Kabanata 9
Dumeretso nalang ako sa isang kwarto sa dulo. Siguro naman ay guestroom na ito. Parehas lang kasi ng kulay ang kwarto nito kay jonas. Hay nako, Hayaan mo na nga siya.
Kinuha ko nalang ang phone ko at nakita kong may missed calls and messages galing kay mama kaya agad ko itong tinawagan pabalik.
"H-hello ma? Bakit po? " Tanong ko ng sagutin niya ang tawag.
"Oh! Buti sinagot mo na rin. How are you? Ang kuya mo at si shiane?"
Nako ma, hindi ako okay dito!
"O-okay lang po, saglit lang po at tatawagin ko si kuya."
Bumaba na ako at nakita kong nanduon parin si kuya na naglalaro na ngayon ng kinect.
"Sino yan?" Malamig na tanong nito.
"Si mama, kuya. Kausapin ka raw."
Nang binigay ko sakanya ang phone ay hindi niya tinapat sa tenga niya. Nagulat ako ng ibinaba niya ang phone sa lamesa at pinindot ito.
"Ma, naka loudspeak yan. I'm playing e." Tamad na sabi ni kuya habang naglalaro.
"Oh! Ikaw talaga, Ienjoy mo nalang muna yung bakasyon niyo jan. Makakapaglaro kanaman niyan dito e." sermon ni mama.
"Ma naman, you know i can't live with this. Wala na nga sila Mike e." reklamo nito.
"Oh, speaking of mike. Napadaan siya dito kanina. Hinahanap ka, hindi ka ba nagpaalam sakanila?" tanong ni mama.
"Well, i thought potrocio will say. Siya lang ang sinabihan ko."
"You're so unfair anak, Why didn't you text them?"
Bumuntong hininga si kuya habang naglalaro "You know i don't like texting."
Napabuntong hininga nalang si mama sa kabilang linya. "Okay fine, pero sana naman --"
"Ma, It's not a big deal to them. Don't push it." Inis na sabi ni kuya.
"Kuya!" saway ko sakanya.
"Okay. It's okay zam. Sige na, I'll end the call na. I think I'm disturbing you guys. Enjoy." dissapointed na sabi nito.
"Ma!" habol ko pa pero pinutol na ni mama ang linya.
Napatingin nalang ako kay kuya at inirapan siya bago kinuha ang phone ko. Nagkibit balikat nalang siya habang naglalaro. Pinagtitinginan nalang siya nila shiane, donne at althea.
"Alam niyo, Paano tayo makakausad niyan? Away dito, away duon! Stop that picayune fights! We're all here for shiane okay!? Stop it, please. Stop." Naiinis na sambit ni althea.
Biglang tumayo si shiane "Okay lang althea, Hindi ko rin naman napapansin na lumilipas ang oras."
"Sorry, althea. Shiane." tumango silang lahat saakin.
Si kuya ay nanatili paring ganoon. Makikita mo ang galit sa kanyang mukha habang naglalaro.
Umalis na ako ruon at dumerestso sa kwarto ni jonas para kunin ang maleta ko. Buti naman at hindi na siya nakipagtalo saakin kaya mabilis ko lang itong nakuha.
Naligo na ako kaagad at sinuot ko ang floral dress na satingin ko ay bagay namang suotin kapag nandito kami sa hawaii. Balak ko na rin sumama sakanila para naman magka ayos na.
Habang nagsusuklay ako at nakatapat sa salamin ay nakita kong bumukas ang pinto at pumasok ruon si jonas.
"Sasama ka?" Kalmadong tanong nito nang isara niya ang pintuan.
BINABASA MO ANG
Hindi Sana ( #1 Grandenas Trilogy)
RomanceHindi sana, Hindi sana ganito ang buhay ko kung hindi ako nagdesisyon. Kung hindi sana ako naging duwag, kung hindi sana ako natakot. Hindi sana ganito. But it was my choice anyway, Hindi ko pagsisisihan na dahil sa desisyon ko ay naligtas ko ang b...