Kabanata 17
Nang makabalik si Jolina ay tulog ako, pakiwari ko kasi napaka bigat ng mata ko at lagi akong pagod. Gumising nalang ako at kinain nung dala dala niya.
"Ma'am, kain po ang kainin niyo, wag po yang mash potato. Mamaya na po yan." Sabi pa nito.
Umiling ako at kumirot nanaman ang ulo ko. Hindi kasi ako masyadong kumakain ng kanin sa bahay. Dalawang subo lang ng kanin at tama na. Ayoko nun, nakakataba.
Kaya ginawa ko nalang kanin ang mashed potatoes. Nagustuhan ko yung chicken at burger steak nila. Pero yung lumpia at mga iba pa ay hindi ko nagustuhan. Kaya siya nalang din ang kumain.
Sinilip ko ang orasan matapos akong kumain. Mag aala una na pala ng hapon. Uminom narin ako ng gamot at chineck na rin ako ng doctor. Hanggang ngayon ay wala pa si sebastian.
Oo, sebastian na. Hindi na basty. Ayoko kasi na parang close kami. Hindi ngq kami nagkakausap ng maayos e. Isang beses lang, nung hinatid ko siya jung sinabi niyang bibili siya ng barbeque. Nagsinungaling pa. Bibili daw, e siya naman pala may ari nung diner na yun.
"Ma'am, ano pong gusto niyong gawin? Gusto niyo po makinig ng music? O manuod ng tv? O gusto niyo na pong magpahinga?" Tanong saakin ni Jolina habang naglilinis ng kwarto.
"Okay lang ako, uhm. Siguro makikinig nalang ako ng music. Paki kuha naman yung phone ko sa sling bag o, Salamat." Mabait na pakiusap ko.
Pakiramdam ko kasi ang gaan gaan ng loob ko dito sa jolina na to. Siguro dahil lagi siyang masiyahin. Tapos mataba pa. Ang cute. Nakakatuwa. She looks so happy fragile. So sensitive. Na para bang pag tinarayan mo siya ay mawawala na yung mga matatamis na ngiti sa labi niya.
I don't want to be rude. Wala naman ako sa hotel, at hindi naman namin siya trabahador. She doesn't need to be treated professionally. Ayoko soyang sungitan.
Inabot niya saakin ang phone ko nang nakangiti. Ngumiti rin ako pero napawi iyon ng itype ko ang pin ko. 118124.
Agad akong nagpunta sa settings para palitan iyon. Ginawa ko nalang password.'Z.Verastigue' nalang ang nilagay ko.
Inabot ko na sakanya ang phone ko at sinuksok niya na iyon sa maliit na phone speaker ng ospital. Nakaplay na din don ang mga paborito ko dahil playlist ito.
"Nakaka antok naman po pala yung mga kanta niyo ma'am! Yung iba naman hindi ko maintindihan. Pero nakakaantok parin."reklamo nito habang nakahalandusay sa sofa.
Napangiti nalang ako. "Chinese songs yun, Sige na. Gisingin mo nalang ako kapag oras na ng gamot ko. Thank you. "
Pinikit ko na ang mata ko. Hindi na rin nakasagot si jolina dahil baka nakatulog narin. Huling kanta kasing nagpeplay ay ang cello bass ng photograph.
Gusto ko ngayon ay magtutulog nalang buong araw. Huminga ako ng malalim. Pagkagising ko, Poproblemahin ko nanaman kung saan ako bibili ng pagkain ko. Kung mcdo naman ay, fried chicken lang din naman ang nanduon. Nagsawa nako sa fries at burger kanina. Gusto ko ay bago naman.
Hindi ko namalayan na sa kakaisip ko ng kakainin ko ay nakatulog na pala ako. Dahan dahan ko nalang minulat ang mga mata ko at derechong tumingin sa orasan. Kaharap ko lang kasi ito. Mag aalas singko na pala. Apat na oras din pala akong tulog pero bitin parin ako. Ano bayan, ganto ba talaga pag may sakit?
Lumingon ako sa sofa kung saan nakahiga duon si jolina. Pero wala na siya ron. Walang kahit sino sa kwarto. Napahinga nalang ako ng malalim at pumikit nalang ulit.
Bumalik na kaya si basty? I mean, Si sebastian?
Nang may bumukas ng pinto ay minulat ko na kaagad ang mata ko.
BINABASA MO ANG
Hindi Sana ( #1 Grandenas Trilogy)
RomansHindi sana, Hindi sana ganito ang buhay ko kung hindi ako nagdesisyon. Kung hindi sana ako naging duwag, kung hindi sana ako natakot. Hindi sana ganito. But it was my choice anyway, Hindi ko pagsisisihan na dahil sa desisyon ko ay naligtas ko ang b...