Chapter 30- Training Part 2

5.9K 178 3
                                    

Chris Ann POV
Nagising ulit kame dahil sa tunog ng kampana. Alam nameng yun na naman yung sign na bumangon na kame.

Bumangon na ako at naligo na. Pagkatapos ng morning rituals ko bumaba na ko at pumunta sa training area.

Pag dating ko nandun na din silang lahat kaya pumunta na ko kela Nic.

"Sa nakita ko kahapon na pakikipag laban nyo madami pang kailangang iimprove sa inyo. But I'm impressed, kayang kayang nyong makipag sabayan sa bawat isa. Pero hindi sapat yun. Kailangan ko kayong tutukan sa pag tetraining."

"Alam ko na halos lahat sa inyo ay nahihirapang lumaban sa dilim. Kaya sasanayin ko kayong lumaban sa dilim. Kailangang lumakas ang mga pakiramdam nyo. Nakita ko din na may mga nahihirapan sainyo na humawak ng weapon. Ang iba ay hindi asintado. Kaya sila Joaquin na ang bahala sa inyo. Alam nyo naman siguro kung sino kayo diba ?" Sabe ni Steph.

Nagsitanguan naman sila kaya naman umalis na si Steph at hindi namen alam kung saan na pumunta.

Isa't kalahating oras na ng bumalik ulit si Steph na may dalang isang box na punong puno ng panyo.

"Para mas madaling mahasa ang pakiramdam nyo, mag lalaban kayo ng nakapiring ang mata. Kayo ang bahala kung anong gagawin nyong strategy basta mahasa nyo ang pakikipag laban nyo." Kumuha naman silang lahat ng tigiisang panyo tsaka ipinag patuloy ang paeensayo.

Nilapitan namen si Steph na nanunuod lang sa isang tabi.

Napatingin naman sya samen ng mapansing nasa tabi na nya kame.

"Baket?" Walang buhay nyang sabe.

"Kamusta kayo ni John? Nakita namen kayo na nag uusap sa garden nung isang araw. Bati na ba kayo?" Tanong ko.

Umiwas lang sya ng tingin samen. Sa tingin ko ay hindi pa.

"Hindi mo pa ba napapaliwanag sakanya ang dahilan naten?"

"I already did. Pero makitid ang utak nya. Hindi nya maintindihan na parte yun ng pagiging rank 1 naten. Ayaw nya na kong maging kaibigan kaya pinag bigyan ko sya."

"What? Sinabi nyang ayaw nya ng makipag kaibigan sayo? At pumayag ka? Steph naman, sana hindi ka pumayag. Sana inintindi mo muna sya. Baka nag tatampo pa yun sayo."

"Hindi ko ugaling ipag siksikan ang sarili ko sa taong ayaw saken. Tama na yung pag intindi sakanya ng ilang beses. Tama ng binaba ko na yung pride ko para lang mag paliwanag sakanya. Ayoko na."

"Yan kase ang hirap sayo eh. Sobrang taas ng pride mo! Tinanggihan ka lang ng isang beses susuko ka na agad? Steph, baka nakakalimutan mo na sya lang ang nakapag pangiti sayo ulit. Sya lang ang nakatagal sa ugali mo bukod samen. Kaya wag kang sumuko."

"Wala kayong alam! Hindi nyo alam kung ano yung nararamdaman ko. I tried to understand him, pero nakakapagod na. Hindi habang buhay kaya kong umintindi,hindi habang buhay kaya kong mag hintay. Napapagod din ako, nasasaktan din ako. Masakit para saken na kamuhian ng taong nag bigay ulit ng ngiti saken. Masakit na sinasabihan nya ko ng masasakit na salita. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa kung ipag papatuloy ko pa ang pag siksik sakanya. Sakanya na mismo nanggaling. Ayaw nyang maging kaibigan ang isang katulad ko. Wala akong magawa kundi layuan na lang sya. Masakit dahil nawalan ako ng isa pang kaibigan. Pero mas masasaktan ako kung malapit nga ako sakanya pero pilit naman nya kong pinag tatabuyan."

____________
EDITED!!!!

CoLd Vs. HotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon