Kabanata 1
Nagising nalang ako ng nakita kong nasa kama na ako natutulog. Alas siyete na ng umaga ayon sa wall clock ko sa kwarto. Nakita ko si Kuya Jeydon na siya ang nakahiga sa sofa. Mas matindi ang pagkakabaluktot nito dahil matangkad siya.
Kung ako nga ay nahihirapan siya pa kaya itong sobrang tangkad na 5'9 ang height. Ako ay 5'4 lamang.
Inalis ko na ang kumot ko at pumunta sa hinihigaan niya.
Umupo ako sa sahig at nag indian sit ako habang pinapanuod kong matulog ang kuya ko.Ang gwapo niya parin kahit natutulog siya. Ang makapal nitong kilay ay relax lang. Hindi parang yung sa angry birds na laging magkasalubong. Yung mata naman niya ay malaki at mapungay, Ang ilong naman nito ay hindi sobrang tangos nang gaya kay papa pero hindi pango. Mala ilong ni daniel padilla. At ang pinkish at kurbado nitong mga labi.
Pulang pula parin ito dahil sa pagkakainom kagabi. Laluna at sobrang puti niya kaya lutang na lutang ang pagiging tisoy.
Nagulat ako ng magsalita ito "Pwede na ba akong dumilat?" malambing na tanong nito.
Hinampas ko ang braso niya sabay tayo. "Baliw!"
Narinig ko itong tumawa habang ako naman ay nag martsa papunta sa banyo para makapag toothbrush at hilamos na.
Nang makalabas ako ay nakita ko siyang nakaupo sa kama at nakatingin saakin.
"Bat di kapa lumalabas!?" Iritadong sabi ko.
"Hinihintay kita, Tara na sa baba. Almusal na daw sabi ng mayordoma!" Tumayo na siya at pinatay ang tv.
Lumabas na ako at naramdaman kong sunod sunod siya saakin.
Nang makababa na kami ay nakita ko si papa at mama na nakatingin saamin."Oh My God! Jeydon Verastigue! What comes to your mind to wear your sister's clothes!?" Napatayo si mama habang lumilipad ang kamay nito sa kung saan.
Tinignan ulit ni kiya ang damit niya at binaling ulit kay mama. Nagkibit balikat nalang siya at sabay hila ng dalawang upuan at inupuan ang isa.
"Morning, Pa." Tamad na sabi nito habang kinuha ang fresh milk at nagsalin sa baso.
Sanay na kami kay kuya, Lagi nalang ganto.
Pinagmasdan lang namin si Kuya habang hinahati ang bacon at eggs sa plato niya. Hindi kami kumakain dahil lahat kami ay nakatingin lang sa kilos niya.
"What?" He snapped. Bago isubo ang bacon and egg sa bibig niya.
Napailing nalang si mama habang si papa naman ay napainom nalang ng kape.
I sighed. "Ma? Pa? Anak niyo ba talaga to? Bat ganyan ang ugali!" Inis na inis na sabi ko.
Tinaasan lang ako ng kilay ni kuya habang hawak hawak ang tinidor na may hotdog na dapat isusubo niya na pero natigilan ito sa sinabi ko.
"Zamora, Are you that blind to see it? I looked like mom, And are you that deaf too? Mom just called me Jeydon Verastigue earlier. So yes, I'm their son. Any problem?"
Pinandilatan ko siya ng mata at inakmang tutusukin ko siya ng tinidor na hawak ko. "Oo! Madame!" Singhal ko.
Umiling iling nalang siya at may kung ano anong binulong bago isubo ang hotdog niya.
Bat ba ganto ugali ng kapatid ko! Parang hindi tao minsan. Ay hindi pala minsan! Palagi! Nakakabwisit.
Bat ba naiaipan na bumuo ng monster sila mama at papa."Zamora, May lakad ka ba ngayon? Bakit bihis na bihis ka ata?" Tanong ni mommy.
Balak ko kasing pumunta duon sa clearing, Maganda ang view duon. Makikita mo ang kapatagan at ang sunset. Para kang nasa manila bay. Yun nga lang ay puro damo dito at hindi tubig.
BINABASA MO ANG
Hindi Sana ( #1 Grandenas Trilogy)
RomanceHindi sana, Hindi sana ganito ang buhay ko kung hindi ako nagdesisyon. Kung hindi sana ako naging duwag, kung hindi sana ako natakot. Hindi sana ganito. But it was my choice anyway, Hindi ko pagsisisihan na dahil sa desisyon ko ay naligtas ko ang b...