Janrose POV
Andito ako sa kwarto ko ngayon, nagaayos na ko para sa photoshoot namen mamaya.And guess what? Wala akong tulog, ang laki tuloy ng eyebags ko.
Buti na lang na lang nag experiment kame ng make up na ginagamit namin tuwing may shooting kame. Kase kung wala? Ayy,malamang nag muka na kong zombie ngayon.
Si Kenneth kase eh. Sabihan daw ba ko ng i love you? Hindi tuloy ako nakatulog. Alam ko as best friend lang yun pero anong magagawa ko ? Gusto ko sya kaya ganun kabig deal saken yun.
Tapos na kong mag ayos kaya bumaba na ko. Andun na din sila Steph pero wala yung boys. Nasa labas na siguro.
Pareparehas din pala kame ng suot kulay lang yung naiba. Naka swimsuit kame pero may doble kameng shorts na nakabukas yung botones at zipper. May doble din kame na see thru kaya kita pa yung panloob namen.
Ang ganda nung swimsuit ni Steph kase kulay black tapos may skull sa gitna tapos sa gilid may mga nakasabit na maliliit na kadena. Bagay na bagay sakanya.
Nakita kong nakatitig saken si Steph kaya nginitian ko sya. Pero nginisihan nya lang ako tsaka sya lumabas.
Nahalata nya kaya na hindi ako nakatulog? Aish! Malamang Janrose. Si Steph pa ba? Kilalang kilala ka nun. Kahit kaduluduluahn ng hibla ng buhok mo alam nya. Kaya madali lang sakanya kung may nag bago ba sayo.
Napagulo na lang ako ng buhok ko kaya napatingin saken sila Chris Ann na para na kong nababaliw. Nginitian ko na lang sila ng alanganin at umiwas ng tingin.
Lumabas na din kame at pumunta na sa gitnang parte ng beach kung saan nakatayo ang ministage. Dun kame mag pophotoshoot.
Habang papunta kame dun pinagtitinginan kame ng mga tao. Especially boys. Nadaanan pa nga namen sila John eh at napatingin din sila samen.
Nung nakadating na kame sa ministage hinubad na namen yung doble nameng see thru. Revealing our perfect body.
Nilibot namen yung paningin namen sa buong beach at napasmirk nung makita nameng nakanganga yung mga lalake pati sila John habang nakatingin samen.
Nagsimula na kame mag photoshoot.
Tyler POV
Nagulat talaga kame nung makita namen sila Steph na ang sexy ng suot. Photo shoot nga pala nila ngayon.Nagsimula na silang kuhaan ng pictures. And all i can say is they're perfect.
Ang galing nilang magpose at halata mo sakanila na they are professional models. Kaya hindi nakakapagtaka na madameng humahanga sakanila.
After 2 hours tapos na sila. Pumasok muna sila dun sa tinutuluyan namen. Mag bibihis siguro sila.
Agad din naman silang lumabas na naka T-shirt na. Papaunta sila samen.
Pero hindi pa sila nakakalapit samen ng biglang may humarang sakanilang mga maskuladong lalake.
Kinabahan kame nung nakita namen yung tattoo nila na member sila ng Toxic Gang.
Lalapit na sana kame sa girls ng may humarang din samen na mga lalake.
Nagkatinginan kameng pito at nag tanguan. Mukang mapapalaban kame ah?
Third Persons POV
Agad sinugod ng dalawang grupo ang mga lalake.Ang mga babae ay agad pinapatulog ang mga nakakalaban nila sa pamamagitan ng pag tapik sa batok ng mga ito upang makatulog.
Samantalang ang mga binata naman ay pinapatulog ang mga nakakalaban nila sa pamamagitan ng malakas na pag suntok.
Pero habang tumatagal yung labanan padame din ng padame yung mga kalaban.
Unti unti na ding nanghihina sila Steph dahil sa pagod sa photo shoot at pakikipaglaban. May mga sugat na din ang mga ito.
Ganun din sila John. Nanghihina na din ang mga ito at alam nilang babagsak na sila. At hindi nga sila nag kamali. Bumagsak na nga sila.
Natuon ang atensyon nila Steph kela John ng bumagsak ito na wala ng malay.
At nung distracted na sila ay bigla silang pinaamoy ng mga lalake ng pampatulog. Naamoy nila ito dahil sa pagkabigla nila kaya nawalan sila ng malay.
Isinakay na sila ng mga ito papunta sa hindi kalayuang abandon house.
____________
EDITED !!!!
BINABASA MO ANG
CoLd Vs. Hot
ActionHighest rank achieved: #16 in Action ________ There's a happy go lucky girl that change her self because of what her been through. She choose to be strong, cold and fearless to hide her true feeling. Even she change a lot, the only thing that she ca...