Kabanata 5
Mag aalas singko na nang matapos kami kumain at magsasayaw. Hindi na kami umorder ng panibago dahil marami namang natirang pagkain kanina kaya ininit nalang ito.
"Ano guys? Uwi na tayo?" Tanong ni Potrocio habang sumusulyap sa relos niya.
"Ano oras na ba?" Tanong ni Rick.
"5:14 na, Pinapapunta ako ng secretary ni Dad sa resort e." Sagot niya.
Tumango kaming lahat at nagpasya nang umalis. Tutulong sana kami sa pagliligpit pero tumanggi si Jane at mga kasambahay nalang daw nito ang maglilinis.
"Next time dun naman kayo sa bahay." Sabi ko bago ako sumakay sa sasakyan ko.
"Nako hindi na zam, nakakahiya sa parents mo." sagot ni kevin.
"Hindi yun! Text ko nalamg kayo ni jane kapag may plano." Tumango nalang ito at ngumiti. "Sige na, Una na kami. Salamat sa inyo!" paalam ko.
"May dala bang sasakyan sila Rick?" Tanong ni jane.
Napalingon nalang ako sakanila na nakatayo na sa labas ng gate. Nagkibit balikat ako. "Siguro."
"Sige, Ingat ka zam! Text moko kapag nakauwi kana." Winagayway ni jane ang kamay niya ng sinumulan ko nang paandarin amg sasakyan ko.
Pinotpotan ko sila nang makalabas na ako ng gate. Nakita ko sila basty na nasa labas parin at parang may hinihintay. Huminto ako sa harap nila at binuksan ang bintana.
"May hinihintay kayo?" Tanong ko sakanila.
"Kuya mo naghihintay ng taxi, Parang timang." Sagot ni basty nang binatukan siya ni kuya.
"H-huh? Taxi? Walang taxi dito kuya. Saan ba kayo pupunta? Hatid ko na kayo."
Narinig kong nagusap usal sila at tsaka sumakay na. Mas maluwag ngayon dahil wala si mike. Si kuya ang nasa frontseat at yung tatlo ay nasa likod.
Sumulyap kaaad ako sakanya bago pinaandar ulit ang sedan."Kuya? Saan ka pupunta? Nagpaalam kana ba kay Papa?"
"Uuwi na."
"Eh bat di mo sakin sinabi?"
"Akala ko may pupuntahan kapa e." Sabi nito nang tumungin siya saakin.
Pagkatapos namin mag-usap ay biglang tumawag si mike. As usual, pinagusapan nila yung sayawan at kwentuhan kanina. Tawang tawa sila kay rick at kevin nung sumayaw sila. Kaya daw pala hindi sumasayaw si kevin kanina ay waley magsayaw. Ang tigas daw ng buto.
Tapos kung ano ano pa amg sinumbong nila kay mike. Napapamgiti nalang ako habang nagdadrive, Ayoko rin naman makisali dahil hindi ko naman kaibigan yung mga yon. Pero baka kalaunan ay pwede rin naman, I seem comfortable with them naman.
Hindi ko na namalayan na nakapasok na nasa grandenas na kami at malapit na kami sa bahay.
"Pot, Ikaw muna unahin ko ah." Sabi ko nang iliko ko ang sasakyan.
Hininto ko na ang sasakyan at agad mong makikita ang kulay gray na gate. Hindi pa kasi ako nakakapunta rito pero alam ko kung saan dahil sinabi saakin ni Pot kanina na dapat na iuuwi ko soya sakanila.
Kulay gray ang gate nito, Hindi siya sobrang taas. Kita mo parin naman ang mansyon sa loob. Cream ang kulay nito na may haplos ng orange at black. Siguro ay tatlong palapag ito, May malaki silang garden sa labas na may fountain view at mga marbles.
"Thank you, Zam." Sabi nito bago buksan ang pintuan ng kotse.
Tumango ako. "Nag enjoy kaba? Sorry kung nahila pa kita ah."
"Nako, I enjoyed so much. Thank you, Pasok nako ha? Ingat kayo bro! Zam."sabay pasok sa loob.
Tumingin ako sa likod at nahagip ng mga mata ko si basty na walang ekspresyon ang mukha.
"Saan kayo? Tambayan?" Ipinagsabahala ko nalang ang ekspresyon ni basty.
"Hindi zam, Maliligo pako e. Lot 18 lang ako. " Sabi ni Rick.
Tumango ako. Saan kaya si basty?
Malapit lang naman ang lot 18. Lot 25&26 kasi ang sakop namin.
Binaba ko na si rick sa lot 18. Siguro ay bahay nila to. Bungalow house ito pero maayos at decente. Wala rin naman akong alam masyado tungkol sa pamilya ni rick."Salamat zam." Sabi nito bago bumaba.
Napansin kong may lumabas na isang batang lalaki na kulot ang buhok, kamuka niya si Zion yung anak nila Sarah Labati. Niyakap niya si rick at binuhat naman ito ni rick papasok.
"Kapatid niya?" Tanong ko kay kuya.
"Oo, Si Quielle."
Quielle? Ang cute naman.
Tumingala ako at sinilip si basty sa salamin"Basty? San kita ihahatid?"
"Baba nalang ako dito, Lakarin ko nalang." Kaswal na sabi nito.
Kumunot ang noo ko at tinignan si kuya. "Brad, Wag na. Okay lang." Sabi nito.
Tinignan ko sila pareho at nagtaas ako ng kilay kay kuya habang inaantay ang sagot.
"Hindi kami dito sa village."
Nagulat ako pero hindi ko nalang ipinahalata. "Ah okay, Saan?"
"Sa labas pa ko e, Sa Bagong Bayan."
Tumango nalang ako kahit nagulat akong hindi siya dito nakatira. Sakop parin naman ang grandenas ang bagong bayan yun ngalang ay sa labas pa ito ng village.
Pinaandar ko na ang sasakyan at hininto muna sa bahay namin. Bubuksan na sana ni Manong Greg kaso pinigilan ko.
"Hindi na manong! Bababa lang po si kuya." Tumango ito at sinarado na ulit ang gate.
"Kuya ako na maghahatid kay basty."
"Hindi na zam!" Pigil sakin ni basty pero wala na siyang nagawa ng lumabas na si kuya sa kotse.
"Ingat." sabay tapik sa sasakyan. Tumango nalang ako at umalis na.
"Dun ba kayo malapit sa barbeque-han?" I asked habang nag mamane obra dahil iikot pa kami.
"Hindi. Sa Chika's apartment." Sabi niya.
Bago mag barbeque-han? Dun pala siya nakatira. Madalas kong daanan ito kapag nagpupunta kami sa clearing. Kaya pala minsan ay may nakikita akong iilang damit niya na kaparehas na nakasampay. Sakanya pala iyon.
"Okay, Traffic pa yata." sabi ko habang naglalaro ang daliri ko sa manubela.
Nagpatugtog nalang ako at nag play ang kantang 'crazier' by taylor swift.
Ineenjoy ko lang kanta, Minsan ay sinasabayan ko pa ito.Nang matapos ang kanta ay medyo umusad na kami pero medyo malayo pa. Sumunod na nagplay ay 'All i wanted' ni Joseph Vincent.
Ang sarap sa feeling, Yung traffic tapos sobrang tahimik. Tapos tutugtog yung mga calm music na pag pinakinggan mo ay tatagos sa buto mo.
Napahinto nalang ako sa paghuni ng biglang may nagsalita sa likod ko. Oh damn! Nandito pala si basty!
BINABASA MO ANG
Hindi Sana ( #1 Grandenas Trilogy)
RomanceHindi sana, Hindi sana ganito ang buhay ko kung hindi ako nagdesisyon. Kung hindi sana ako naging duwag, kung hindi sana ako natakot. Hindi sana ganito. But it was my choice anyway, Hindi ko pagsisisihan na dahil sa desisyon ko ay naligtas ko ang b...