Kabanata 6

546 21 4
                                    

Kabanata 6

Mahilig ka sa love songs?" Tanong nito.

Tumingin ako sa salamin at tsaka ngumiti. "Yes. Ikaw?"

Umiling siya. "Hindi, Ang babagal kasi e."

Napansimangot nalang ako at hindi nalang siya pinansin. Bat ba ang kj kj mo.

Habang naghihintay ay sinasabayan ko ang kanta. Nagulat nalang ako ng biglang may sumabay saakin. Hindi ko inisip na si basty yun dahil ayaw niya sa Love songs. Pero nang nagtuloy tuloy ay lumingon na ako at tinignan siya.

"Alam mo yung kanta?"

Tumango siya.

"Akala ko ba ayaw mo sa love songs?" Ngumuso ako.

Ngumisi nalang siya at sumandal sa headrest. "Porket ayaw ko wala akong alam na love songs?"

Damn, bat di ko ba naisip yun?

Buti nalang at umandar na ang daanan. Hindi niya na kailangan ituro ang daan dahil alam ko namn ito.

Hininto ko na sa harapan ng apartment. Isang pinto lang ito at parang bahay. Hindi siya mukang apartment na maraming pinto. Isang plain lang na bahay na kulay dilaw may maliit na terrace at maliit na gate. Mga 100 squaremeters lang siguro ang laki nito.

"Magisa kalang diyan?" Tanong ko sakanya bagi siya bumaba.

Tumango siya at binuksan na ang pintuan. May dalawang matandang lalaking tambay duon sa tindahan na katabi niya.

"Salamat." Sinarado niya na ang pintuan at tinanguan ko lang siya.

Biniro siya nung dalawang matanda kaya binaba ko ang bintana ko oara marinig ang usapan nila. Hindi naman sa chismosa ko.

"Baste! Girlfriend mo na ba yung unica hija ng mga verastigue!? Mag bagong buhay kana! Si Ma'am Zamora na pala kaharap mo!" Sabay tawa nung dalawang matanda.

Umiling nalang si basty habang nakangisi. "Diko po girlfriend yun, Hindi ko nga kaibigan e."

Biglang sumikip ang dibdib ko kaya napahawak ako rito. Bakit ang sakit sakit? Na sabihin niyang hindi kami magkaibigan? Hindi naman ako assuming, pero ang sakit lang.

"Mabait si Ma'am Zamora, Wag mo nalang kaibiganin. Mapapahamak lang sayo yun." Humagikgik ulit ang iaang matanda.

"Tsaka, Hintayin niya lang akong magbagong buhay. Liligawan ko yun." Dagdag pa ng matanda.

Napansin ko namang binatukan nung isa yung nagsalita. "Patay kana nun!Asa kapa! Kay Feling nga wala kang pag asa, Kay Ma'am zamora pa!"

Natawa nalang ako ng lumabas ang isang babaeng matanda at binatukan yung dalawa "Ako nga ay wag niyong madamay damay sa kalokohan niyo."

Sabay tawanan silang dalawa, Si basty naman ay hinugot ang susi sa bulsa at binubuksan ang gate.

"Feling naman, Patawarin mo na ako o. Please?" Lambing nung isang matanda.

Humarang na si basty sakanila at nagpaalam na. "Sige na ho, At papasok na ko sa loob. H'wag po kayo masyadong magpakalasing." Nagmano ito sa dalawang matanda.

"Kahit talaga ganyan ka ay mabait kaparin baste." Sabi nung isang matanda.

Ngumiti lang iyo at tsaka pumasok na sa loob ng apartment.

I feel so overwhelmed. Nag drive na ako pauwi. It was a nice feeling, Na kahit sa labas ay tinatawag akong Ma'am ng mga tao and they respect me too much. Lalo na siguro sila Mama at Papa. Feel ko tuloy ay protektado ako ng mga tao, Pinoprotektahan nila ako kahit hindi ko alam.

And the sight of seeing him kanina na nagmamano sa dalawang lalaking matanda. Kahit tambay lang ito ay nirerespeto parin ni basty. That's why i like him so much. Ang sabi sabi ay babaero daw si basty at papalit palit ng babae. I don't know if its true. Pero sapat na yung nakita kong may kabutihan sakanya. And i admire that, specially about respecting others.

Nang makauwi na ako ay si manong greg nalang ang pinagpark ko sa loob. Nakita ko kaagad si kuya na nakaupo sa sofa habang nakapatong ang paa sa coffee table.

"Kuya." Bati ko kaagad ng madaanan ko siya bago ako pumanik sa hagdan.
Lumingon siya saakin at tinanguan ako."Why it took you so long?" Tanong nito.

Napahinto ako sa pagakyat at nilingon siya. "Probably because of traffic." I shrugged at tuluyan ng umakyat ng hagdan.

"Okay." Narinig kong sabi niya.

Bumaba na ako pagkatapos kong maligo. Suot ang gray sweatpants at white shirt.

Nadatnan ko na ganun parin ang pwesto ni kuya, Busy na nanunuod ng hollywood movie.

"Sa Chika's pala nakatira si Basty?"I asked, at umupo sa tabi niya.

Nilingon niya ako pero binalik din agad ito sa tv. "Yep."

"I thought—"

Umiling kaagad si kuya, like he knows what im trying to say. "His parents is on Cagayan. May farm sila duon. He was just here to study."

Napakunot naman ang noo ko. Hindi naman ata nagaral si basty ah? Kuya met him last two years ago at baguhan palang dito si basty nuon. He didn't study naman.

"Kuya, When you met him diba hindi naman siya nagaral non?" I asked.

Tumango si kuya habang nakatingin sa tv. Watching a movie and telling a different story is hard, I dont know if he understands the movie that he's watching. Siguro, Matalino naman siya. I guess this was included.

"He used the money for business, rental fees and for food. Naubos niya yung 30k na pinadala ng parents niya for education. Pero nilagay niya ang kalahati sa business." sumulyap saakin si kuya at nagkibit balikat nalang.

Nag indian sit ako sa sofa habang tinitignan ang pinapanuod ni kuya."I don't see him busy with his business, Is it over?"

Umiling siya at itinaas pa ang isang paa sa coffee table. "He owned the grill, Yung barbeque-han sa baging bayan."

Nanlaki ang mga mata ko at tsaka nilingon si kuya. What!? He owned it? And kung yung kalahati ng thirty thousand lang ang naipuhunan niya roon? How come!? Ma and Pa used to spent millions para sa puhunan palang.

"Really kuya?" Paninigurado ko pa.

Tumango tango ito. "Yes, He owns it. And he didn't regret of not going to school anyway."

"Wow. Did he mentioned to you kung magkano kinikita ng barbeque-han niya sa isang araw?" Manghang manghang tanong ko.

I can't even think that basty is really good in manging or something like that. Kung siguro ay nagaral siya ay may malaking business na ito.

"He said before he's getting two thousand a day. So in every month he's earning sixty thousand. Four times of the capital. " Seryosong pag papaliwanag ni kuya.

"Wow. Just wow." ang nasabi ko nalang.

Tumango tango siya at sinulyapan ako. "I'm sorry."

What? Did i hear it right?

"For what?" Nagtatakang tanong ko.

Iniwas niya nalang ang tingin at tsaka pinatay ang tv.

"For acting like a ---"

"Hush. We're fine." Putol ko kaagad sakanya at hinawakan ko ang kamay niya. Ayoko ng dagdagan pa ang nararamdaman ni kuya. He's been so stressed about papa and i don't wanna be included anymore.

Tumango siya "We're fine."at inulit ang sinabi ko.

I smiled "Yes, We are."

Ngumiti siya pabalik "You hungry?"

Hindi Sana ( #1 Grandenas Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon