Kabanata 63

325 11 0
                                    

Kabanata 63

"Is this the place you're telling me that you already miss?" Tanong niya habang lilinga linga.

Tumango ako at ngumisi habang nilalatag ang blanket duon hindi para magpicnic kundi para magpahinga.

Humiga kami ruon at ginawang unan ang dalawang kamay naming pinagpatong habang nakikinig duon sa hinanda kong soundset.

"This place is beautiful." Marahang sabi ko habang nakatingin sa paligid.

Naramdaman ko ang panunusok ng titig niya. "So beautiful."

Napasulyap ako sakanya dahil parang iba ang kayang ibig sabihin. Uminit ang pisngi ko ng napatunayan kong titig na titig pala siya saakin.

Napaupo ako bigla. Nagtataka siyang napaupo na rin.

"Why? Do i say something wrong?" Tanong niya.

Umiling ako. Damn it, Kung ibang babae ang kasama niya siguro ay baka ang isagit nito ay 'No, You make everything perfect.'

"Let's get wet!" Masayang sabi ko at tumayo na.

Kumunot ang noo niya pero nakita ko ang pag angat ng labi niya. Hinampas ko siya ng malakas. "Not what you think, Perv!"

Humalakhak siya at sinundan nalang ako sa pagtakbo ko hanggang sa marating namin ang batis. Tumigil ako sa pagtatakbo at sinuri ang kagandahan ng batis. Apat na taon na rin at ngayon nalang ako nakapunta ulit dito.

"Si Chester." Naalala ko.

Napatingin si luke saakin. Ngumisi ako sakanya. "I've met Chester here, Batang lalaki na sobrang weird. Parang matanda siya kung umasta."

Tumawa si luke. "Really? Like a grandfather?"

Tumango ako at tumihin sa linis ng tubig. "Gusto mong maligo?"

Ngumuso siya. "Wala tayong damit na dala."

Humalakhak ako at mabilis na hinubad ang dress na suot ko. Nanlaki ang mata niya sa ginawa ko. Tinawanan ko nalang siya at tumalon sa malamig na tubig ng batis.

Pinulot njya ang dress ko at pinatong ito sa malinis na bato. "Zam, umahon kana jan. Baka magkasakit ka pa." aniya.

Umiling ako at winisikan siya ng tubig. "Halika na! Maligo na tayo!"

Umiling siya. Sumimangot ako. "Akala ko ba susundin mo ako?"

Huminga siya ng malalim at pumungay ang mga mata niya. "Zam, Wala akong dalang damit. Pag nagkataon, Uuwi tayo ng basa."

Bigo akong tumango at umahon. "Okay, Madali naman akong kausap." pagdadrama ko at kinuha na ang damit ko sa bato ng bigla akong natigilan.

"Alright then, I'm gonna swim." Napilitan niyang sabi.

Nag iwas ako ng tingin. "Hindi na, malamig ang tubig. Umuwi na tayo.." malamig kong sabi.

"No, really. I'm gonna swim." Pilit niya pa, umiling nalang ako at nag busy-busyhan.

"Wag na, mukhang napipilitan ka lang naman e. Wag na, halika na." pagtatampo ko pa.

Nagulat ako ng bigla siyang naghubad ng kanyang sweater at pants. Natira na lamang ang kanyang grey na boxers.

"Is it okay for you na maligo ako ng ganito?" Tanong niya.

Napa angat ako ng tingin sa mapupungay niyang mata at pinasadahan ulit ang katawan niyang sobrang puti. Ngumisi ako ng malapad.

"I won't mind! Halika na!" Sabay takbo para tumalon sa batis.

Naparili ako ng bigla siyang nagdive kaya naman nabulabog ang kalmadong tubig. Nagtawanan kami at nag basaan hanggang sa mapagod.

Hindi Sana ( #1 Grandenas Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon