Kabanata 35

397 14 3
                                    

Kabanata 35

Dalawang araw nalang, And it's already my must-wedding-day. Hindi ko alam kung sisipot ako o ano. I can't picture my life with peter. But i also can't imagine that i'll staying on these house with my ghost parents.

Naiinis ako. Why can't i just love peter? Para matapos na. Pero naisip ko, kahit anong pilit ko sa sarili ko. Hindi ko matuturuan ang puso kong magmahal. When you love someone, titibok nalang yan at hihinto sa pag function ang utak mo. Kaya maring tanga sa mundo e.

Wala paron kaming komunikasyon nina Mama At Papa. Mama was always frustrated. Nasugod nanaman siya sa ospital. Pero hindi ko na dinaluhan. I'm too busy. Yes. Busy. Busy in thinking of ways how to love peter. Wala rin ako sa mood. Hindi naman ako kailangan duon e.

Anong minumukmok ko dito? Marame. Pero mostly, Sana tinuoad nalang ni peter ang sinabi ko. We can just date at first, we can try each other. Kapag mag click, then we'll get married right away kung yun talaga ang gusto niya. Pero hindi siya nakinig saakin.

Hays. Hindi ko na alam. I don't want to stay here anymore. Gusto ko nang lumayas. But i know i can't. Punyeta naman!

"O anong iniisip mo? Btw, nasabi kona ba sayo? Nakabili nako ng ticket." Sabi ni Jane habang sinasawsaw ang fries sa saulted cream.

Nag angat ako mg tingin sakanya. "Wala, O kelan flight mo? Makakaattend ka ba sa 14?" tanong ko.

Tinaasan niya lang ako ng kilay. "Aba, Baket? Itutuloy mo na ang kasal?"

Napaisip ako bigla. Nanahimik ako ruon ah. Hindi ko yon naisip kaagad. Nagkibit balikat ako. "Ewan, bahala na. So ano? Kelan nga? Isama mo nalang kaya ako?"

Binatukan niya ko. Inirapan ko siya. "Loka loka, Nandito buhay mo sa pilipinas. Anong gaswin mo dun? Magpapahirap ha? Lokaret! Sa 14 alis ko."

Kumunot ang noo ko. "14? Bakit 14?"

"E yun ang available e. Wag ka mag alala, 6pm pa naman. E 3pm pa naman yung inyo. Paki sabi nalang dun sa pari na bilisan, Kapag di niya binilisan ay hindi nako makakapunta sa reception. Sorry ah?Alam mo namang para sa baby ko to e."

Tumango ako. "Okay lang no, Hindi pa naman ako sure don." malamig kong sabi habang tulala sa kinakain niya.

Nasa loob kasi kami ng kwarto ko, Ayoko sa baba. Nandun kami kanina e, Kaso nandun sina Papa. Kaya nag yaya ako sa taas nalang kumain ng meryenda.

Humiga nalang ako sa kama at inilapat ang katawan ko duon. Kawalang gana kumain yung mga topic namin dito hays.

"Tangna mo ka, ang arte mo ha. Ako nga nag hahanap ako ng kevin na magpapakasal sakin e. O kaya good samaritan na papakasalan ako kapag inayawan parin ako ni kevs! Haha. Laway na laway nako magpakasal at matali sa kung sino. Ayoko sa bahay no, Ayokong lumaki ang anak ko na puno ng galit at paninisi sa kapaligiran niya." giit pa nito.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi ako maarte no, Pinagiisipan ko lang ng mabuti."

"Jusko friend! Tinutulungan na nga kitang mag isip o, Tsaka sa haba haba ng sinabi ko yun lang ang pinagtuunan mo ng pansin!? Kaloka ka!" sabi nito at maarteng itinaboy ang hanggang balikat niyang buhok.

"Pero ako ha, alam mo namang si totoo ako. Pakasalan mo na si Peter, Mahal ka nanaman niya e. Hindi kanaman pagbubuhatan ng kamay nun o sasaktan. Baliw na baliw nga sayo e. Masusurvive pa yan, Makakaraos kapa jan. Two years lang naman e.. Pinangako naman sayo ng papa mo na mag fifile ka ng divorce diba? Siguro naman sa loob ng two years humupa na ang galit mo at marami nang nagbago. Tsk, Magisip ka nga." sermon pa nito saakin.

Umirap nalang ako at tumitig sa kisame. "Bat di mo nalang kasi ako isama sa Japan. Kainis naman to e." Pagmamaktol ko.

"Hoy babaita, Kung makapgsalita ka jan parang napakapulubi mo ha. Kayang kaya mo namang bumili ng sampung plane ticket no. Hindi naman kita pinagbabawalan, Ang sakin lang, Nandito buhay mo, May lalaking naghihintay sayo sa harap ng altar, May pamilyang nag aabang sayo, Nandito kuya mo. Tapos tatakasan mo lang silang lahat? Ewan ko sayo. Baliw kana." Umiling pa ito.

Hindi Sana ( #1 Grandenas Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon