Kabanata 13
"Ganon? E mag ready kana din. Hindi naman siguro sila mamatay sa sobrang pagod kapag pinakilala ka ng Papa mo sakanila no." Sambit ni Jane.
Tumango ako. "Oo na, bahala na. Penge nalang ako ng containers na may tubig para dun ko muna itatayo yung flowers kapag nag mall ako."
"Samahan na kita? Baka ma holdap kapa dun. Nakalimutan mo na ba? Si Loice Zamora Tan Verastigue ka!" sermon nito habang nililipat ang mga bundle bundle ng bulaklak sa batsa.
"Oo, Hindi ko nakakalimutan yon. Ede sa Mall nalang tayo mag lunch pagkatapos nating bumili ng damit. Ayoko umuwi sa bahay, nandon lang si kuya.."
"At si basty! Of course. Magkakadikit yata bituka ng mga kaibigan niya tsaka siya. Si Potrocio lang ata matino sakanila..." iritadong sabi ni Jane habang nagpupunas ng pawis.
"Halika na, tapos na. Nakakapagod ugh." reklamo nito.
Pumasok na kami sa loob mismo ng shop para magbayad ako. Lumapit na si Jane sa counter at inilista ang mga bulaklak na nakuha ko.
"Magkano?" Tanong ko.
Sinamaan niya lang naman ako ng tingin. "Anong magkano! Libre na to no, Mabunga naman ngayon dahil January na."
Ako naman ngayon ang sumimangot. Kinuha ko ang wallet ko at naghanda ng pera. Buti nalang at may 13k pa akong natitira. Hindi pa kasi ako nakakapag withdraw ng makauwi kami ng pinas.
"Kapag hindi moko pinagbayad, Hindi kita papansinin buong buhay mo. Ano? Bayad ko o pagkakaibigan natin?" Pananakot ko sakanya.
Umirap nalang siya at pumindot sa counter keyboard, kino-compute ang mga bulaklak. Lumipas ang sandali at nakasimangot siyang tumingin sakin.
"Ikaw talaga! Kundi kalang verastigue kinurot na kita sa singit! 8, 455! Loka loka! Tinakot mo pa ko. Nakuuu! Nangigigil talaga ko sayo." Inis na inis na sabi nito habang piniprint ang resibo.
Tumawa nalang ako at kumuha ng 10k. "Oh, ayan. Ayoko ng may butal, Keep the change Mrs. Escalona!" Biro ko pa.
"Nako Ma'am Zam, Hindi pa po pwede maging Mrs. Escalona yan. Baka mapatay ng Papa niya si Kevin. Baby niya pa yon!" Singit nung Mama niya habang inaayos ang malaking engrandeng boquet.
Ngumisi nalang ako. "Ay, Ganoon po ba. Nagbibiruan lang po kami... Pero pwede naman pong seryosohin di po ba? 24 na po si Janiah. Ka edad ko lang po. E muka ng matanda ang anak niyo sa konsumisyon sa seloso niyang boyfriend." Biro ko kay Tita Luz, Mama ni Janiah.
Hinampas naman ako ni Janiah sa braso." Tumigil ka nga! Ma, Wag kang makinig jan. Baliw na yan."
Tumawa ako. " Ako pa ngayon baliw? Tita luz, Magimpake na po kayo at ipapasara ko ng tong flowershop niyo na to." I joked.
"Nako naman ms. zam, Alam ko naman hindi mo magagawa yun... E mabait ka, kasing bait mo si Sir Cedric e!" Pambobola ni Tita Luz.
Sumimangot ako. "Nako Tita luz, Hindi mo alam kung pano magalit si Papa. Parang malaking Oso!" I then laughed.
Tumawa naman silang lahat. Nagseryoso ako. "Pero serious talk po, Hindi pa po ba pwedeng ikasal si Janiah? 4 years na po sila ni kevin tita. Baka matanda na po si Jane niyan kapag nagkaanak. Kawawa naman po yung magiging anak nila..Suggestion ko lang po iyon ha.."
"Sinong magpapakasal?" Napalingon ako ng nakita kong nagsalita si Tito Delfin, Yung Papa ni Janiah. Natahimik kaming lahat.
"S-si Janiah po sana.. At tsaka si Kevin.." utal utal kong sabi.
Tumigil siya sa paglalakad. Sinuksok niya ang dalawang kamay sa bulsa ng pantalon niya. Nagkatinginan kaming tatlo at parang halos takot na takot kay Tito Delfine.
BINABASA MO ANG
Hindi Sana ( #1 Grandenas Trilogy)
RomanceHindi sana, Hindi sana ganito ang buhay ko kung hindi ako nagdesisyon. Kung hindi sana ako naging duwag, kung hindi sana ako natakot. Hindi sana ganito. But it was my choice anyway, Hindi ko pagsisisihan na dahil sa desisyon ko ay naligtas ko ang b...