Kabanata 50

319 11 1
                                    

Kabanata 50

Pinagpaliban ko nalang ang sinabi ni Luke. Mag babandang alas kwatro na ako nakauwi dahil traffic. Ginutom pako sa byahe, pero okay lang! May trabaho naman nako bukas. I'm hired!

"O ba't ang aga mo yata?" Tumingin ako sa orasan bago kay Peter.

Pinagmasdan ko lang ang galit niyang muka habang naka dekwatro sa one seater. Yung siko niya naman ay nakapatong sa gilid ng tuhod niya. Magkasiklop ang mga daliri niya habang nakapatong ang baba niya duon na para bang ang lalim lalim ng iniisip.

"Where have you been?" Malamig na tanong niya.

Bored kong ibinaba ang shoulder bag ko. Nagkibit ako ng balikat. "Jan lang, Ikaw? Saan ka galing?"

Nagiwas siya ng tingin. "Jan lang din. Hey, Iniiba mo usapan."

Tinignan ko siya ng matalim. Kumunot ang noo ko. "What's your problem, Peter?"

"I have no problem, But i have a problem with you." Matigas niyang sabi.

I tsked. Nagtaas ako ng kilay. "Ano nanaman? Muka ba kong nanlalalake? Baka ikaw." Galit kong utas.

Napa angat kaagad siya ng tingin. "NO! I'M NOT!" Sigaw niya.

Tumawa ako. "Defensive eh? Bahala ka na jan, Mambabae ka kung kailan mo gusto. Like i said, I don't fucking care, Peter. And don't dare to tell me that I'm jealous. Dahil inuunahan na kita, Masasaktan ka lang pag nag assume ka."

Inirapan ko siya bago ako umalis patungong kwarto. Damn! Ang saya saya ko dahil may trabaho nako. Tapos away ang bubungad sakin pag uwi !? Hell! Naalala ko yung sinabi ni luke.

Pinilig ko ang ulo ko para makalimutan iyon. Lahat lahat. Kung pwede magka amnesia e.

Sa sobrang inis ko, nakatulog ako ng maaga. Nagising nalang ako dahil ginutom ako. Hindi pa naman ako kumain kanina. Kainis naman o!

Buti nalang at gising pa si Nancy. Nautusan ko pa siyang ipagluto ako kahit fried chicken lang. Hindi ko na kasi kakayanin sa sobrang gutom ko kapag naghintay pa ko sa masarap na pagkain.

Nakapalumbaba lang ako sa lamesa habang pinapanuod si nancy magluto ng marinated chicken.

"Nancy." Wala sa sarili kong tawag sakanya.

"Po ma'am?"

Sumulyap ako sakanya. "Kayo naba ni dante?"

Wala lang, Nakakabagot kapag walang kausap. Kaya heto ako, nagiimbento ng topic.

Nakita kong pumula ang pisngi niya. "M-ma'am kasi po e.."

"Okay lang, alam ko na, sige, kayo na." Ako na mismo ang sumagot sa tanong ko.

Yumuko siya at nakita kong pulang pula ang muka niya habang nagsasalin ng lutong manok sa plato.

Kumain lang ako ng tahimik. Habang si Nancy ay nakatayo lang sa gilid ko. Sinulyapan ko siya at tipid na ngumiti.

"Upo ka."

Umupo siya sa harapan ko. Sinusulyapan ko siya bawat subo ko.  Paeang natatae o ano.

"May gusto kabang sabihin?" Tumango siya. "Ano yon? Tungkol saan?"

"Tungkol po sana sa Zampet-"

Haloa mabilaukan ako sa sinabi ni Nancy, Kumuha kaagad ako ng tubig para inumin iyon. Lalapit na sana si nancy pero sinenyasan kong wag na kaya hindi na rin siya lumapit.

Did i hear it right!? Goodness!!

"T-tungkol saan? A-anong sabi mo?"

Kinagat niya ang kanyang labi at umiling. Kinunutan ko ng noo habang nakasimangot. Tinanong ko siya uli.

"E-eh kasi po ma'am..Napapansin ko po si Sir, lagi po siyang wala sa bahay. Tapos kayo din po. Alis po ng alis. E diba po tapos na yung klase ni Sir? Tas kanina po, Sorry ah? Narinig ko po kayong nagaaway."

Nagkibit balikat nalang ako. "Baka nagpupunta sa babae niya? I don't know. Try to ask him, baka sagutin ka niya."

Susubo na sana ako pero nakita ko ang pagkalaglag ng panga niya. Kunot nanaman ang noo ko. "Ano nanaman ba?"

Lumunok siya. "O-okay lang po sainyong mambabae si Sir?"

Nagtaas ako ng kilay dahil nagtataka ko sa mga tanong ni nancy. "Oo naman, bakit?"

Halos mamutla ako ng makita ko ang luhang namumuo sa mata niya. Pinunasan niya agad iyon bago pa tumulo. Ugh, this is weird.

"Ma'am, Kahit ano pong mangyare. Wag po kayong papayag! Sainyo lang po si Sir! Ikaw lang po ang may karapatang humawak sakanya. Ikaw lang po dapat ang mahal ni Sir! Hindi kung sino sinong pokpok diyan. Jusko Ma'am! Mamamatay na yata ako kapag nawasak ang zampet love team!" Humagulgol na siya.

Halos wala ako sa sarili. Tinignan ko lang siyamg umiiyak. Fuck, Ano ba to? Zampet? Ano bang kalokohan to? Ang tagal tagal na nung zampet at zamba na yun ah.

"Gusto niya yon, nancy. Wala akong magagawa sa gusto niya. Do what he wants, then i'll do what i want too. Open marriage kami kaya okay lang. Hangga't maaga, bitawan mo na yang zampet mo. Maghihiwalay narin kami pagkatapos ng ilang buwan." Giit ko.

Mas lalo siyang humagulgol. Naiinis nako ha! Napailing nalang ako. Tumayo nako dahil nakakain na rin naman ako. Iinom nalang sana ako ng tubig ng bigla akong natigilan.

"Hindi parin pa ba ako sapat? Makikipag hiwalay ka parin, zam?"

Napalingon ako kay peter. Humugot ako ng malalim na hininga bago ako humakbang papalapit sakanya. I tapped his chest two times.

"Let's sleep, Pagod ako. Wag mo kong umpisahan."

Tama na drama. Nakakasawa. Nakakapagod. Akala ko tapos nq tong issue na to. We're friends now. Nakalimutan na namin iyong nakaraan. Ano bang gusto niya? Gusto niya bang bumalik sa nakaraan? Yung paulit ulit ko nanaman siyang sasaktan, sisigawan, at ipagtatabuyan?

Kasi ako, ayoko na! Nagsasawa nako. Napapagod na ko. Nasasaktan nako. I'm starting to stand up again. At hindi nako magpapahila pababa. I will be strong for these months lefts.

Humiga na ako sa kama namin, Oo, Kahit na anong galit o inis namin sa isa't isa dito parin kami natutulog. That's the only way i can give. Wala ng iba pa kundi ang pagkakaibigan at eto.

"Zamora." Tawag ni Peter nang makahiga na kami.

"Hmmm?" Tamad kong ungol.

"I want a baby, Let's make a baby."

Halos malaglag ako sa kama sa sinabi niya. Ano!? Baby? Bat hindi siya humingi ng baby sa babae niya?!

Inalis ko ang kamay niyang nakapalupot saaking tiyan. "Ayoko, Peter. Ayoko."

Narinig ko ang malalim niyang paghinga. Hinalikan niya ang hubad kong balikat dahil naka strapped na sando lang ako. Damn! Goosebumps.

Inis akong umusog at nagkumot. "Peter, maaga pa pasok ko bukas. Kaya please? Patulugin mo nako kung ayaw mong mapaaga ang paghihiwalay natin. Matulog kana." sabi ko habang nakapikit na ang mata ko, ready nang matulog.

Ilang saglit ay pinakiramdaman ko muna ang paligid. Tahimik na. Baka tulog na si Peter. Hay, Buti naman-..

Halos magulantang ang patulog kong iaipan ng bigla akong maramdaman ang malambot at basa niyang labi sa pisngi ko. Konting galaw ko lang ay mahahalikan ko na siya sa labi sa sobrang lapit namin.

I can almost hear his hard breathings. I can feel his hot breaths on my cheek when he whisphered...

"I'm sorry, Mahal na mahal lang kita kaya ginagawa ko to. I'm still waiting for that one day na mamahalin mo ako, And I'm still hoping for that one day too na hindi moko iiwanan katulad ng ginawa ng mommy ko. Goodnight, zamora. Sleep well. See you in my dreams, I love you so damn much."

SHIT!

Hindi Sana ( #1 Grandenas Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon