Kabanata 29
"Siguro ikaw nalang ang magbigay niyan, zamora. Nasa hardin siya sa likod, Tumutulong." Malakig na sabi ni Tita Luz habang nag aayos ng bulaklak sa boquet.
Tumingin ako kay Tito Delfin. "Marami kasi kaming binawas na trabahador, Nagkakaproblema ang negosyo. Sinabayan pa niyang Janiah nayan." Inis na tumayo si Tito Delfin at nag walk out.
Tumango nalang ako.
"Pasensya kana ha, Pero pupunta kami sa kasal niyo ni Peter. Sana maging masaya kayong dalawa." Sabi ni Tita Luz saakin.
Tipid akong ngumiti. "Sana nga po."
Hindi ko sinabi sakanila ang ugali ni Peter, ang sinabi ko lang ay arrange marriage para sa lorkhinadas. Sumang ayon nalang siya dahil ganon naman daw talaga ang mayayaman. Ipapakasal ang mga anak nila para sa negosyo. Napailing nalang ako.
Hawak hawak ko ang invitation papunta sa likod ng shop nila. Nanduon kasi ang plantation. Nandon daw si Jane, tumutulong.
Nakita ko siyang nakatayo habang nagdidilig. Wala siyang suot na sumbrerong malaki na lagi niyang suot. Tumingala ako. Makulimlim naman. Dahil siguro ang lakas ng ulan nitong nakaraang mga araw.
Nakasuot siya ng cardigan at puting sando sa loob. Naka shorts din ito kasing haba ng saakin.
Binati ako ng mga tabahador nilang nagdidilig din at nagtatanim. Yung iba naman ay nagwawalis. Napalingon siya sa gawi ko pero nagiwas kaagad siya ng tingin. Para bang hiyang hiya siya.
Lumapit ako sakanya. Nagsimula ng pagpawisan ang mga palad ko. Ayoko na umiyak ako dito. Ayoko ikwento ang lahat sakanya dito.
"J-jane, Pwede ba kitang makausap?" Tumango siya at oinasa muna ang pandilig at gloves sa trabahador nila.
"A-ano yun? Z-zam? G-galit kapa ba?" utal utal nitong sabi.
Luminga linga muna ako. Maraming tao. Ayoko makipagusap sa ganito. Kaw niyaw ko muna siya sa isang coffee shop na pinuntahan namin ni Papa nung nagusap kami. Malapit lang ito sakanila.
Umupo kami sa bakanteng upuan sa may dulo. Kung saan wala masyadong tao. Maaga pa kasi kaya wala pang customer dito maliban kaming dalawa at isang lalaki at babaeng nag dadate ng ganito kaaga.
Itinago ko muna ang invitation sa bag ko. Lumapit na ang waiter samin para kunin yung order namin. Frappe at cake lang ang inorder ko.
"Café au lait , and bran muffin please." order ni Janiah.
Nang makaalis na ang waiter ay nagkatinginan kami ni Jane. Napawi ang ngiti niya ng makita akong seryoso.
"S-sorry z--" pinutol ko na kaagad siya.
Umiling ako. "No, I'm sorry. Wala akong karapatan na sampalin ka. Kaibigan mo lang ako. At yung tanong mo sakin kung galit ako?" Umiling ulit ako. "Hindi, Nagalit ako, oo. Kasi nagpaka tanga ka. Pero narealize kong wala akong karapatan dahil wala naman ako yung sa sitwasyon mo."
Hinawakan niya ang isa kong kamay na nakalapat sa lamesa. Tumulo ang luha niya sa kanang mata. Ako? Hindi ako makaiyak. Siguro naghahakot pa.
"Thank you talaga, zamora." mabait niyang sabi. "H'wag kang mag alala, Hindi na ako yung babaeng mahina ulit. Hindi nako yung babaeng iyak ng iyak. Lalaban ako, Magpapakatatag ako para sa magiging baby namin ni Kevin." tumulo nanaman ang kanyang luha.
Nanigas ako sa sinabi niya. Baby? Anong baby? Nagbunga ang pagkakamali? Nabuntis si Jane?
"B-baby? B-buntis ka?" Simula nanamang maginit ang sulok ng mga mata ko.
BINABASA MO ANG
Hindi Sana ( #1 Grandenas Trilogy)
RomantizmHindi sana, Hindi sana ganito ang buhay ko kung hindi ako nagdesisyon. Kung hindi sana ako naging duwag, kung hindi sana ako natakot. Hindi sana ganito. But it was my choice anyway, Hindi ko pagsisisihan na dahil sa desisyon ko ay naligtas ko ang b...