Kabanata 20

404 15 8
                                    

Kabanata 20

"Fuck! Pwede ba ha! Lumayo kana sa buhay ko. Lumayo na ko. Sana naman wag na kayong habol ng habol! Pati si ezra dinadamay niyo pa!" He shouted at my face. At halos mag echo ang boses niya sa hallway dahil nasa labas ako ng men's room.

Pinipigilan ko ang pagiyak. Umiling ako. "N-no.. Please.. Makinig ka saakin. She.. Sh-she asked for it.. Gusto niyang lumayo na kami sayo dahil lagi nalang daw may nangyayareng masama sayo kapag kasama mo kame! I'm hurt Sebastian! Kaya ko kayo naitakwil, kaya kita iti akwil, Dahil nasaktan ako! H-hindi mo naba naisip ang nagawa sayo ni kuya nung mga araw na walang wala ka?!

..Hindi kita sinusimbatan! Pero sana ma appreciate mo naman iyon. Sabihin mo nga sa harapan ko, Pinahirapan kaba ni kuya ha? May nagawa ba siyang masama sayo na ikinapahamak mo ha? Siguro nung nagsuntukan kayo, oo. Pero isang beses lang! Nasaktan ako kasi ganon na kaagad iniisip ng girfriend mo!"

Sinamaan niya ako ng tingin. "So ano? Pinapalabas mong sinungaling ang girlfriend ko? For pete's sake zamora! Yang nararamdaman mo ay puppy love lang yan, bata kapa. Infatuation? Maybe. Hindi ko alam. Bata ka pa, ako matanda na. I'm getting married soon.. So please, stay away with us.."

Nilalabanan ko parin ang pagtulo ng luha ko. Pero ang panginginig ng tuhod ko ay hindi ko na kayang pigilan. Ang sikip sikip ng dibdib ko. Pati na rin ang katawan ko dahil hindi pako fully recovered. Pagod pa ang katawan ko . At masakit pa ang ulo ko.

Pero anong ginagawa ko rito? Nagmamakaawa sa isang lalaki na manatili dito.

"K-kanino?" I asked, kahit na alam ko na kung kanino.

"Of course, Ezra." giit niya.

Bumagsak ang balikat ko. Hindi ko na napigilang umiyak, ang humikbi.

"M-mahirap ba? Mahirap ba basty na manatili? All I'm asking for you to stay here. Hindi ko sinabing stay with me. Go, hindi kita pinagbabawalan na makasama si ezra. I.. Juat want you near with me. Gusto lang kitang makita lagi. Yun lang.. Mahirap ba yon? Ha?

.. Nung hiniling saakin na layuan kita.. Layuan ng pamilya ko ikaw.. Sinunod ko. Pero bakit ganito? Ako ang humihingi at hinihiling na sayo na manatili ka at wag mokong iwan ay hindi mo magawa, mahirap ba basty ha? P*tangina mahirap ba ha!?" sigaw ko.

Tinignan ko siya sa mata At agad din siyang umiwas. "M-mahal kita basty, kahit na alam kong ayaw ni kuya at kahihiyan to sa pamilya ko ay minahal pa rin kita. Hindi kita sinisingil o pinipilit na mahalin ako pabalik. I just want you to be near with me.. Sabihin ko nga saakin? Mahirap ba iyon?" hagulgol ko. Halos hindi ko na makilala ang sariling boses ko dahil sa pagiyak.

Yumuko ako at nagpaalam na siya ng tuluyan saakin. Naalala ko pa kung paano niya kinausap si ezra nung pagkabalik niya. Ibang iba sa tono ng pagkausap saakin.

"Basty, Bat ang tagal mo?" Pagtatampong boses ni Ezra habang nakahalukikip.

May binulong siya sa tenga ni Ezra dahilan para siya ay mapahagikgik. Hinalikan niya ito sa labi pagkatapos.

"Halika na baby, Baka malate tayo. Anong gusto mong kainin bago tayo umalis? Gutom kaba?" malambing na tanong ni sebastian sakanyang girlfriend.

"Oo e, parang gusto ko ng fries. Naglilihi yata ako e." Sagot ni Ezra na ikinalaki ng mata ko.

Hinaplos naman ni sebastian ang tiyan ni ezra kaya naoahagikgik ito. "Dugo palang laman niyan, Naglilihi kana? O halika, Bibili tayo ng isang sakong fries. Gusto mo ba yon?" Sabay nakaw ng halik sa labi ni ezra.

Napapikit nalang ako sa sakit ng maalala ko pa iyon. Pumara na ako ng taxi dahil wala naman akong dalang sasakyan. Malalaman lang nila Papa kapag nagpasundo ako kay Kuya Jon.

Hindi Sana ( #1 Grandenas Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon