Chapter 52- Explosion

4.7K 115 0
                                    

Third Person POV
Nagulantang ang mag babarkada sa narinig nilang pagsabog na nag mumula sa labas ng bahay nila.

Agad na sinilip ni Steph kung sino ba ang mga nasa labas. At dun nya nakita ang nasa 500 na mga kalalakihan.

"Dark Thunders are here. "Sabe nya at tiningnan ang kanyang mga kaibigan.

"What?! Anong gagawin naten? Hindi tayo handa. Wala tayong armas na magagamit. "Tyler na nag papanic na.

Ganun din ang iba. Samantalang si Steph ay nakangisi lamang. Napansin ito ng magkakaibigan kaya napatingin silang lahat dito.

"Baket ka nakangisi? Mamatay na nga tayo eh. "Sabe ni Chris Ann.

"Psh! Mga rank 1 at rank 2 ba talaga kayo? Baka nakakalimutan nyo kung sino ang nasa harap nyo. "Sabe ni Steph habang nakangisi padin.

Nag taka naman ang mga ito. Pero hindi na yun pinansin ni Steph at pumunta dun sa gitna ng sala kung saan nakasabit ang pinakamalaking picture frame doon na may larawan nilang mag kakaibigan.

Ang larawan na unang napansin nila John ng unang silang pumunta dito.

May pinindot si Steph sa gilid nun na maliit na buton at bigla na lang bumukas ito na parang pinto.

Napamangha naman ang magkakaibigan sa nakita nila sa loob nun. Iba't ibang klase ng baril.

"Meet my collection. "Sabe ni Steph ng nakangisi.

Kumuha sila ng mga kakailanganin nilang baril.

"All of that gun has a poison on it. "Sabe ni Steph.

Napatingin sila sa baril na hawak nila. Dun lang nila nakita na may naka engrave pala don.

Ang naka engrave doon ay isang bungo at Ice na may crown sa ibabaw. Dahil sa nakita alam nilang mamahalin ang mga ito.

"So, let's go? Let's rock them all. Let's enjoy this fight. "Sabe ulit ni Steph tsaka sila lumabas.

Nagpalitan agad sila ng putukan. Walang ibang maririnig kundi putok na baril. Nag hiwahiwalay silang lahat upang mas mapadali.

Si Steph ay may hawak na baseball bat na bakal at tulad ng mga baril ay may naka engrave din doon.

Hinahampas nya sa ulo ang lahat ng malapit sakanya. Habang ang iba naman ay patuloy lang sa pag baril sa mga kalaban.

Lahat ng tatamaan nila ay agad na tumutumba. Dahil sa noo nila binabaril ang mga ito.

Nasa kalahati na ang napapatay nila ng may biglang dumating na helicopter at ng tingnan nila yon ay napangisi sila.

Dahil ang laman ng helicopter ay sina Joaquin.

At dahil napatingin ang mga kalaban sa itaas ay agad hinugot ni Steph ang baril nya atsaka binarl ang mga ito.

Ganun din ang ginawa ng mga kaibigan nya. Bumaba na din sila Joaquin para tumulong.

Hanggang sa naubos nila ang ang mga kalaban. Pero napatigil sila sa pag diriwang ng makitang may mga paparating pang kalaban.

Gustuhin man nilang lumaban pa ay alam nilang hindi na nila kaya dahil sa pagod.

Kaya naman sumakay na lang sila sa helicopter para umalis. Nadaanan nila ang mga kalaban na sumisigaw habang nakatingin sakanila.

Kinuha ni Steph ang Dalawang granada sa bulsa nya na sya mismo ang nag imbento. Kahit na hindi ka matamaan nito at kahit usok lang ang maamoy mo ay patay ka pa din dahil sa lason na nasa loob nito.

"Say goodbye F*ckers!" Sabe ni Steph sabay ngisi.

Napatingin naman sila Chris Ann kay Steph. Ganun na lang ang kilabot na naramdaman nila ng makita nila ang ngisi nito kahit pa hindi ito nakatingin sakanila.

Tinanggal ni Steph ang pin nito tsaka inihagis sa mga kalaban sa baba. Tsaka sila lumipad palayo.

______________
EDITED!!!!

CoLd Vs. HotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon