Kabanata 38

335 14 2
                                    

Kabanata 38

"Ay, ma'am. Wag ka umiyak! Masisira yung make up!" Sabi ni Rica, Yung professional na baklang nag mamake up na saakin.

"I'm sorry, sige. Tuloy mo na." malamig kong sabi habang maingat niyang pinupunasan ang gilid ng mata ko.

Tinuloy niya ang pag mamake up saakin. Dapat ay smokey ang gagawin niya saakin. Pero nang nakita niya ang susuoton ko ay para daw sa cinderella, kaya gagawin niya lang itong medyo light at may shade of blue ang eyeshadow. Hinayaan ko nalang.

Pinagkiskis ko ang mga labi ko gaya ng sinabi niya pagkatapos niyang lagyan ng light pink na lipstick.

"Perfect! O ayan ha, Waterproof na nilagay ko jan lahat. Pati eyeliner, mascara, lipstick, at foundation waterproof! Hay nako, Saludo nalang ako sayo kapag mabura mo pa yan!" sigaw ni Rica habang nag aayos ng mga make uo niya sa kit.

Sinulyapan niya ako, nagtaas siya ng kilay."O bat ka nakasimangot? Ang gwapo gwapo naman ng papakasalan mo ah! Hindi mo ba mahal?"

Hindi ko mahal. At hindi ko alam kung kelan ko siya matututunang mahalin.

Tipid akong ngumiti. "Mahal ko, syempre." I said weakly.

I can't shout at everyone that I'm still learning to love my husband. Pagtatawanan nila ako. Pagtatawanan nila kami. If Basty protects me, protects Verastigue. I will do the same thing too. I will protect the Verastigue, While Protecting the Lim too.

"Bongga! E bakit ka naman umiiyak kanina? Di ka ba loves nung boy?" Tanong ni Rica.

Dahan dahan akong tumango at ngumiti ng mapait. "Sobra." i breathe.

Pinunasan ko ang tumulong luha sa mata ko. Hindi ko alam kung bakit hindi ako pinagalitan nung baklang to. Pero nung nag angat ako ng tingin sakanya ay nagpupunas din pala siya ng luha.

"Sorry ah? I got carried away. Sayang naman, hindi ko makikilala si boy in person!" Sabi pa nito.

Tumawa ako ng mapait. "Baket naman? Gusto mo bang makilala? Ipapakilala ko sayo mamaya."

Ngumuso siya. "Ay nako wifey, Hindi pwede."

"Bakit naman hindi pwede?"

"Wala akong damit no, Tsaka di naman ako invited. Tapos may raket pa ako mamayang alas dos." Sabi ni Rica.

"Ganon? Ede pumunta kanalang sa Golden Sun pagkatapos. Ako na bahala sayo." I smiled.

"Ganon ba? Sure kaba diyan ha? Nako, nakakahiya naman e! Pero sige ha! Mamayang 4:30 na siguro ako makakapunta. Medyo hectic kasi scheds ko e!" Maarte niyang sabi.

Tumawa nalang ako ng mahina."Oo, sige. Sabihan ko nalang si Diane, Siya kasi may hawak nung list e. Ipapadagdag kita ruon. Invite ka ng friends mo kung gusto mo ha! O kaya isama mo yung buong team dito."

Tumawa rin siya at masayang tumango habang nagliligpit ng make up kit niya at iba pang gamit. Ayos narin ang buhok ko. Naka flower bun ito. I'm now wearing a white robe para madali nalang pagka magpapalit na ako ng damit.

Ako lang at si Rica ang nandito. Nakaharap ako ngayon sa malaking salamin at kitang kita ko ang pagkaiba ng muka ko dahil sa make up at sa ayos ng buhok ko.

Habang nakatitig ako sa salamin ay nakita kong bumukas ang puting pintuan. Nagiwas ako ng tingin ng pumasok duon si Papa. Bakit ba siya nandito? Ayokong umiyak. Ayokong masira nanaman mood ko. Buti nalang talaga at nandito si Rica kanina ng gusot gusot ang muka ko pagkarating ko dito sa Make Up Studio nila.

"O'sha. Maiwan na kita dito sis. Gotta go, Mwa. Mwa. " Sabi nito habang binebesuhan ako. Tinanguan ko nalang at napangiti ng mapait.

Lintek na rica to, Siya na nga lang inaasahan ko e.

Hindi Sana ( #1 Grandenas Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon