Kabanata 36

323 13 3
                                    

Kabanata 36

"Rick, Galit parin ba si Potrocio?" Tanong ko nang pagbuksan kaagad ako ng gate ni Rick

Ngumuso siya at nagkibit balikat. "I don't know, Try to talk to him? I'm sure, wala nang chance na kausapin siya pag kinasal na kayo. Puntahan mo kaya, Samahan kita?"

Bumuntong hininga ko. "Wag na, Walang kasama si Quielle. Pupunta kaba bukas?"

Nagiwas siya ng tingin." Ewan ko ha? Baka kasi magalit samin si Potrocio e. Alam mo naman, Ayaw na namin mawalan pa ng isang kaibigan. We already lost basty. Wala pa si Jeydon ngayon. Saan na kami pupulutin ni Mike niyang pag nagkataon?"

Tumango ako. "Ano bang sinabi sainyo ni Basty nung chinat niyo? Is this all about kuya and me? Galit parin ba siya?"

"I don't care if he's angry or not. Basta kami, Kinahihiya namin siya. Hell, Ipagpapalit niya ang Anim na buwan niyang girlfriend sa Ilang taon naming pagkakaibigan lahat? Dahil lang duon?" Napailing nalang siya. "Babaw."

"Sige na, Puntahan ko lang si Potrocio. Kakausapin ko ng maayos. Siguro naman at nagpalamig na yon? Bukas ah, Subukan niyong pumunta ni rick. Kayo kasi naka assign sa invitation e." Sabi ko pa.

Tinanguan niya ako. "Sige, Kapag succesful yung paguusap niyo ni Potrocio. Paalala lang zam ha? Nasaktan ang kaibigan ko. Wag mo ng dagdagan pa. Sige na." Sabay tinalikuran ako at sinaraduhan na ako ng gate.

Buti nalang at nakakausap ko pa si Rick. Si Mike? Ewan ko. Hindi na nagpakita saakin. Tinetext ko pero ang cold sumagot. Yes and No lang. Hays, ewan ko, walang wala ako ngayon.

Buti nalang at makulimlim. Alas singko na rin kasi ng hapon. Naglalakad lang ako papunta kina potrocio. Thursday ngayon, I'm sure nasa Rio ang parents ni Pot. Sana nasa bahay din siya.

Nag doorbell ako. Nilabas ako ng isa sa mga kasambahay nila ng blankong ekspresyon. Ano? Alam niya ba?

"Nasaan si Potrocio?" I asked.

"Ano pong kailangan niyo Ma'am?" Kunwari pa tong babaeng to!

"Si Potrocio, Nasaan?" Sabi ko at pumasok na ng tuluyan sa loob ng gate ng walang pasabi.

"Nasa Study room po, May Appointment po ba kayo? Kayo po ba si Ms. Krishnna Lopez?"

Hindi nako sumagot. Pumunta nalang ako sa study room niya sa taas. Hindi ko alam kung saan dito dahil first time ko lang. Pero buti nalang at may nakalagay na 'STUDY ROOM'-PMYVA.

Huminga ako ng malalim nang nakatapat na ako sa harapan ng pintuan. Nilingon ko muna ang dalawang kasambahay na naguusap.

"Bakit nandito ang anak ng Verastigue? Diba ikakasal na yan?" Sabi nung brown ang buhok.

Nakita kong nalaglag ang panga nung kasambahay na umasikaso sakin kanina. "A-anong sabi mo?"

"Si Zamora Verastigue yan, Yung sa next two streets. Yung may ari sila ng Lorkhinadas? Kasosyo ni Sir sa Rio." sabi nung naka brown ang buhok.

Hindi ko na sila pinakinggan pa. Kabado akong kumatok sa pintuan ng SR ni Potrocio. Nakakailang katok nako pero wala paring bumubukas. Kumatok ulit ako.

"Come in." Matigas na sabi ni Potrocio sa loob.

Humugot ako ng malalim na hininga bago pinihit ang pintuan. Nakatalikod si Potrocio habang nakaupo sa swivel chair niya. Nakasandal ito sa head rest ng leather niyang upuan habang naka pikit ng madiin.

"Is my plain ticket already booked? Kelan ang alis ko sa bansa? Please make it fast, Krishnna. I'm tired of waiting." Matigas na sabi ni Potrocio.

Nagulat ako. Aalis nang bansa? Plain ticket? Bakit? Dahil ba sakin? Damn. Lagot ako nito. Kina Mike at Rick. Malalagasan nanaman sila ng kaibigan!

Hindi Sana ( #1 Grandenas Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon