ang mga santo na lamunin nalang ako ng lupa ngayon. Iniwan niya akong umiiyak sa tapat na sunog niyang niluluto. Nanghihina akong patayin amg stove. Pakiramdam ko ay mababagsak ako dahil sa panlalambot ng aking tuhod.

Sumulyap ako sa lamesang handang handa ng pagkaing puro paborito ko. May malaki at magandang bouquet din ito ng Dilaw na rosas. Walang tigil na tumulo amg luha ko.

Bat hindi ko to napansin kanina? Bat hindi ko to alam? Bat ganito? Masyado akong nagpakabulag sa galit ko. Hindi ko man lang napansin ang effort na ginagawa ng asawa ko. Siya? Siya yung nagluto ng masasarap na pagkain din nuon nung unang araw ko sa CC?

Halos lamunin nako mg luha ko kada naalala ko ang muka niya kanina pagkatapos ko siyang sampalin at barahin. Yung muka niyang sobrang lungkot na daig pa ang nalugi. And that tear? Bakit ba ang sakit sakit sakin kapag nakikita ko siyang umiyak? Is it because boys cry often than girls do? Kaya mas lalo nating tinetreasure ang luha nila?

Amd that fucking two words.

Happy Anniversary.

It's February Fourteen. Valentines day. Paano ko nakalimutan iyon? Paano ko nagawang hindi maalala iyon? Dahil ba sobrang preoccupied na ng galit ang isip at puso ko?

Nakakainis. Sobra akong naiinis. 

"M-ma'am, O-okay lang po ba kayo?"

Tumingin ako nancy. Nagpunas ako ng luha at umiling. Bakit ba kapag tinatanong ako kung okay lang ba ako ay mas lalo akong naluluha? Bakit parang mas lalong sumasakit?

Is it because, It's too obvious para itanong pa yun? Umiiyak ako, Nasasaktan ako. Pero bakit sa simpleng pagtanong lang kung okay lang ba ako ay mas gumuguho ang loob ko? Bakit masakit? Bakit ako nasasaktan? Hindi naman ako ganito dati.

I've been always angry. Wala akong pakielam sa paligid ko. But now? What happen? Parang unti unti ako nauubos. Para akong kandilang nalulusaw.

Sumulyap ako sa letter na binigay ng Choi Corps. Mas lalo lang akong naiyak.

Hondi ko alam kung paano ko nakarating sa rooftop. Hindi ko alam kung paano kinaya ng mga buto ko sa tuhod na humakbang at nakapanik pa. Basta alam ko lang ay nasa rooftop nako ngayon at hinihipan ng malakas na hangin ang mukha ko at tinatangay ang buhok ko.

Hindi ko rin alam kung gaano ko katagal nanatili ruon. Wala akong maramdaman. Hindi ako nagugutom. Hindi ako nauuhaw. Hindi na rin ako nasasaktan. Hindi ko alam.

Ang alam ko lang, Nakatitig ako sa malayo. Sa Dulo ng Tahiban kung nasaan nakatayo ang Hotel namin na Nakailaw. Gabi na. Yun ang alam ko. Pero oras? Hindi ko alam. Wala akong planong tignan.

Yung phone ko, Kanina pa tunog ng tunog. Hindi ko alam kung sino tumatawag at nagtetext.

Sila Nancy at Manang, Pinanik na rin ako dito para yayain ako kumain. Paano? Paano ko kakain? Ang kapal naman ng muka ko. Para kainin ang niluto ni Peter para sa Anniversary naming, away at sampal amg niregalo ko.

Last year, Nakalimutan ko rin. Pero hindi ko nalang pinahalata. Nasigawan ko rin siya nun. Pero nag sorry naman ako kaya ayun, Natuloy kami sa plano niyang 'date'.

At ngayon? Sigaw, Sampal, hampas, ang ibinigay ko sakanya. Imbis na matamis na ngiti ay Luha ang nadulot. Imbis na yakap at halik ay sampal at hampas ang natamo. Imbis na mastamis na salita ang sabihin ko ay puro pasigaw na panlalait at pagtataboy ang ginawa ko.

Masama ba ko? Oo. Sobrang sama ko. Hindi ko kasi kaya e. Hindi ko kasi kayang kalimutan. Akala ko okay na kami. Pero bat ganito? Kada nalang nag aaway kami ay bumabalik sakin lahat?

Hindi Sana ( #1 Grandenas Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon