Keith POV
Nagulat talaga kame nung nakita namen sila Austine sa bahay.Tapos sasama pa daw sila samen sa vacation namen sa Palawan.Umalis na kame sa bahay. Iisa lang ang gamit nameng mga sasakyan para mas madali na. Iniwan na nila yung sasakyan nila dun sa bahay.
Dumaan muna kame sa isang ampunan. Bata pa lang kame nag dodonate na kame dito. Kahet nung nasa Korea na kame nag papadala si Steph ng mga tauhan nya para ipadala yung mga kailangan nila tapos nag iiskype kame para makausap sila. Sobrang hilig kase namen sa mga bata lalong lalo na si Steph.
Pag baba namen sa van ay nakita namen ang pagtataka sa muka nila Austine..
"Akala ko ba sa Palawan? Baket andito tayo? "Nic.
"Ah. Dadalawin lang namen yung mga bata dito. Matagal na din kase simula nung huling dumalaw namen dito eh. "Sabe ni Chris Ann at nag lakad na kame papasok.
Nic POV
Nag taka kame kase dito kame sa ampunan huminto. Pumasok na sila Chris Ann sa loob kaya pumasok na din kame.Pag pasok namen biglang sinugod nung mga bata sila Chris Ann.
"Hello mga bata. Namiss nyo ba sila ate? "Tanong ni Ronalyn.
Sabay sabay na tumango yung mga bata. Napangiti naman sila Steph .
"Oo nga pala kids. May mga kasama kame. "Janrose sabay turo samen.
"Sila kuya John, Nic, Alex, Kenneth, Tyler, Austine at Grae. Kaibigan namen sila at makikipaglaro din sila sainyo. "Masiglang sabe ni Paula.
Naghiwahiwalay naman yung mga bata at sumama kala Steph. Nakipag laro yung mga bata sakanila.
Ang sarap nilang pagmasdan. Mga nakangiti sila habang nakikipaglaro sa mga bata. Kahet si Steph nakangiti din. Mahilig pala sila sa bata.
Bigla naman kameng tinawag nung isang madre at pinasunod sa kanya . Sumunod naman kame sakanya at dinala nya kame sa garden.
"Kaibigan ba kayo nila Steph? "Sabe nya.
Tumango kame bilang sagot. Napangiti naman sya.
"Alam nyo bang 7years old pa lang sila sinusoportahan na nila tong ampunan. At kahet na pumunta sila ng Korea ay nag papadala sila dito ng tauhan nila para ibigay ang mga pangangailangan ng mga bata. Napakabait nila Steph sa mga bata. Isang beses tinanong ko sila kung baket nila kame tinutulungan . Ang sabe ni Steph ay "Mapapalad po kame kase kame po yung magiginhawa ang buhay. Kaya gusto po naming ishare sa iba ang kaginhawaan na nararanasan namen. Hindi man po ganun kalaki ang naitutulong namin atleast po ay nababawasan po yung mga gastusin ninyo para sakanila. "Yan ang sabe ni Steph sa aken. Simula non dun ko naisip na napakabait nilang magkakaibigan."sabe nung madre.
"Tapos nakita ko din kung gano nila kamahal yung isa't isa . Kung paano nila pahalagahan yung pagkakaibigan nila. Lalo na si Steph, ayaw na ayaw nya na nasasaktan yung malalapit sakanya. "Sabe nya pa samen .
Nag kwento lang ng nag kwento yung madre hanggang sa may tumawag sakanya.
"Ah. Sige mga iho. Mauna na ako . Payo lang ah? Wag nyong papabayaan yung mga yun. "Sabe nya ulet.
Umalis na sya at pag kaalis nya nag katinginan kame.
Di kase kame makapaniwala na ganun sila kabait . Kame nga niminsan di namen naisip na tumulong ng ibang tao.
Nahiya tuloy kame. Napaka makasarili namen.
Pumasok kame sa loob at nakita namen sila Steph na nakikipaglaro sa mga bata.
Ang sarap lang nila panoodin. Lalo na si Chris Ann.
Napatingin siya saken at nginitian ako.
*dug dug dug dug *
Napahawak ako sa dibdib ko kung saan nakapwesto ang puso ko.
Ano tong nararamdaman ko? Baket ganito kalakas ang tibok ng puso ko? Madalas ko tong maramdaman pag kasama ko sya at nakikita ko yung mga ngiti nya.
Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Hindi kaya ................
Naiiinlove na ko sakanya?
_____________
EDITED!!!!
BINABASA MO ANG
CoLd Vs. Hot
ActionHighest rank achieved: #16 in Action ________ There's a happy go lucky girl that change her self because of what her been through. She choose to be strong, cold and fearless to hide her true feeling. Even she change a lot, the only thing that she ca...