Chapter 51- Unexpected

4.8K 116 0
                                    

Third Person POV
Nasa bahay nila Steph ang magbabarkada except kay Steph na hanggang ngayon ay hindi pa bumabalik simula nung lumabas sya sa Hospital.

Isang linggo na din kase simula nung nangyare sa hospital at simula non nag training na ng nagtraining ang mag babarkada.

Napag tanto kase nila hindi lang dapat sila umaasa kay Steph. Kailangan din nilang mag palakas para maprotektahan din ang dalaga.

Pero naisipan muna nilang mag pahinga muna sa araw na ito. Sa tingin din nila ay bumabalik na ang lakas nila sa dati.

Nag kukwentuhan sila ng biglang bumukas ang pinto at napatigil sila ng makita kung sino ba yun.

Si Steph. Nag balik na ito.

"Steph! "Sigaw ng mga ito.

Tiningnan lang sila ni Steph ng walang emotion tsaka tumango.

"Where have you been? "Chris Ann.

"Jan lang. "Sagot ni Steph.

"Namiss ka namen. "Ronalyn.

"Yah! Whatever. "Baliwalang sagot nito.

Napayuko naman ang mag kakaibigan sa naging sagot nito. Pero napatunghay din ng magsalita ni Steph.

"Siguro naman nag training kayo habang wala ako? "Sabe ni Steph hang nakaupo sa sofa at kinakalikot ang phone nya.

"Oo naman. At sa tingin namen bumabalik na ang lakas namen. "Excited na sabe ni Paula.

"That's great. Ipagpatuloy nyo lang yan nalalapit na ang gang war. Ayokong may pabigat saken sa laban. "Sabe ni Steph .

Nalungkot sila sa narinig. Pabigat? Yun na lang ba talaga ang tingin ni Steph sakanila? Mga pabigat?

Umakyat na muna si Steph sa kwarto nya para mag pahinga at mag bihis.

Pag katapos nyang mag bihis ay nag punta sya sa sulok ng kwarto nya at may pinindot syang buton.

Biglang nag bukas ang pader ng kwarto nya at may silid na biglang lumabas.

Pumasok sya sa silid na yon at sinarang muli ang pader .

Isa iyong secret room kung saan naka lagay ang mga painting na sya mismo ang gumawa. At mga litrato . Sya lang ang nakakaalam ng kwartong ito.

Ang mga nasa paintings at pictures ay ang mga taong mahahalaga at malalapit sa puso nya.

Itong silid na ito ang mag sisilbing stress reliever ng dalaga. Dito sya nag pupunta sa tuwing nahihirapan na sya. Tuwing gusto nyang huminga sa lahat ng gulo sa buhay nya.

Ang litrato at painting na ito ay nung mga panahong masaya pa sila. Nung wala pa silang kinakaharap na problema. Hindi katulad ngayon na halos hindi na sila mag kita.

Napaluha sya ng maalalang maaaring mapahamak ang mga ito dahil sakanya.

"Itataya ko ang sarili kong buhay para sainyo. Wag lang kayong mapahamak. "Sabe nito sa sarili.

Pinunasan nya ang ang luha at lumabas na sa silid na iyon tsaka bumaba .

Nung pababa na sya ay nakita nya ang mga kaibigan na nag kukulitan kaya napangiti sya.

"Mamimiss ko yang mga ngiting yan. Tama nga ang desisyon ko naniwan kayo kala John. Dahil alam kong hindi nila kayo papabayaan pag wala na ko."

Napatingin sakanya ang mga kaibigan nya kaya naman bumalik sya sa pagiging cold .

Nakatingin lang sakanya ang mag babakarda habang naglalakad ito pababa. Ng biglang......


BOOOGGGGSSSSHHHHH!!!!!!!

____________
EDITED!!!!

CoLd Vs. HotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon