Chapter 14- Hangout

7K 196 4
                                    

JanRose POV
Andito na kame sa Starbucks at kasama namen si TyLer.  He's nice and friendly like PauLa.  Bagay silang dalawa.

"So, baket sa J.A nyo naisipang mag transfer? "Sabe ni TyLer.

"Dun din kase kame nagaral bago kame pumunta ng Korea nung  elementary. "Chris Ann.

"Ah. Ibig sabihin bata pa lang kayo magkakaibigan na kayo? "Tanong nya ulet.

"Yah! Yung parents kase namen  ay business partners at mag kakaibigan. Kaya simula bata pa lang magkakasama na kame. "Ronalyn.

"Sorry kung ang dame kong tanong ah?  I just want to know you more. "Tyler.

Ngumiti lang kame sakanya bilang sagot.

"Eto, last na tanong na lang.  Napansin kase namen na ang galing nyo makipag laban. Nung nasa bar kayo tapos kame din pinabagsak nyo ng walang kahiraphirap. Gangster din ba kayo? "Tanong ulet ni Tyler.

Nanigas kame sa kinauupuan namen dahil sa tanong ni Tyler. Ganun ba kame kaobvious?

Napatingin kame kay Steph pero expressionless pa din sya. Pero alam ko na nagulat din sya sa naging tanong ni Tyler.

Magdadahilan na sana ako ng biglang dumating yung mga tropa ni Tyler.

Nakahinga naman kame ng maluwag dahil hindi pa kame handa na sabihin kung sino kame.

Tsaka sabe ni Steph dapat daw sila ang makatuklas ng tungkol sa kung sino kame .

"Uyy! Mga tol! Andito din kayo! "Masayang sabe ni Tyler sa mga tropa nya.

"Oo nga.  What a coincidence? "Nic.

" Tss. Coincidence?"bulong ni Steph na mukang narinig nila Nic.

"Oo, coincidence. Ano ba dapat ?" Maangas na tanong ni Alex.

Biglang ngumisi si Steph na naging dahilan ng pag tataka naming lahat.

"Naahh! Nakita ko kase yung kotse nyo na nakasunod samen. I thought you were following us."

"B-baket naman namen kayo susundan? Tsaka malamang makikita nyo talaga kame kase nga dito din ang punta namen." Sagot ni Grae.

"Hahahaha." Sarcastic na tawa ni Steph kaya lalo kameng nag taka.

Pero bigla syang tumigil sa kakatawa at seryosong tumingin kela John. Ang lakas talaga ng tama netong babaeng to eh.

"Then tell me, bakit kahit saan kame lumiko nanundun pa din kayo? Pwede naman kayong dumiretso na lang para mas mabilis. Kaya ngayon nyo sabihin saken na hindi talaga kayo sumusunod samen." Sabe nya na nakapag panganga samen.

Kaya pala ang tagal nameng makarating dito kase dun kame sa maraming pasikot sikot dumaan. Meron din kaseng diretso lang ang daan papunta dito sa Starbucks galing sa JA.

"Fine! Tama ka! Sinundan namen kayo. Dahil baka kung anong gawin nyo kay Tyler." Sabat ni John sa usapan na kanina pa nanahimik.

Dahil sa sinabe ni John ay lalong sumeryoso ang muka ni Steph. May lumalabas na din na itim na aura sakanya na naging dahilan ng pag layo namen sakanya.

Mamaya manapak pa yan eh. Mas mabuti ng handa. Sayang ang muka.

"Hindi porket nag karoon ng alitan sa pagitan ng grupo naten ay masama na kame. Baka nakakalimutan nyo. Kayo ang nag simula ng gulong yun. Hindi namin kayo gagalawin kung hindi nyo kame pinakealaman.

"Tsaka nakikipag kaibigan lang kame at wala naman sigurong masama dun? Walang ginagawa si Tyler samen kaya wala kameng gagawin sakanya. Kaya sana isipin nyo muna kung ano ba yung mga pinag sasabe nyo. Dahil baka hindi nyo alam dahil sa pang huhusga nyo may nasasaktan na kayo.

"Baka nakakalimutan nyo din na tao din kame, may nararamdaman at nasasaktan. Kahit pa sabihin nyo na masama kameng tao wala pa din kayong karapatang manghusga ng ibang tao." Mahabang sabe ni Steph.

Kitang kita yung galit sa mata nya. Ayaw nya kase ng hinuhusgahan sya.

Tumayo sya at aalis na sana pero huminto sya sa pinto. Wala syang pake sa mga nakatingin sakanya na halata mong fans nya.

"And Tyler. Tsaka ka na makipag kaibigan samen pag natuto ng rumispeto yang mga kasama mo. Pag hindi nila kaya, siguro nga mas mabuting wag ka na lang makipag kaibigan samen o lumapit samen." Sabe nya tsaka tuluyang lumabas.

Napatingin naman kame kela Nic na naka nganga habang si John ay walang emosyon na nakatingin sa pinag labasan ni Steph. Si Tyler ay nakayuko lang.

Tumayo na din kame para umalis. Tinapik muna namen si Tyler kaya napatingin sya samen tsaka namen sya tinanguan na senyales na aalis na din kame.

Tumakbo na kame at sumunod kay Steph. Mahirap na, baka manapak ng makakasalubong nya yun lagot kame.

Tsaka iisa lang ang sasakyan namen papunta dito. Ayaw naming mag lakad.

______________
EDITED !!!

CoLd Vs. HotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon