Kabanata 46
Nag aayos ako ng mga bulaklak sa vase, Punong puno ang utak ko sa lahat ng nangyare nung isang gabi. Hindi narin muna nagtatanong sila nancy, At kahit magtanong sila ay wala naman akong isasagot.
Ginugupit ko ang mga tinik ng mga roses na aayusin ko pa sa isang vase ng bigla akong natusok. Sobrang takot ako sa dugo, Mana ako kay Kuya, Ayokong sipsipin naman kaya pinindot ko nalang.
"Zam.."
Halos mapatalon ako sa pagkakaupo sa sofa ng marinig ko ang pamilyar na boses sa likuran ko. Sinulyapan ko si Peter, Pero agad ko rin binawi iyon at binagsak sa daliri kong dumudugo.
"B-baket?"Malamig kong tanong.
"Uh.. Sorry nung isang gabi.. "Tinignan ko siya at yung bulaklak na hawak hawak niya sa kamay.
Tumango lang ako. "Yang bulaklak? A-arrange ko rin ba? Muka naman yatang ayos na yan." Saby turo ko sa malaking bouquet.
Napansin kong pumula ang pisngi niya. Inabot niya sa akin ang bouquet. "Hindi, uhm.. For you?"
"Hindi naman na kailangan, Pero salamat." Walang gana kong kinuha ang bouquet. "Manang! Paki tabi naman po ito oh. Please." sigaw ko.
Ayoko ng umiyak. Ayoko ng magpakita pa mg kahit na emosyon. I will stay cold and heartless. Nasasaktan pako. Nasasaktan pako sa lahat. Preno muna.
Naramdaman kong lumubog ang sofa ng umupo siya sa tabi ko. Sinilip ko siya saglit pero bumalik nalang din sa pag gugupit ng tinik.
"N-nasugatan ka?.. Can i see?" Malambing na pakiusap niya.
Umiling nalang ako. "Wala to. Wala kabang pasok?" Malamig kong uts habang tinitignan ang suot niyang white shirt at boxers. Napalunok ako.
"Wala. I already quit. I realized na, kailangan ko pang bumawi sayo. I forgot my responsibilities."
Napatigil ako saglit sa pag gugupit ng tinik. Pero tinuloy ko rin iyon pagkatapos ng ilang segundo. Hindi ko na siya tinignan pa.
"Okay." Sabay tayo para ilagay na ang mga vases na natapusan ko ng ayusan. Si Mancy naman amg dapat na gumagawa nito pero dahil sa gusto kong umiwas ay ako nalang.
Hindi naman mabigat. Kaya ko pa namang tiisin. Kung ang mga problema nga sa buhay ko kaya kong tiisin, eto pa kayang bulinggit na vase na to ang susukuan ko? Hindi no.
"I'll help you na.." Nagpaalam pa siya pero hawak hawak niya na yung isang vase!
"Hindi yan dito, Sa hallway yan ng second floor." Sabi ko kahit na dito lang naman yan sa center table ng living room.
"Ah.. Okay, Sure." Sabi niya at pumanik na sa taas dala dala ang medium sized glass vase.
Bumuntomg hininga nalang ako ng makaalis siya. Nangunot ang noo ko at natigil ako sa paglalakad dahil may naririnig akong nag kwekwentuhan.
"Nako, Sana naman magbati na sila ni Ma'am! Para tuloy na ang Zampet love team!" Boses ni nancy iyon.
"Eh, Nance. Hindi naman sila magkaaway ah? Sadyang cold lang talaga si Ma'am nuon nuon pa diba? Kaya nga laging sa bar ang hatid ko kay Sir Peter e. Nanchichix siguro o alam mo na. May langangailangan din kasi kaming mga lalake." Boses naman ni Dante iyon.
Oh well, Mas mabuti iyon. Para iwasan na rin ako ni Peter. Para may iba naman siyang puntiryahin at pumayag na siya sa hinihingi kong paghihiwalay. Dapat pala ay masabihan ko itong si dante na sa Bar niya laging ihatid si Peter.
Hindi nako nakinig sa usapan nila. Nagtungo nalang ako aa kwarto ko para maligo na at makapamasyal mag isa. Nakakabagot na rin kasi. Halos isang beses lang ako lalabas ng bahay. Kapag mag gogrocery pa! Kasama ko pa si Nancy o di kaya'y si Manang. Jusko, Napaka possesive na tao.
BINABASA MO ANG
Hindi Sana ( #1 Grandenas Trilogy)
RomanceHindi sana, Hindi sana ganito ang buhay ko kung hindi ako nagdesisyon. Kung hindi sana ako naging duwag, kung hindi sana ako natakot. Hindi sana ganito. But it was my choice anyway, Hindi ko pagsisisihan na dahil sa desisyon ko ay naligtas ko ang b...