Kabanata 55

356 16 4
                                    

Kabanata 55

"Luke, sorry ah. Inangkin ko nanaman yung kwarto mo kagabe. Antok na antok na kasi ako nun e." Sabi ko nang makapasok na kami sa cabin.

Isa lang ang libreng cabin dito dahil pang import and export lang naman itong barkong to. Yung ibang cabin ay okupado na ng ibang trabahador at nila Mr. Leo at Mrs. Linda.

Hindi naman din iba sakin na matulog sa iisang kwarto kasama si Luke. Dahil duon sa huling mga business trips namin ay  iisang kwarto lang kami pero hindi kami tabi matulog.

"Ano kaba, Hindi kana nasanay. Kung gusto mo nga, kahit ako, angkinin mo na e." sabi pa niya.

Nilapitan ko na siya para batukan. Alam niya naman gagawin niya. Yuyuko siya para magpabatok saakin. Tumawa ako at binatukan ko siya ng mahina.

"Ikaw ha, sumbong kita kay dad! Sinasaktan mo boss mo." pananakot niya pa.

Humalukip-kip ako at ngumuso. "Sige, okay lang. Isumbong mo ko lara mawalan ako ng trabaho." nagkibit ako ng balikat.

Tumalikod na ko para ayusin ang mga gamit ko ng bigla ko siyang naramdaman na niyakap niya ako sa likuran. Pinatong niya ang baba niya sa balikat ko.

"Luke ah, Napaka chansing mo!"Sabi ko habang pinapalo ang braso niyang nakapalupot sa tiyan ko.

Tumawa siya . Nakiliti ako sa hininga niyang dumampi sa leeg ko.

"Ang lamig kasi e." sabi niya habang pinag gigilan nanaman ang katawan ko.

Tumawa ako at tumango. "Oo nga e."

Ramdam na ramdam ko ang init sakanyang katawan. Para siyang nilalagnat kaya umikot ako para icheck kung may lagnat siya. Habang nilalapat ko ang likod ng kamay ko sa noo niya at leeg niya ay nakapikit siya.

Nakapalupot parin ang braso niya sa bewang ko. Hinipo ko ang mainit niyang braso pabalik balik. Niyakap ko pa siya ng madiin para maramdaman ang init ng katawan niya.

"I feel so sick, Zam." Bulong nito at hindi nako pinakawalan sa pagkakakulong sa bisig niya.

Naramdaman ko anv sobrang init ng hininga niya sa leeg ko. Ang noo niya ay nakadukdok sa balikat ko kaya ramdam na ramdam ko talaga ang init niya.

Bahagya ko siyang tinulak palayo. Dinilat niya ang mata niya at pumungay ito. Kinulong ko ang pisngi niya sa palad ko.

"You're sick, luke. Magpahinga ka muna, I'll request for a medicine. Okay?" sabi ko.

Tumango siya. Inalalayan ko na siya papunta sa kama niya. Kinumutan ko siya hanggang ulo at tinawanan. Binaba niya ito habang naka nguso.

"Hindi pako patay, nilalagnat palang ako no." Nakasimangot na sabi niya.

Tinawanan ko nalang at sinuklay ang buhok niya pataas. Napapikit siya habang ginagawa ko iyon sakanya. Naalala ko tuloy nung nagkasakit ako, siya rin ang nag alaga saakin at ganito rin ang ginawa niya. Kinumutan niya rin ako hanggang ulo at nag iyak iyakan.

Inabot niya ang kamay ko at hinalikan iyon habang nakapikit. Ramdam na ramdam ko ang init ng kanyang palad at hininga. Dinala niya pa ang kamay ko sa leeg niya.

"Look, I got a high fever."

Tinanguan ko nalang. Sobrang init niya kasi talaga.

Hinampas ko siya ng mahina nang binaba niya ang kamay ko papunta sa abs niya. Tumawa ako. "You perv! May lagnat kana, ang manyak mo parin."

Dumilat siya at ngumuso. "I'm not pervert, Baka ikaw. Ikaw kaya yung humawak."

Inirapan ko nalang tsaka kinumutan hanggang ulo. "RIP!" Sigaw ko pa bgo tumakbo palabas para kumuha ng gamot.

Hindi Sana ( #1 Grandenas Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon